Chapter 3

30 1 0
                                    


"P-pasensya na talaga" pag ulit ko at huminto ang paningin ko sa dibdib niya.

H-huh? ang t-tangkad! 5'2 lang height ko kaya hanggang dibdib lang niya inabot ang paningin ko, sa palagay ko ay nasa 6'2 ang height niya.

Until unti akong tumingala at napasinghap ako nang magtama ang paningin namin. Napakaganda ng asul niyang mga mata pero madilim at malamig.

Akala ko ay sobrang gwapo na ni Dylan pero higit na mas gwapo ang isang to, parang hindi totoo! Parang lumabas galing sa libro. Ang kapal ng mga kilay, ang tangos ng ilong, umiigting ang perpektong panga, manipis ang kulay rosas na labi.

"Miss, you're spacing out" bahagya pa akong napatalon sa gulat nang marinig ang malalim at malamig niyang boses.

"U-uhm---" naputol ang pagsasalita ko ng magring ang cellphone ko.

"P-pasensya na ulit hindi ko sinasadya" paghingi ko ulit ng paumanhin bago tumalikod at sagutin ang tawag.

[Nasaan ka na ba! Kanina pa nag umpisa ang first quarter. Tapos mo na bang libutin ang buong eskwelahan?] Singhal ni Genevieve sa kabilang linya.

"Malapit na Genevieve, pasensya na naligaw kasi ako"

[Osiya sige na, Dalian mo! dito ang pwesto natin sa unahan, sa likod lang ng bench ng Team natin] sabi niya at pinatay na ang tawag.

Napalingon ako sa likod kung saan ako may nakabanggaan at nagulat nang makitang nandoon pa din ang lalaki. Nakakunot ang noo niya, bahagyang nakasalubong ang makakapal na kilay at umiigting ang panga na nakatitig sa gawi ko habang nakapamulsa sa pantalon niya.

H-huh? Galit ba siya? P-pero nagsorry na ko sa pagkabunggo sakanya.

Nagmamadali akong tumalikod at naglakad papasok sa gymnasium. Bahagya pa kong napahawak sa dibdib ko nang maramdaman ang bilis ng pagtibok ng puso. Baka kinabahan ako sa malamig niyang tingin, tama! baka natakot ako sakanya.

"Ang tagal tagal mo! Tingnan mo, kanina pa nakasimangot yung epal na Dylan kasi hindi ka nakita sa tabi ko" pagsesermon ni Genevieve nang maupo ako sa tabi niya.

Napatingin naman ako kay Dylan, sa palagay ko ay tapos na ang first quarter at break nila ngayon. Umiinom siya ng gatorade habang nakikinig sa Coach nilang nagsasalita.

Lumingon siya sa gawi namin at bahagyang nabilaukan sa iniinom, nagtama ang paningin namin habang inuubo pa siya dahil sa pagkasamid. Nginitian ko siya at kumaway, bumaba ang tingin niya sa suot ko at mabilis na namula ang mga tenga.

"Hala kinilig ang bobo" sabi ni Genevieve sa tabi ko.

Kalaunan ay ngumiti din si Dylan at kumaway pabalik. Mabilis naman na nagsilingunan sakin ang mga fangirls niya at masama akong tiningnan.

Bumalik din naman agad ang tingin nila sa court nang marinig ang buzzer , tanda na magsisimula na ang second quarter ng laro.

18-26 ang score ng first quarter, lamang ang kalaban. Nag umpisa na ang second quarter at masasabi ko na magaling talaga ang kalaban.



"THREE POINTS FOR NUMBER 16 MARTINEZ"

Mabilis na lumingon sakin si Dylan at kumindat.

"AHHH DYLAN I LOVE YOU!"

"KININDATAN NIYA KO BEH, MAHIHIMATAY ATA AKO OMG"

"AKO ANG KININDATAN TANGA, OMG DYLAN MARTINEZ MARRY ME!"

The Ruthless and Selfless (The Bachelor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon