Chapter 7: Desert

77 6 1
                                    

    Sa loob ng dalawang araw ay masusi kong pinag-isipan ang alok ni Nemphis. Sa totoo lang.... Wala namang mawawala sa akin kung magtatrabaho ako sa kaniya. However, my concern is the plot of the book. My character does not exist in the book and I have never read about the Jabari Clan. My guess is we are an additional character or we're the characters that were not mentioned. But, the opposition to the Pharaoh during this time is real like the assassination thingy.
   
    I know that staying with him is dangerous and a hassle because I have read that his enemy would do evil things just to overthrow him. They viewed him as an eyesore and a threat to the current Pharaoh since many people are supporting him. I'm not interested in protecting him or doing work for him. Wala akong planong makialam sa story at maging parte nito.
   
    Napabuntong hininga ako. As if namang may choice akong tumanggi. I glanced at Kashmera who's currently enjoying the delicious foods served by the servants. Halos lamunin na nga niya ang kinakain niyang karne. Kala mo naman may aagaw sa pagkain niya at ang gaga hindi man lang ako naisipang bigyan. Tsk.
   
    "Grabe Nailah! Napakasarap ng mga pagkain nila rito. Bihira lang tayo makakain ng mga ganitong pagkain!" Tuwang tuwa siya habang nilalagyan ng tubig ang baso saka siya uminom with sounds pa.
   
    Biglang pumasok si Nemphis na may kasamang dalawang kawal. Napasulyap muna sa'kin si Kashmera bago siya tumayo mula sa pagkakaupo at gumilid. She's really behaving well and even respecting this prince. What a joke!
   
    "Alipin! Tumayo ka at magbigay galang sa prinsipe!" I clicked my tongue at sinamaan ng tingin ang isang kawal. Do I look okay? My wound is not yet healed and the poison is not fully detoxified. I need three more days to recover!
   
    The prince raised his right hand. "Hindi na kailangan. Naparito ako upang alamin ang kaniyang sagot sa aking alok."
   
    Tsk. I don't like this prince because I feel like I'm a weakling beside him. Mukha pa lang niya nababanas na ako. Why do I even adore him while I'm reading the book?
   
    "Ano pa ba ang nais mong marinig sa akin? May iba pa ba akong pagpipilian? Alam kong hindi mo na kailangan ang aking desisyon dahil ikaw pa rin naman ang masusunod hindi ba, kamahalan?" Masama ang loob ko. Ayaw ko pa naman na pinipilit ako pero feeling ko wala akong kalaban laban sa kaniya.
   
    "Ikaw—" Nemphis raised his hand again. Sumasatsat pa kasi itong kawal na ito.
   
    Napangiti ang prinsipe. "Kung ganoon ay maaari ka nang magsimula bukas na bukas din. Kailangan mong sumama sa akin at kung nais mo ay isama mo rin ang iyong kaibigan."
   
    Magrereklamo pa sana ako kaso tinalikuran na niya ako. Ang putangina! Hindi pa ako magaling tapos bukas na ako agad magsisimula?! Ang sarap niyang gilitan ng leeg! Kumukulo ang dugo ko sa kaniya.
   
    "Ayos! Magsisimula na tayo bukas, Nailah!" Natutuwang bumalik si Kashmera sa inuupuan niya kanina.
   
    I clenched my fist. May araw din sa akin ang lalaking iyon.

—————
   
    "Hmm, Nailah. Ito lang ba ang dadalhin mo? Malayo ang ating pupuntahan hindi ba?" Napatigil ako sa pagtatali ng kutsilyo na may takip sa right leg ko.
   
    Dinampot ko ang unan sa tabi ko at ibinato kay Kashmera na siyang naiwasan niya. "Ano pa ba ang dapat kong dalhin?"
   
    Saglit siyang napaisip bago napakamot ng ulo. "Wala na pala tayong madadala maliban sa mga ito."
   
    Kaninang umaga, isa sa mga kawal ni Nemphis ang nagpunta rito upang ipaalam na maghanda na kami dahil pupunta raw kami sa Yalem. Nagbigay pa siya ng mga damit ng pang lalaki at balabal na susuotin daw namin ni Kashmera. Pero hindi talaga ako makapaniwala na sa unang araw ko ay roon pa kami pupunta. Sa pagkakaalam ko, aabutin kami ng isa o dalawang buwan upang marating ang lugar na iyon. Curse that prince!
   
    Lumabas na kami sa silid na pansamantalang ipinagamit samin ni Nemphis habang bitbit ang aming gamit na nakalagay sa tela.
   
    Sa pasilyo hanggang sa labas ay may mga kawal na nagbabantay at lahat sila ay may mga pana. The fuck? Did that prince think that I would escape with my current condition? Really? Using my weakness against me who's not feeling well. Kumikirot pa kaya ang sugat ko at medyo nanghihina pa ako.
   
    Nakita kong handa na sila. Maraming kamelyo ang nakaparada na may mga dalang kung ano-ano. Siguro nasa apat na pung kawal ang mga kasama namin sa paglalakbay. May lumapit naman samin at tag-isa kaming binigyan ng kamelyo.
   
    "Napakaganda mo naman!" Sabay hipo sa ulo ng kamelyo ni Kashmera.
   
    "Lalaki 'yan," sumbat ko.
   
    "Kung ganoon siya'y makisig!" Napailing na lang ako. She's too childish.
   
    Nagsimula na silang umusad kaya sumakay na ako sa kamelyo ko. Nakatingin kasi sa'kin 'yung dalawang kawal na nasa harapan namin na nakasakay rin sa kamelyo. Tsk. As if namang tatakas ako sa kalagayan kong ito. I'm not stupid. Masama ko silang sinulpayan bago sila lampasan.
   
    Naging maayos ang aming paglalakbay at sa tingin ko ay naka limang oras na kami rito sa disyerto. Malayo na 'rin kami mula sa palasyo. Napatingin ako kay Nemphis nang itaas niya ang kanang kamay niya.
   
    "Magpahinga muna tayo rito."
   
    "Kamahalan, limang oras pa lang ang nakalilipas. Mas mapapaaga ang pagdating natin doon kung magpapatuloy tayo sa paglalakbay," tutol ko sa sinabi niya.
   
    Totoo naman ang aking sinasabi. Mas matatagalan kami kung magpapahinga pa siya rito eh limang oras pa lang naman ang nakalilipas.
   
    Tinanggal niya ang balabal na nakatakip sa mukha niya. Nakita kong hindi maipinta ang mukha ng prinsipe na parang kung makatingin sa'kin ay para akong alien.
   
    "Ako ang masusunod dahil ako ang prinsipe. Hindi mo ba nakikitang pagod na ang ating mga kasamahan?"
   
    Napalingon naman ako sa likuran at mukhang pagod na nga sila. Si Kashmera naman ay nakatulog na kasi nakadapa siya sa kamelyo tapos hawak lang ng isang kawal ang tali ng kamelyo niya.
   
    Hindi ako kumibo at bumaba na lang mula sa kamelyo. Lumayo ako sa kanila nang konti at humalukipkip saka pinagmasdan ang papalubog na araw.
   
    Habang nagtatayo sila ng mga tent at naglalagay ng mahihigaan ay tumabi naman sa'kin si Nemphis. Inabutan niya ako ng tubig na nakalagay sa bag at tinapay. May ibinigay rin siyang gamot sa sugat ko.
   
    Walang imik ko naman itong kinuha sa kamay niya at kinain ang tinapay. Hindi rin ako nagpasalamat dahil unang-una hindi ko kagustuhang magtrabaho sa kaniya.
   
    "Napakatahimik mo. Hindi ka man lang magsasalita?"
   
    "Ano ba ang dapat kong sabihin, kamahalan? Pwersahan mo akong pinagtrabaho sa iyong panig na labag sa aking kalooban. Hindi mo ako binigyan ng ibang pagpipilian at talagang sinigurado mong hindi ako makatatakas."
   
    Napatawa siya. "Paumanhin. Iyon na lamang ang natitirang paraan para mapasakamay kita." Napatigil ako at napalingon sa kaniya.
   
    Weird ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. I don't even know what to say or react to. He just stared at me kaya nagkatitigan kami. Napaiwas na lang ako ng tingin at tinalikuran siya papunta kay Kashmera.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Assassin is the Pharaoh's PropertyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon