Chapter 6: Work with him

137 9 3
                                    

    "Simple lang. Hindi ka mamamatay sa araw na ito. Pakakawalan ko rin si Farida." Natawa ako.
   
    "Sa tingin mo maniniwala ako sa'yo? Alam ko rin na hindi mo kami hahayaang mabuhay," tinitigan ko siya nang seryoso. "Hindi ako tanga para sabihin ko sa'yo."
   
    Napangiti siya at umupo upang magkapantay ang aming mga mata pero hindi pa rin niya tinatanggal ang espada sa leeg ko. "Gusto ko ang tapang mo, babae. Hindi ka naman lugi sa alok ko sa'yo. Ang nais ko lang naman ay magtrabaho ka sa'kin bilang kanang kamay ko. Hindi lang iyon... makakatanggap ka rin ng sweldo. Ano payag ka ba?"
   
    "Hah!" Ngumisi ako at napailing. "Alam mo na kung sino ako at ano ang pakay namin dito. Nahihiwagaan lamang ako kung bakit ka makikipagkasundo sa akin gayong kaaway ninyo ako, kamahalan. Hindi mo ba ito gagawing dahilan upang makuha ang iyong nais na patalsikin ang iyong kapatid sa trono?"
   
    His eyes darkened at idiniin ang espada sa leeg ko. Naramdaman kong nasugatan niya ako nang konti. "Hindi ako magdadalawang isip na paslangin ka. Ano namang mapapala ko sa isang mababang uri na mamamatay-tao na tulad mo? Sa tingin mo ba ang iyong kamatayan at ng iyong mga kasama ay makatutulong sa'kin?"
   
    "Mababang-uri? Kilalanin mo ang kaharap mo, kamahalan. Bakit ako susunod sa lalaking gagawin akong kasangkapan? Hindi ako papayag kahit patayin mo pa ako. Handa akong mamatay!" He clenched his jaw. Ramdam kong umabot na sa sukdulan ang galit niya.
   
    Hindi ako natatakot na harapin si kamatayan. Ilang beses nang nalagay sa peligro ang buhay ko kaya hindi niya ako masisindak sa banta niya. I know, I put Kashmera's life and our group to risk but, I have no choice. Am I not allowed to be selfish?
   
    "Ikulong siya at huwag pakainin at painumin. Tingnan natin kung hanggang saan aabot ang tapang mo, babae." Tumayo siya at lumapit naman sa'kin ang isang kawal at may kinuha sa bulsa niya.
   
    Alam ko kung ano 'yun kaya bago pa niya maipaamoy sa'kin ay pinigilan ko ang hininga ko. Pagkatapos ay nagpanggap akong nawalan ng malay. Naramdaman ko namang tinanggal nila ang net saka nila ako binuhat.
   
    'I have to find a chance to escape and kill the guards. Based on their footsteps, tatlo ang kasama ko.'
   
    Dumilat ako nang konti at nakitang nasa pasilyo pa kami. I can't believe I fooled that stinky prince. Napapangisi na lang ako sa sarili. Anyway, pinakiramdaman ko nang maigi ang paligid ko na siyang maging madali para sa'kin dahil hindi pa rin humuhupa ang aking bloodlust. Actually, gustong gusto ko na ngang gilitan ng leeg itong lalaking bumuhat sa'kin dahil nakahawak siya sa thigh ko sa may bandang malapit sa pwet. Nakapiggy back ride kasi ako sa kaniya at naririnig ko pa itong mga bulungan ng mga kasama niya.
   
    "Pare, malambot ba?"
   
    Napahagikgik itong lalaking bumuhat sa'kin. "Oo. Pati ang kaniyang dibdib malambot din at mainit,"
   
    "Ako naman ang bubuhat sa kaniya. Paramdam naman! Napakastrikto kasi ng prinsipe!"
   
    "Hindi. Ako na!" Humanda kayo sa'kin. Malambot pala ha. Maghintay lang kayo hanggang sa makalabas tayo. Ipararamdam ko sa inyo ang nag-aalab kong galit!
   
    Ilang sandali pa ay naramdaman kong may tumamang hangin sa mukha ko na may kasamang buhangin. Sumilip ako nang konti at tama nga ako kasi nasa labas na kami. Saktong sakto walang pana ang dalawang nagbabantay rito sa labas. Siguro yung ibang kasama naming kawal na nagdala sa amin dito ay nandoon sa loob.
   
    Hinintay ko namang makalapit ang lalaking ito sa kabayo saka ko binunot ang espada na nasa kaniyang beywang saka siya ginilitan sa leeg. Madiin iyon halos bumaon na nga ang kuko ko sa mukha niya. Nagulat ang dalawang kasama niya kaya bago pa nila ma-unsheathe ang kanilang espada ay sinaksak ko na sila sa may bandang puso bago sumakay ng kabayo at pinatakbo ito nang mabilis.
   
    "Habulin siya! Ipaalam ito sa prinsipe!" Sabi nung isang kawal sa kasama nito na nagbabantay saka naman siya tumakbo papunta sa stable gayundin ang ibang mga kawal na nasa malapit lang.
   
    'Run horse! Tumakbo ka nang mabilis!'
   
    I'm heading to the market which is not far from here. Wala kasing masyadong kawal na nagbabantay roon. Nang lumingon ako sa likod hinahabol na ako ng sampong kawal na nakasakay sa kabayo. Thankfully, this horse can run faster. However, Nemphis and four of his guards are behind them and they're holding a bow. Their horses also outrun the ten horses in front of them. Shit! Ano'ng pinakain nila sa mga kabayo nila? Bakit ambibilis?
   
    I was focused on escaping at malapit na sana ako sa market pero nagulat ako nang tamaan ng pana itong kabayo ko. Tumilapon ako mabuti na lang nakontrol ko ang katawan ko at maayos na lumapag sa buhangin dahil kung hindi ay baka nabalian na ako ng buto. Medyo matigas ang buhangin at hindi siya yung lumulubog kaya nakakatakbo nang maayos ang mga kabayo. Tumayo ako at tumakbo kahit alam kong maabutan nila ako.
   
    Habang tumatakbo ako ay narinig kong may paparating na pana sa'kin kaya iniba ko ang direksyon na tinatakbuhan ko pero hindi ko inaasahan na may isa pang pana na paparating kaya natamaan ako sa likod at tumagos ito nang konti sa kanang dibdib ko. Napatigil lang ako saglit pero it didn't stop me from running even though the pain was unbearable. Narinig kong malapit na sila sa'kin pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo kaso bigla akong nawalan ng lakas kaya bumagal ang pagtakbo ko. Nabitawan ko ang espadang hawak ko at napaluhod. Napahawak naman ako sa dibdib ko samantalang ang kanang kamay ko ay nakatukod sa buhangin. Umubo ako na may kasamang dugo.
   
    'It's poison.' I'm not immune to poison hindi gaya ni Kashmera. I've tried to let my body get used to it but, my body couldn't handle it.
   
    In the end, naabutan din nila ako. Bumaba sila sa mga kabayo nila at tangkang sasaksakin ako pero pinigilan sila ni Nemphis. Bumaba siya sa kabayo at lumapit sa'kin nang nakangisi.
   
    Mapait akong natawa. Nanghihina man pero pinilit kong tumayo. "Fine. Kill me if you want," sabi ko habang naghahabol ako ng hininga't napapangiwi sa sakit.
   
    As expected of the main character. Akala ko makakatakas na ako pero he managed to defeat me. Ang lakas ng poison na ginamit nila kasi mabilis itong kumalat sa katawan ko. Curse him to death! If I die and become a ghost, I will surely hunt him!
   
    "Hindi kita maintindihan, babae. Subalit, hanga talaga ako sa katapangan mo. Nagawa mo akong linlangin at mapatay ang tatlo sa mga kawal ko. Bibigyan kita nang pagkakataon na mabuhay kung papayag ka sa sinabi ko sa'yo,"
   
    "Mas pipiliin... ko pang mamatay kaysa..." Naghahabol ako ng hiningang lumapit sa kaniya kaya naging alerto naman ang mga kawal kaso itinaas ni Nemphis ang kamay niya para pigilan sila.
   
    Hinayaan niya akong lumapit sa kaniya at mahawakan ang leeg niya. As much as I want to strangle him to death but my hands are too weak. Tinitigan ko siya sa mga mata. Halos magkalapit na ang mukha namin. I could feel his breath on my face but he said nothing but instead, he stared at me with an expression I couldn't explain.
   
    "...magtrabaho sa'yo." Hinawakan ng isang kamay niya ang beywang ko at ang isa naman ay sa pisngi ko papunta sa labi ko. He wiped the blood on it using his thumb.
   
    "Kung ayaw mo... may isa pa namang paraan...." hindi ko na narinig ang sumunod na sinabi niya dahil nawalan na akong ng malay.
   
    Nagising ako nang maramdamang may nagpupunas ng kamay ko na parang basang bimpo. Paggising ko ay si Kashmera pala ang gumagawa nun nang mapansin niyang gising na ako ay napangiti siya. "Nailah!"
   
    Napatingin naman ako sa paanan ko at nakitang nakaupo roon si Nemphis habang nakacross arms at mariing nakatitig sakin. Tiningnan ko naman si Kashmera na parang sinasabi kong ano'ng kalokohan ang ginawa niya. Ngumiti lang siya at napakamot sa ulo.
   
    "Magsalita ka. Alam kong hindi ka tanga upang sumunod sa lalaking iyan!" Napangiwi ako at napahawak sa dibdib nang kumirot ito.
   
    "Nailah naman! Hindi ka pa gumagaling kaya huwag ka munang magalit sa'kin!" Nagtatampo na naman siya pero hindi ko magawang hindi magalit.
   
    "Hoy, prinsipe... ano'ng ipinangako mo sa kaniya? Ano rin ang karapatan mong... iligtas ako sa kamatayan gayong ikaw mismo ang may-ari ng panang tumama sa aking dibdib!" Tama. Siya ang may-ari ng panang may lason.
   
    "Simple lang. Hindi ko hahayaang mamatay ang tulad mong masamang damo. Isang babaeng matapang at magaling sa pakikipaglaban. Bihira lamang ang tulad mo kaya interesado ako sa'yo."
   
    "Kahit ano pang gawin mo ay hindi ako papayag sa gusto mo! Patayin mo na lang ako."
   
    "Nailah! Mabait naman ang prinsipe at hindi masama ang—" Napalingon ako kay Kashmera.
   
    "Tama na!" Pinilit kong umupo at nakakunot noong tinitigan siya. "Hindi mo ba natatandaan ang batas ng ating grupo? Tandaan mong isang dugong bughaw din ang pumatay sa mga magulang mo! Bakit mo pinagkatiwalaan ang isang tulad niya? Sinabi mo rin sa kaniya ang tunay na pangalan ko! Kung tutuusin dapat ikaw lang ang ipapadala rito pero nag-alala si tito na baka mapahamak ka!"
   
    "Oo alam ko! Pero nangako ang prinsipe na kung makikipagkasundo ka sa kaniya ay tutulungan niya tayo sa mga plano natin!"
   
    "Hindi ka ba nag-iisip? Iba ang plano natin sa plano niya!"
   
    "Pero iniligtas ka niya!"
   
    "Ano'ng iniligtas? Siya ang dahilan kung bakit muntik na akong mamatay! Mag-isip ka gago!" Ginigigil ako ng babaitang ito. Ito mahirap sa kaniya eh. Kapag nakaset na yung decision niya ay talagang wala nang antrasan.
   
    Napatigil kami nang marinig namin ang pagtikhim ni Nemphis. "Huwag na kayong mag-away. Nakausap ko na ang pinuno ninyo at pumayag siyang makipagtulungan sa'kin."
   
    "Totoo ba iyon, kamahalan?" Nakangiting tanong ni Kashmera.
   
    "Huwag kang maniniwala sa isang iyan. Magpakita ka muna ng patunay na sang-ayon ang aming pinuno na makipagtulungan sa'yo."
   
    Nagkatitigan kami. Wala ni isa man sa'min ang kumukurap na parang parehas naming binabasa ang isip ng bawat isa. Seryoso ako at ganoon din siya pero sa huli ay tumayo siya at may kinuha sa lamesa. Lumapit siya sa'min at iniabot kay Kashmera ang isang gold bracelet.
   
    "Sapat na ba iyang patunay?"
   
    Nang makuha ito ni Kashmera ay pinagmasdan niya ito at napakunot noo. "Nailah... hindi ba't sa'yo ang pulseras na ito?"
   
    Mabilis ko itong inagaw kay Kashmera. Ito yung bracelet na galing sa aking ama na pansamantalang itinago ni tito. I recognize it because of the design. It has a unique pattern of a bird. Walang ganitong bracelet na matatagpuan sa imperyo dahil Ipinagawa ito ni ama para sa aking ina kaya masasabi kong nagsasabi nang totoo si Nemphis.
   
    Napamura ako sa isipan. Bakit ba ipinagpipilitan ng lalaking ito na magtrabaho ako sa kaniya? Do I have another choice?
   
    Tumingin ako sa mga mata ni Nemphis. I want to let him know that I disagree with his request. "Kahit na pumayag ang aming pinuno ay hindi pa rin ako interesadong magtrabaho sa'yo, kamahalan. Hindi pera ang aking nais at kalayaan ng mga tao sa imperyo kung bakit ako pumapatay. Bakit hindi na lamang si Kashmera ang kunin mong kanang kamay? Sinisigurado ko sa inyo mahal na prinsipe na gagawin niya ang kaniyang trabaho."
   
    "Bakit ako?!" Hinampas ako ni Kashmera sa braso kaya galit ko siyang nilingon. "Magaling ka eh. Sumusunod ka sa kaaway natin!"
   
    "Ikaw lamang ang bagay sa posisyong iyon, Nailah. Bilang unang prinsipe ay kailangan ko ng tagasunod na katulad mo. Bibigyan kita ng dalawang araw upang mag-isip," seryoso niyang sabi bago lumabas ng kaniyang chamber at inutusan ang mga kawal na magbantay sa labas ng pinto.
   
    Mahina ang katawan ko ngayon at malabong makatakas ako kasi hindi ko kakayaning talunin ang mga kawal na nasa labas. Marami sila at isa pa ay paniguradong pipigilan ako ng pasaway na si Kashmera. Alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit gusto niyang sundin ko si Nemphis. Una, mukha siyang pera kaya baka inalukan siya ng malaking pera ng lalaking iyon. Pangalawa, nalaman niyang sang-ayon ang pinuno sa kagustuhan ng prinsipe kaya walang dahilan para hindi siya sumunod.
   
    Napabuntong hininga ako. What's happening? Wala ito sa libro. Hindi ko nabasang nagkaroon ng kanang kamay si Nemphis na babae. Is my existence would destroy the original plot? Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na magkakapagtrabaho ako sa prinsipe bukod sa pagiging assassin.
   
    What should I do? Should I pretend and kill him instead while he lowers his guard?

The Assassin is the Pharaoh's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon