Chapter 5: Sticking to mission

187 11 1
                                    

    "Kakampi mo kami at iisa lang ang ating layunin. Kaya pakiusap aking pamangkin... Umakto ka na naaayon sa iyong pekeng pangalan. Kailangan natin ang pwersa ng unang prinsipe at upang mangyari iyon ay kailangan namin ang tulong mo. Ipaghihiganti natin ang ginawa nila sa ating angkan at sa iyong ina."
   
    Natawa na lang ako sa sinabi ni Rabiah kanina o mas magandang tawagin ko siyang tita. Hindi ko alam kung kakampi ba siya o hindi. Dapat ba siyang pagkatiwalaan o hindi. Marami siyang sinabi sa akin tungkol sa angkan ng Jabari na dating noble family sa Egypt kung saan sila ang naghahandle dati ng mga seremonya. Sila rin ay nangunguna, pinakamayamaan at pinakamakapangyarihang angkan.
   
    Karamihan pa sa kanila ay matataas ang katungkulan sa palasyo pero dahil sa bagong halal na paraon na ama ng kasalukuyang paraon ay ipinapaslang niya ang lahat ng miyembro ng angkan. He accused Jabari clan a treason against the royal family which is not true. Dahil doon ang tanging naging layunin ng angkan ay pabagsakin ang kasalukuyang namumuno at palitan ito subalit ang layunin ng grupo na kinabibilangan ko ay pabagsakin ng tuluyan ang pamumuno ng royal family.
   
    Ibig sabihin nais nila akong gamitin para humiram ng pwersa mula sa unang prinsipe. They want me to fool him and act as his woman while I'm aiding them in eliminating the royal family. Oo, si Prinsipe Nemphis ang nagpatawag sa akin at madali lang para sa kanilang sabihin na utuin siya pero hindi ganoong kadali iyon. I can't fool him dahil mahahanap at mahahanap din niya ang butas. Kahit sabihin pa nating parehas nilang gustong pabagsakin ang kasalukuyang paraon ay may pagkakaiba sila. Ang sabi ni Rabiah, nais ng Jabari clan na sila ang pumalit bilang royal family ng Egypt. Sa madaling salita, kasali roon sa royal family si Nemphis kaya pagkatapos nila siyang gamitin ay siya naman ang huli nilang ililigpit.
   
    Hah! They think they can win over the MC? It's better to stay away from their business. Nevertheless, she can't trick me using my mother's death but, instead I tricked her into changing our clothes. Hindi ako makapaniwala na pumayag siya.
   
    Anong akala niya sa akin uto-uto? I won't risk myself for their foolish revenge and ambition. I'm not even interested about my identity and restoring their clan's power. I'm done being a tool for someone's benefit. Nananatili lang ako sa grupo nila tito dahil malaya akong pumatay at nararanasan ko pa rin ang aking buhay assassin at hindi magpanggap bilang babae ng MC gaya ng ipinapagawa nila sa akin. My 'auntie' has the nerve to call me princess. May prinsesa bang ipinanglalaban? Even she's my auntie huwag niya akong mautos-utusan na parang we know each other. I don't care about their motive because first of all, I'm not even the real Nailah. I'll make my own decision and judgement.
   
    In the end, we came out of the room with our exchanged clothes. We both also wore a veil covering half of our face na napansin naman ng isang kawal. Dapat kasi si Rabiah lang ang may veil pero nagsuot na rin ako para hindi nila ako makilala.
   
    "Nais ng binibini na ilihim ang hitsura ng nakakita sa kaniyang mukha. Pinoprotektahan lamang niya ang kaniyang pagkakakilanlan hanggat hindi pa siya opisyal na babae ng prinsipe," sagot ko.
   
    Alam kong naghihinala sila lalo na sa sinabi ko pero hindi na sila nagtanong pa. Mabuti na lang din noong nakapasok na kami sa loob ng silid saka lang dumating ang mga kawal ng prinsipe kaya hindi nila napansin na magkaiba kami ng hitsura ni Rabiah. Medyo payat kasi siya, matangkad sa'kin ng konti, at medyo dark ang skin color niya. Although her eyes are gold but, its shade were paler than mine. As in gold na gold ang sa'kin.
   
    Ginabayan kami ng mga kawal palabas ng building saka nila pinasakay si Rabiah sa kabayo na kulay puti habang ang harness naman nito ay hawak-hawak ng isang kawal. Yung ibang kawal naman ay humilera sila at pinagitnaan ang kabayo. 4 guards at each side which made me laugh. Sinigurado talaga ni Nemphis na hindi ako makakatakas well, sad to say I managed to escape from that position.
   
    However, I can't lower my guard yet because there's something fishy with their behavior. Masyado silang tahimik at ang iba sa kanila ay nakatingin sa'kin. Kahit hindi ko nakikita ay ramdam kong nakatingin sila. Nasa kanan kasi ako at nakapwesto sa unahan tapos 'yung kawal na nakahawak sa harness ay nasa kaliwa which means yung apat na kawal sa side namin ay nasa likuran ko.
   
    'I have to get out of here.' Nang makarating kami sa kanlurang bahagi ng palasyo na medyo may kalayuan mula sa main palace, I told the guards that this is as far as I can go.
   
    "Hindi ka maaaring umalis. Ang utos ng kamahalan ay personal mong dalhin ang babae sa silid ng prinsipe." Napamura ako sa isipan. The heck?! What are they planning? Bakit ako pa ang magdadala sa kaniya sa kwarto?
   
    "Masusunod."
   
    Pinababa nila si Rabiah sa kabayo saka kami sinamahan ng mga kawal papasok ng gusali. Hindi ako mapakali habang naglalakad kami dahil talagang may mali sa ikinikilos nila.
   
    'Calm down. Don't let them catch you. It's better to go with the flow to increase your chance to escape,' I said to myself.
   
    I could fight these guards however, my life would be at risk. They will hunt me down and it's hard to escape because the sun is still up there. Mas maganda sana kung gabi ngayon. As I've said, I'm on par with their skills however there's too many of them to fight. Yung apat sa kanila ay may dalang mga pana. Curse this!
   
    Wala akong nagawa kundi sumama sa kanila at tahimik na pinag-aaralan ang mga posible kong gawin para tumakas. Madaling tumakas dito sa gusali kung saan pansamantalang namamalagi ang prinsipe dahil maraming open spaces dito but, before I could do that, I will be hit by their arrows. There's no human that could avoid getting hit by many of those even If I'm an assassin. Kung sabay-sabay silang tumira at kahit sabihin pa nating mabilis akong kumilos ay talagang matatamaan ako.
   
    In movies or drama, kahit ilang palaso pa ang paliparin kung hindi nasa script na tamaan ang character ay hindi ito matatamaan. We're talking about reality here. Tao lang ako na nahasa ang kakayahan sa pagpatay at self-defense. Besides, I swear that I've never experienced being chased by arrows in my previous missions.
   
    We stopped in front of a doubled door. "Narito na po ang binibini, kamahalan," anunsyo ng kawal.
   
    Bumukas ang pinto dahil binuksan ito ng dalawang slave mula sa loob. Ayaw pa sanang pumasok ni Rabiah pero mahina siyang itinulak ng kawal para makapasok. Sumunod na rin ako dahil nakatingin din sa'kin 'yung kawal na parang sinasabi niyang pumasok na rin ako.
   
    When we entered, we saw him reading a book on his table. "Iwan ninyo kami."
   
    "Masusunod po."
   
    His voice were deep and powerful as expected of the MC. Isinara ng mga kawal ang pinto pagkatapos ay ibinaba niya ang panulat at saka kami tinapunan ng tingin. Iniwas ko naman ang mga mata ko at sa sahig na lamang tumingin. Hindi ko napansin ang itsura niya kagabi pero masasabi kong kuhang kuha niya ang description sa kaniya ng author. He has long black hair na hanggang beywang, perfect lips and nose, muscular body which can be seen through his noble clothes, and his captivating jawline. What makes him more attractive are his thick eyebrows, eyelashes and the mole near his left eye.
   
    I cleared my throat. "Magandang umaga po mahal na Prinsipe Nemphis. Ito na po ang alipin na inyong ipinatawag." I tried my best to change the tone of my voice in case na narinig niya ang boses ko kagabi.
   
    Tumayo ang prinsipe at nilapitan si Rabiah. I could see them in my peripheral vision. Nakikita kong tinititigan niya si Rabiah na tila pinag-aaralan. Nemphis even touched her veil as if he's playing with it.
   
    "M-May problema po ba, k-kamahalan?" Kinakabahan ang tono ng pananalita ni tita compared kanina na parang pautos ito. Hah, magaling pala siyang um-acting.
   
    "Maaari bang iwan mo kami."
   
    "Masusunod po." paantras akong umalis at nang marating ko ang pinto saka ako tumalikod sa kanila.
   
    "Sandali..." Napatigil ako at humigpit ang pagkakahawak sa isa kong kamay. Did he notice it? I hope not.
   
    "Bakit nakasuot ka rin ng pantakip sa iyong mukha? Nais kong makita ang mukha mo upang makasiguro akong hindi ka kalaban." Shit!!
   
    Humarap ako. "Paumanhin po kamahalan. Gaya ng aking sinabi kanina ay nais ng binibini na ilihim ang itsura ng tagapagsilbing nakakita sa kaniyang mukha upang manatili ring lihim ang pagkakalinlan ng binibini."
   
    Natawa siya. "Umabot na ba sa sukdulan ang iyong kagandahan upang ilihim ang iyong pagkakakilanlan? Hmm?" Hinawakan ni Nemphis ang baba ni Rabiah.
   
    "P-Paumanhin po kamahalan gina—"
   
    "Huwag ka ng magpaliwanag. Alipin, tanggalin mo ang telang tumatakip sa iyong mukha kung hindi ay parurusahan kita," baling niya sa akin saka binitawan si Rabiah.
   
    Pinagdikit ko ang mga ngipin ko dahil sa panggigil. Why me? Bakit mukha ko lang ang gusto niyang makita?! This is so annoying! Can't he just let it slide?
   
    'Calm down. You just need to show your face. However, I'm not sure kung nakita niya ang mukha ko kagabi that's why I'm hesitating. But what if he knows? How can I counterattack him?'
   
    I removed it and watched his reaction. He just stared at me as if he's memorizing my face. I'm not nervous but, instead I'm on alert in case he remembers me.
   
    "Makakaalis ka na." Napangiti ako sa sarili ko lang. Maybe I'm just guessing things wrong.
   
    Tumalikod ako at napatigil na naman sa sinabi niya. "Hindi ikaw ang pinapaalis ko kundi ang aliping dinala mo rito. Ano pang ginagawa mo? Labas."
   
    "M-Masusunod po." Dali-daling lumabas si Rabiah samantalang ako ay tila natuod na sa kinatatayuan.
   
    'Shit! Shit! What should I do? Should I act normal that doesn't know anything or fight him to death?'
   
    "Tama nga ang aking hinala. Gagawa ka ng paraan upang tumakas. Alam ko kung ano ang ipinunta mo rito sa palasyo kaya nais ko sanang makipagkasundo sa'yo." What? Is he fooling me to take his bait? Nah.
   
    Humarap ako sa kaniya at tiningnan siya nang naka poker face. "Kamahalan, hindi ko maintindihan ang sinasabi ninyo. Isa lamang po akong hamak na alipin kaya wala po akong nalalaman sa inyong paratang laban sa akin."
   
    "Ikaw pa lang ang babaeng nakikitaan ko ng katapangan kaya't lalo mo lamang sa akin pinatunayan na hindi ako nagkakamali sa mga impormasyong aking nakalap." Kumunot ang noo ko kunyari.
   
    "Paumanhin subalit wala po talaga ako alam sa inyong sinasabi, kamahalan." I can't let him win.
   
    "Oh? Magkaroon tayo ng kasunduan at kapag pumayag ka ay hahayaan kong mabuhay ang kaibigan mong si Farida. Hindi ba't siya ang kasama mong dumating sa palasyo?" Shit! Ang bilis niyang mangalap ng impormasyon as expected of him.
   
    Still I denied it. In just a blink of an eye, he dashed towards me aiming for my neck so my instinct tells me to counterattack him. Napangisi siya. "Wala ka ng maitatago sa akin, ikaw nga babaeng nakita ko sa hardin kagabi."
   
    Nahawakan na pala niya ang kamay ko. Since, he already know my identity, there's no need to play this foolish act. Agad kong hinawakan ang braso niya and throw him on the ground. Habang hindi pa siya nakakarecover sa shock ay nagpunta naman ako sa gilid at kinuha ang espadang nakasabit sa kahoy na lalagyan. I'm not good at handling it dahil sa dagger at kutsilyo kasi ako expert but, I can manage naman.
   
    Tumayo siya at tumingin sa'kin nang nakangiti. What the? May saltik ba ang lalaking ito? I don't even recall him smiling in the book. He's pissing me off. Muli na namang nabuhay ang bloodlust ko dahil sa kaniya.
   
    'Shit! It's happening again.'
   
    I have to kill him. My bloodlust is begging me to kill him. Iba na ang tingin ko sa kaniya dahil nagkulay pula na ang nakikita ko at nakafocus lang ang mga mata ko sa kaniya. Ito ang nangyayari sa'kin kapag inaatake ako ng worst bloodlust ko and I call it extreme bloodlust. Ito ang pinakamalalang nararanasan kong bloodlust dahil lumalakas dito ang aking six sense at nawawalan din ako ng kontrol sa'king sarili. I might go insane if I don't kill and see blood from my target because of it.
   
    "Ito na ang araw ng iyong katapusan, Nemphis. Iaalay ko ang aking buhay kapalit ng inyong kamatayan." I have decided. Even he's the MC, I will try all of my best to kill him. Running away from him is over now that he awakened my extreme bloodlust.
   
    Kumuha rin siya ng espada at siya ang unang umatake. Narinig naman ng mga kawal ang paglalaban namin but, the prince stopped them instead and ordered them go outside of the room. 

    I used that as a chance to attack him while he's looking at them but, it failed since he blocked it with his sword before I could pierce his heart. Hindi ko na namalayan sa tagal ng aming paglalaban na parehas na kaming naghahabol hininga sa kwarto niya na parang dinaanan ng bagyo.

     'He's good at dodging and avoiding my attacks. Tsk! Ni hindi ko man lang siya nasugatan.'

    Umatake na naman siya kaya sinangga ko ang espada niya saka siya umabante kaya wala akong choice kundi umantras para hindi ako ma-out balance. Hindi ko naman sinasadyang maapakan ang trap kaya may lumabas na net mula sa ceiling. Bago pa ako makailag ay nahulog na ito sa'kin saka ako tinutukan sa leeg ni Nemphis ng espada.

     "Magaling ka at hanga ako sa iyong kakayahan pero ako pa rin ang nagwagi sa bandang huli."
   
    Ito pala ang balak niya kaya niya ako pilit na pinupunta sa tabi ng kaniyang higaan habang naglalaban kami.

    'Fine! I lost!' Hindi naman ako makakatakas dahil mabigat ang net na ito. Hindi ako rito basta bastang makakaalis kung walang tutulong sa'kin na tanggalin ang lambat na may makakapal na tali at sa bawat corner nito at may bakal.

    "Ano namang mapapala ko kung makikipagsando ako sa inyo mahal na prinsipe?" Mariin kong tanong.
  
⚘KishinRyumei

The Assassin is the Pharaoh's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon