Chapter 6

19 0 0
                                    


"May I take your order sir?" Sabi nung waitress habang namamangha kay Damon.


"What do you want to order?" Tanong niya sakin habang nakatingin sa menu.

"I-ikaw nalang, hindi naman ako gutom" sagot ko pero nag angat siya ng tingin sakin at tinaasan ako ng kilay.

"K-kahit ano nalang basta strawberry flavor" dugtong ko kasi baka magalit nanaman siya.



"One strawberry frappe, one strawberry cheesecake and caffé americano with two shots of espresso" sabi niya sa waitress


Pagkatapos ulitin nung waitress ang order ay umalis na siya.


"So what do want us to talk about?"

"Tama ka sa lahat ng sinabi mo, totoong may gusto nga si Genevieve kay Dylan"


"What do you want to do?"


"Gusto kong tumigil na si Dylan sa panliligaw sakin pero nung sabihin ko yon sakanya ay hindi siya pumayag. Ang sabi niya ay titigil lang daw siya pag sinagot ko na siya o may iba na kong gusto" pagkkwento ko

"Use me then"

"H-huh? Bakit naman kita---" naputol ang pagsasalita ko nang dumating ang order.


Malagkit ang tingin ng waitress kay Damon habang nilagay sa mesa namin ang mga inorder, hindi naman siya sinulyapan manlang ni Damon.

"Call me if you want anything Sir" sabi nito habang nakakagat sa pang ibabang labi, hindi naman sumagot si Damon kaya umalis na ang waitress.

"Eat first" sabi niya at sumimsim sa kape niya.

Uminom naman ako sa strawberry frappe at nanlaki ang mata dahil unang beses kong makatikim neto at sobrang sarap!

"Eat the strawberry cheesecake, that's yours"

Nagningning naman ang mga mata ko habang nakatingin sa Strawberry cheesecake. Inabot ko ang kutsara at kumuha ng kapiraso para tikman.

"Ang sarap!" Nakangiti kong sabi at kumain ulit, napansin ko naman na nanahimik siya kaya nag angat ako ng tingin.

Nakita ko naman siyang pinapanood lang ako habang kumakain kaya bahagya naman akong nahiya.

"Bakit kasi hindi ka nag order ng sayo? Nagtitipid ka ba? Pero sabi nila mayaman ka daw. Ako nalang magbabayad netong inorder mo sakin---" bago pa man ako matapos sa sinasabi ko ay sumabat na siya.

"I'm not hungry"

"Hati nalang tayo" sagot ko

"I said I'm not---" napanguso naman ako bigla habang nagsasalita siya.

"Fuck fine" may kung ano pa siyang binulong pero hindi ko na narinig.

Tinaas ko ang kutsara na may lamang cake at tinapat sa bibig niya, mabilis niya naman itong sinubo at nag iwas ng tingin.

"Masarap diba? Teka bakit namumula ang mga tenga mo?" Mahina kong tanong sakanya.

Tinuloy ko ang pagkain sa cake habang takang pinagmamasdan pa din siya.

"We just used the same spoon"

"Teka wag mo sabihing naniniwala ka sa indirect kiss? Hahahaha" humahalakhak kong tanong kaya mas namula ang mga tenga niya.

"Ako kasi hindi, madalas kaming magshare ng kutsara or baso nila Genevieve at Dylan---"

"What the fuck?!"

The Ruthless and Selfless (The Bachelor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon