Chapter 7

25 0 0
                                    

⚠️ WARNING!!! ⚠️ WARNING!! ⚠️
❌PHYSICAL AND VERBAL ABUSE!❌

"Stop... Just stop talking" sabi niya at napansin ko ang pagtaas baba ng adams apple niya.



"Dito nalang ako bababa" sabi ko sakanya nang nasa pangalawang kanto na kami. Sa susunod na kanto pa banda ang bahay namin pero hindi ako pwedeng magpahatid sakanya sa tapat ng bahay namin dahil mashadong agaw pansin ang kotse niya.


"Where's your house?" Tanong niya matapos igilid ang kotse at ihinto.


"Sa kabilang kanto, pero wag mo na ko ihatid kasi marami doon chismosa baka ichismis ako at isa pa mashadong agaw pansin pa ang kotse mo"


"I'll walk you home then, I'll just leave my car here"


"H-hoy wag na! Baka mapagtripan pa ang kotse mo dito!"

"It's fine"

"Wag na sabi!" Inis kong sabi habang nakanguso.


"Fucking fine! I can't believe she's using that again on me" bumubulong bulong pa siya pero hindi ko na inintindi at kinalas ang seatbelt sa katawan ko.


"Wag ka na bumaba ha, thankyouuu for today. Super sarap ng strawberry frappe at cheesecake"

"Next time I'll use a normal car so that I can drop you Infront of your house"
Sabi niya at bahagyang dumukwang para buksan ang pinto sa gilid ko, ang lapit ng mukha niya sakin kaya napatitig ako sa asul na mga mata niya.


"Ang gwapo naman ng boyfriend ko" akala ko sa isip ko lang to nasabi pero nanlaki ang mga mata ko nang mamula nanaman ang mga tenga niya.


Sinamantala ko ang pagkakatulala niya at tinulak siya pabalik sa upuan niya.

"Hahaha ingat sa pagddrive , bye bye!" Kinakabahan kong sabi at nagmamadaling lumabas sa kotse niya.


Ano bang pinagsasabi ko! Baka isipin niyang nilalandi ko siya at feel na feel ko ang pekeng relasyon namin arghh!

Paliko na ko sa kanto namin nang binalikan ko siya ng tingin, nandon pa din ang kotse niya kaya bahagya akong kumaway bago tuluyang umuwi.


Wala nanaman si papa, nakapasok na ko ng kwarto nang mapansin na parang may nakalimutan ako. Halaaa! Ang bag ko nakalimutan ko sa kotse ni Damon! Mabilis kong kinuha ang cellphone sa bulsa ng uniporme ko at tinawagan siya, sinagot niya naman agad matapos ang unang ring.


"H-hello?"

[Hmm?]

"N-nakaalis ka na?"

[Yeah, on my way to the company. Something came up]

"Yung bag ko kasi nakalimutan ko sa kotse mo"

[I can drop your bag there later after work]

"Hindi ka ba mapapagod non?"


"You're my girlfriend Seleira, I won't get tired if it's for you"

Muntik na kong kiligin pero mabuti nalang naalala ko na nagpapanggap nga pala kaming may relasyon.


"Hala ganap na ganap, sino ka jan" natutunan ko to kay Genevieve dahil madalas niya tong sabihin.

[The fuck are you sayin'?]


"Wala hahahaha"

[I'll just pick you up tomorrow morning]

The Ruthless and Selfless (The Bachelor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon