Prologue

352 24 1
                                    

WARNING!!!

This story may contain disturbing scenes about ENSLAVEMENT, KILLING, INCEST, AND POLYGAMY. Meaning... SPG siya mga dzai! Translation are not accurate and it's completely FICTION. Wala itong kinalaman sa history ng Egypt but rules, beliefs and culture of Egyptians is being implemented here.
   
    AGAIN... It's FICTION! FICTION!
   
    Genre: Fantasy, Historical, Harem, and Romance
   
    READ AT YOUR OWN RISK! Walang magbabash dahil magbabase lang ako sa mga articles na nababasa ko!
   
    By the way I'm using Arabic language here (dito lang sa prologue) since Arabic daw ang lenggwahe na ginagamit ng mga Egyptians. Dinar naman ang currency dahil iyon ang nahanap ko.
  
----------
    PROLOGUE
   
    I woke up one day only to find out that I was in the arms of a woman. I had no idea and I thought it was a dream. Then... It hit me. I realized that my hands and feet were so small just like a newborn child.
   
    Is this real? Where am I?
   
    I tried to look around but there's only sand around us. Nasa disyerto ba kami? Tumingin ako sa babaeng may hawak sa akin. She has this long eyelashes, curly dark brown hair, a pair of golden eyes, and is wearing a rugged clothes. She looked frail and haven't eaten for days.
   
    Pinagmasdan ko kung paano tumulo ang mga luha niya na parang nawalan na siya ng pag-asa. Her expression is clearly telling me that it's the end of her life. Why is she crying while caressing my head? And she's saying something that I couldn't understand because her language is Arabic if I'm not mistaken. A man hugged her from the back and kissed my forehead. Is he her husband?
   
    "Yajib 'an nusrie ​​fi qudumahum,"
    (We must hurry they're coming,)
   
    "Sawf yatafawaqun ealayna. Nahn muhasarun ya Zayn,"
    (They will outrun us. We are trapped, Zayn,)
   
    "La nahn lisna. Ealayna alhurub min 'ajl albaqa'i. 'Iimaa 'an namut nuhawil 'aw yaqtulunana."
    (No, we are not. We have to escape to survive. It's either we'll die trying or they'll kill us.)
   
    "Zayn... la astatie tahrik saqi. Khudh tiflina wahrb."
    (Zayn... I can't move my legs. Take our child and escape.)
   
    Mukhang hindi nagkasundo ang dalawa kaya nagtalo sila pero natigil lang iyon nang makarinig kami ng mga boses at huni ng kabayo.
   
    Napatingin ang babae sa asawa nito. "Zayn, yurjaa tashghil wa'iinqadh tiflina."
    (Zayn, please run and save our child.)
   
    Luhaan akong ibinigay ng babae sa asawa niya na labag sa kalooban na tumakbo ng mabilis kahit na medyo nahihirapan ito dahil sa buhangin.
   
    "Zayn! La yumkinuk alhurub mina! La tahrbi!"
    (Zayn! You cannot escape from us! Don't runaway!)
   
    "Sanaqtul zawjatak 'iidha lam tatawaqaf!"
    (We'll kill your wife if you don't stop!)
   
    "La! La tahtamu bi zayn! yarkudu!"
    (No! Don't mind me Zayn! Run!)
   
    Hindi lumingon ang lalaki at takbo lang ng takbo. Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Rinig ko pa ang paghahabol niya ng hininga habang tumatangis at paulit-ulit na sinasabi ang 'Ana asf'.
   
    Hindi ko na namalayan at nakatulog ako sa sitwasyong iyon. Nakakatawa lang dahil nagagawa ko pang maging kalmado gayong hinahabol na kami ni kamatayan.
   
    Muli akong nagising na nakatayo sa gilid ng isang babaeng mataba na punong puno ng alahas ang katawan. Nakaupo ito habang pinapaypayan ng mga babaeng kita ang pusod. May kausap itong mukhang mayaman na lalaki dahil punong puno rin ito ng alahas at silk ang uri ng tela ng damit nito. Natatakpan naman ang kalahating mukha nito kaya mata lang ang nakikita ko.
   
    Sa pagkakataong ito... Naiintindihan ko na ang sinasabi nila. Hindi ko alam kung paano pero maayos kong naiintindihan ang bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig.
   
    "Ito ang isa sa mga pinakamaganda naming alipin. Maaari mo siyang utusan at gawing babae mo,"
   
    "Magkano ba ang babaeng iyan?"
   
    "30 dinar dahil mukha siyang pinalaki sa bahay at maputi pa siya. Hindi ka na lugi sa kaniya, ginoo. Sa katunayan ay maraming nag-aabang sa kaniya kung hindi mo siya bibilhin. Pero dahil suki kita ay sayo ko siya unang inialok." Ngumisi ang babae at pinaglaruan ang singsing na nasa gitnang daliri nito.
   
    Sandaling nag-isip ang lalaki hanggang sa nagkaroon ng kasunduan ang dalawa. Tumingin ito at tumango sa lalaking malaki ang katawan na katabi ko. Siya ang nakahawak sa taling nakakonekta sa leeg ko at mga kamay.
   
    Ibinigay ng lalaki ang tali sa nakabili sa akin. "Magpakabait ka alipin. Maswerte ka at sa kaniya ka ipinagbili ni amo." Hindi ako sumagot sa sinabi nito.
   
    Tahimik lang akong sumama sa lalaki dahil nakatali ang leeg at mga kamay ko kaya hindi ako makatakas. Hindi ako nagsalita dahil inaaral ko pa ang nangyayari at punong puno ng katanungan ang isip ko. Unang-una sa lahat bakit ako nandito? Talaga bang hindi ito panaginip? Pero ang init... Napapaso ang balat ko sa sikat ng araw at wala pa akong sapin sa paa.
   
    "Huwag kang mag-alala, Nailah. Tutulungan kitang bumangon at maghiganti," bulong niya habang tinutulungan akong makasakay sa kamelyo at kinalagan ako.
   
    Nailah... Iyon ba ang pangalan ko? "Sino ka? Bakit mo ako kilala?"
   
    "Kaibigan ako ng ama mo. May dumating sa aking sulat na pumapayag na siya sa aming kasunduan kapalit ng kalayaan mo."
   
    Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya at ang tanging alam ko lang ay isa akong alipin na nabili niya mula sa isang slave trader. Hindi niya sinabi kung paano ako napunta roon basta ang sabi niya sa akin ay kakampi siya at hindi kaaway.
   
    Sa tingin ko... Nagsasabi siya ng totoo at tama nga ang hinala ko. Mabait siya kasi ibinibigay niya ang lahat ng pangangailangan ko araw-araw pero kapalit naman ay kailangan kong sumunod sa utos niya.
   
    Sa mga itinuro niya sa akin sa loob ng tatlong taon patungkol sa pamamaraan ng pagpaslang ay doon ko lang naaalala ang nakaraang buhay ko. As if it's a ticking bomb that suddenly explode when I stabbed the man that tried to rape the slave girl. Sa pag-agos ng dugo mula sa leeg niya ay unti-unting nagsibalikan sa aking alaala ang mga taong pinaslang ko na duguan sa aking harapan. Na parang naaamoy ko pa ang dugo nila muka sa aking mga kamay.
   
    Sa pagpikit ko ay nakita ko ang imahe ng babaeng walang awang pumapaslang ng tao at ang kaniyang mga mata ay tila walang buhay. Tama... Siya at ako ay iisa dahil ang babaeng iyon ay si Crizelle Tamayo a.k.a Black Lotus at isang professional assassin.
   
⚘KishinRyumei
   
   

The Assassin is the Pharaoh's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon