Chapter 3: Lucky and unlucky day

214 20 5
                                    

    Nang kumagat na ang dilim at naging tahimik ang paligid ay dahan-dahan akong bumangon sa higaan ko. Hinintay ko talaga ang pagkakataong makatulog si Latifa para maisagawa ko na ang unang plano ko. Pinakinggan ko ang paghilik niya at tiningnan kung tulog na ba siya.
   
    Kasama ko sana sa silid ang ibang mga servant pero inilagay ako ni Latifa sa silid niya. Since she's the current favorite sex slave of the Pharaoh, binigyan siya ng mas maayos na silid kaysa sa iba. Hindi ko alam kung concern lang ba siya sa akin or ayaw lang niyang maagaw ko ang atensyon ng paraon.
   
    "Tsk, if you dare to betray me... I'll kill you," I mumbled before I went out of our room.
   
    Tinahak ko ang daan papunta sa kusina na dinaanan namin kanina ni Latifa. Hindi naman naging mahirap para sa akin talunin ang mga kawal dahil deretso ko na silang pinapatay gamit ang pagbali ko sa kanilang leeg habang nakatalikod sila. As I've said, hindi lang ang target namin ang papatayin ko kundi isasama ko pa ang ibang mga tao rito. Though, they're not nobles but it'll cause chaos in the palace and at the same time our target will come out of its lair. Hindi na ako magpapagod pang hanapin si Halem dahil siya mismo ang lalapit sa amin. What a brilliant idea isn't it?
   
    Nang marating ko ang kusina ay kumuha ako ng isang kutsilyong may takip at isiniksik ito sa tela na nagsisilbing belt ng damit ko na nasa baywang. Pagkatapos kong makuha ang aking pakay ay lumabas na ako ng kusina at tinahak naman ang daan pabalik.
   
    I obtained the knife and accomplished my first plan. I wonder what would be their reaction? The guards here are slow and stupid. Napatay ko sila ng walang kahirap hirap kaya natutuwa ako ngayon. Marahil ay nagtataka kayo why I didn't take the guards' weapon. Well, nag-iingat lang naman ako dahil magkakaroon ng investigation bukas at hindi ako tanga para magpahuli.
   
    "Alipin, ano'ng ginagawa mo rito?" Napatigil ako sa malalim na boses nito. He speak power itself which is urging me to submit to him. Ah, alam ko na kung kanino ito. Behind me is the Pharaoh and the owner of Egypt. Siya lang ang nagmamay-ari ng ganoong boses kung saan mapapaluhod ka sa takot o hindi kaya ay siguro dahil na rin sa kaniyang posisyon dito.
   
    Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at inabot ang kutsilyong isiniksik ko sa belt ko sa likuran. 'The big fish came to me and he must die!'
   
    I have read the novel which is entitled, 'The Great Pharaoh of Egypt'. It's about a prince who is not a candidate for the throne. His father, the previous Pharaoh, favored the second son which is from his sister. When the Pharaoh died, the first son left the palace and the second son became the ruler of Egypt which is the man in front of me.
   
    Lalapitan ko na sana siya para gilitan ng leeg ng dumating ang apat na kawal. Lumuhod ang mga ito. "Panginoon! Marami kaming natagpuang patay na kawal sa kabilang pasilyo!"
   

    Tsk, malas naman oh! Habang abala pa ang mga ito sa nalamang balita ay kumaripas na ako palayo. I can handle them pero sa tingin ko marami ng ang nakaalam sa nangyari. I have to lay low for now. Hindi pa namin napapatay si Halem kaya hindi pwedeng ma-expose ang tunay na pakay namin.
 

 
    "Habulin ninyo ang babae!" Rinig kong sigaw ng paraon. Hah! He can't find me anyway. Natatakpan kasi ng itim na tela ang kalahati ng mukha ko at mata lang ang nakikita niya. Nakasuot rin ako ng itim na cloak kaya hindi niya makikita ang buhok ko.
   
    Nakabalik naman ako sa aming silid na may ngiti sa labi at ng gabing iyon ay mahimbing akong nakatulog. Kinabukasan ay ipinatawag lahat ng babaeng nagtatrabaho sa palasyo rito sa bulwagan mapa-alipin man ito o hindi. Pinagmamasdan kami ng kawal na nakita kong kasama ng paraon kagabi na tila ba kami ay mga kriminal. Psh! How dare he use those filthy eyes as if we're a trash to him? He is also a slave like us!
   
    Nakita ko namang nanginginig si Latifa na tila kinakabahan at hindi mapakali. Lihim akong napairap sa ginagawa niya. Mas lalo siyang paghihinalaan sa ikinikilos niya at dapat hindi na siya kabahan. Hindi ba niya napansin na nasa ibang linya siya? Nakahiwalay kasi sa amin ang mga babae ng paraon which means they are special. Paano ko nalaman? Simple lang dahil isang tingin ko lang ay alam ko na kung sino sila. Some of them likes to warm the Pharaoh's bed and some of them were forced to do it. But, in general they have no choice but to accept it in order to survive in the palace.
   
    Halos dalawampung minuto na kaming nakatayo sa bulwagan at nagtitigan lang na siyang ikinainis ko. My hands are itching to kill the guard. He's pissing me off since pinaghihintay niya kami ng matagal.
   
    "Huminahon ka baka hindi mo mapigilan ang mga kamay mo," bulong ni Kashmera at nagawa pa niyang humagikgik ng mahina. Tsk!
   
    Huminga na lang ako ng malalim at pumikit. Mas lalo kong inuyuko ang ulo ko upang hindi makita ang nakakabanas na mukha ng kawal na iyon. Baka kasi hindi ko na mapigilan ang sarili kong atakihin siya.
   
    Ilang sandali lang ay may dumating na mga kawal na dala-dala ang isinuot ko kagabi at ibinigay iyon sa lalaking kanina pa nakatayo sa harapan namin.
   
    "Umamin na ngayon din ang nagmamay-ari nito! Kapag hindi ka umamin ay madadagdagan ang iyong parusa at iyon ay kamatayan!" Napasinghap ang mga babae at mababakas sa kanilang mukha ang takot at paghihinala sa kanilang mga katabi.
   
    Walang umamin kaya nagsalita ang kawal na nagdala ng mga gamit ko. "Gerunam, ikaw ay hahatulan ng kamatayan dahil sa iyong silid natagpuan ang mga ito!"
   
    "Sandali! Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ko pagmamay-ari ang mga iyan! Wala akong kinalaman sa naganap kagabi!" Nagsisigaw ang babae habang kinakaladkad ito palabas ng bulwagan.
   
    "Wala talaga akong ginawang masama! Hindi niyo ito sa akin pwedeng gawin dahil ako ay babae ng paraon! Bitawan ninyo ako! Bitawan ninyo ako sabi!" Nagpupumilit siyang pumiglas sa dalawang kawal pero wala siyang nagawa kundi ngumawa at sumigaw hanggang sa tuluyan na namin hindi narinig ang boses niya.
   
    "Maaari na kayong bumalik sa inyong mga gawain." sabay-sabay kaming nagbigay galang at kani-kaniya na ng pupuntahan. Walang kwenta ang pagpapatawag nila sa amin sa bulwagan dahil pwede naman silang maghalughog ng hindi kami pinapapunta rito. Sinasayang nila ang oras namin sa trabaho.
   
    Bago humiwalay si Kashmera sa akin ay may iniabot siya sa aking maliit na papel na siyang pasimple ko naman itinago sa loob ng damit ko. Kinindatan niya ako bago tumalikod kaya napaismid na lang ako.
   
    "Kamilah! Kinabahan talaga ako kanina." nang makita ako ni Latifa ay bigla siyang lumapit sa akin.
   
    "Bakit? Wala namang dapat ikabahala kung alam mong malinis ang konsensiya mo hindi ba?" Napabuntong hininga siya.
   
    "Hindi ba at sinabi ko na sa'yo? Dito sa palasyo nakalibing sa hukay ang isa nating paa. Konting pagkakamali lang maaari na tayong mahatulan ng kamatayan gaya ng nangyari kay Gerunam. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya iyon."

The Assassin is the Pharaoh's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon