MAKIKITA ang tuwa at saya sa mukha ng bagong kasal na sina Sabrina Faye at Willard Grey Dela Vega. Kitang-kita sa mga ngiti ng mga ito kung gaano ito kasaya sa araw na 'yun.
Minsan naisip ni Gab, bakit sa kabila ng mga ginawa at pinakita niya, si Grey pa rin ang pinili. Mas matagal siyang nakasama ni Faye pero hindi pa rin siya nito nagawang mahalin. Bakit kailangang mahalin niya ito gayong alam naman niyang hindi siya nito kayang mahalin katulad ng pagmamahal niya. Ngunit kahit gano'n ang nangyari, masaya siya para sa kaibigan.
Sa wakas ay liligaya na si Faye. Alam niya ang hirap na pinagdaanan ni Faye mula sa asawa nitong si Grey, pero sa huli ay sila pa rin ang nagkatuluyan. Hindi naman niya masisisi si Faye dahil nagmahal lang ito. Na kahit hindi naging madali ang pinagdaanan nila, nagawa pa rin nilang patawarin ang isa't isa.
Talagang sakit muna bago ang sarap. Napatunayan na niya 'yun sa pamamagitan ni Faye at masaya siya para dito.
Hawak ang wine glass nang maisipan niyang umalis. Tumayo siya sa kinauupuan nang makasalubong niya si Faye na may ngiti sa labi ngunit kaagad ding nawala 'yun nang makita siya.
Mapait ang ngiting iginawad niya nang lumapit sa kaniya si Faye. Pilit niyang pinasigla ang mukha upang hindi nito makita ang sakit na kaniyang nararamdaman. Ayaw niyang mag-alala ang kaibigan. Gusto niyang nakangiti lang ito palagi at walang iniisip na problema.
"Gab!" nakangiting tawag nito sa kaniya. "Aalis ka na? Hinahanap ka ng kambal."
Ngumiti siya. "Yeah. Gusto ko sanang manatili pa, kaya lang, may kailangan pa akong puntahan."
May lakad pa kasi talaga siyang kailangang puntahan. Dumaan lang siya dito para batiin ang kaniyang kaibigan kahit masakit makitang kinakasal ito sa ibang lalaki.
Nakita niyang lumungkot ang mukha ni Faye. "Gano'n ba, siguro iiwasan mo na ako," nakangusong sabi nito.
Nangunot ang noo niya sa narinig. "Silly girl, anong iiwasan? Napag-usapan na natin 'to 'di ba? Okay lang talaga ako. Masaya ako para sa 'yo dahil sa wakas buo na ang pamilya mo."
"I'm sorry," maluha-luha pa ito habang nagsasalita. "Hindi ko lang talaga maiwasang sisihin ang sarili ko. Oo nga at tanggap mo pero alam kong nasasaktan pa rin kita. Hindi naman ako manhid para hindi 'yun makita."
Bumuntong-hininga siya. "Fine. Oo, nasasaktan pa rin ako pero tanggap ko na Faye at masaya talaga ako para sa 'yo. Hindi mo kailangang malungkot. Kagaya ng sinabi mo. Baka nandiyan lang sa tabi-tabi ang babaeng para sa akin."
"Sige," pinunasan nito ang luha sa pisngi at pilit na ngumiti sa kaniya. "Hindi na ako iiyak. Salamat sa lahat Gab."
"Yeah."
"Promise me na hindi mo ako iiwasan after this."
"Of course, huwag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano." Ginulo niya ang buhok ni Faye at natatawang pinisil ang ilong nito. "Oh, ngumiti ka na. Araw ng kasal mo kaya dapat happy ka lang. Tingnan mo oh pumapangit ka na. Kanina ka pa iyak ng iyak bago pa magsimula ang kasal. Tigilan mo na 'yan."
"Oo na," maktol ni Faye. "Ayaw mo na ba talagang pumasok?"
"Gusto ko sana dahil gusto ko ring makasama ang mga inaanak ko pero importante kasi 'tong pupuntahan ko."
"Tsk. Sige na nga, ingat ka na lang."
Tumango lang siya sa kaibigan at ilang saglit na tinitigan si Faye bago ito tuluyang iwanan.
Pabuntong-hiningang tinungo niya ang parking lot at pabuntong-hiningang sumakay sa sasakyan niya.
Ramdam niya agad ang bigat ng pakiramdam niya nang makasakay siya sa sasakyan. Hindi niya muna pinaandar ang sasakyan at nag-isip-isip muna sandali. Naalala niya nang umalis ito ng America. Napangiti siya. Hindi alam ni Faye na isa siya sa nagplano ng pag-uwi nila. Gano'n niya kamahal si Faye na kahit siya ang masaktan, gagawin niya pa rin kung ano ang magpapasaya dito. Hindi siya makasarili kaya kung saan masaya ang taong mahal niya, doon siya. Hindi niya hahayaang umiyak muli ang kaibigan niya.
Ilang minuto siyang nakatitig sa kawalan nang mapansin niya ang isang babaeng nakatayo malapit sa venue ng kasal nina Faye. Medyo may kapayatan ito pero hindi naman sobrang payat. Maikli ang buhok at mukhang may malaking pasanin sa buhay base sa itsura nito. Malalim ang iniisip habang titig na titig sa tinitingnan nito.
Bumaba siya at nilapitan ang dalaga. At bago pa siya tuluyang makalapit, kitang-kita niya ang emosyon sa mukha nito. Ang paningin nito ay nakatutok kung saan pinagdiriwang ang kasal nina Faye at Grey. Makikita ang galit, sakit, pagsisisi at halo-halong emosyon sa mukha ng dalaga. Hindi niya mapangalanan kung anong klaseng sakit ba ang nararamdaman nito pero pakiramdam niya ay tumatagos sa kaniyang dibdib ang sakit na nararamdaman nito.
Nag-iwas siya ng tingin at hindi na nagawang magsalita para magtanong kung anong ginagawa nito sa labas. Tiningnan din niya ang kaganapan ngayon sa loob. Kasalukuyan na ngayong sumasayaw ang dalawa sa gitna.
"Ang saya nila 'no?" nagulat siya nang magsalita ang babae sa tabi niya. Napalingon siya dito ngunit naroon pa rin ang tingin nito sa loob. "Bakit kaya gano'n? Ginawa ko naman lahat para sa mga taong mahal ko pero bakit sa huli, ako pa rin 'yung nasaktan. Nagmahal lang din naman ako." Tumulo ang luha nito kasabay ng pagkuyom ng kamao nito. Hindi niya alam pero hindi niya gustong nakikita itong umiiyak.
"Miss, are you okay?" hindi na siya nakatiis na tanungin ang dalaga. Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng babaeng umiiyak lalo na kung dahil lang sa lalaki. Kaya kahit alam niyang hindi ito okay, tinanong niya pa rin ito.
"Me?" Lumingon ito sa kaniya. "Wala na yata akong karapatan maging okay at maging masaya. Wala na, iniwan na ako ng lahat. Wala ng natira sa akin."
Napakurap-kurap siya sa dalaga. Hindi niya maintindihan ang pinupunto nito pero mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit ito nagkakaganito. Posible kayang brokenhearted ito? Pero kanino? Bakit ito nandito?
"Miss, bisita ka ba? Bakit hindi ka pumasok?" nalilitong tanong niya dahil hindi na niya alam ang gagawin sa dalaga. "May kakilala ka ba sa loob? Sasamahan kita."
Ngumisi ito. "Hindi na, ayokong masira ang araw nila."
"Kilala mo ba sila?" tukoy niya sa mag-asawang Faye at Grey.
"Kilalang-kilala," nakangiting sabi nito pero 'yon 'yung ngiting may halong pait. "Lalo na si Grey."
Nagkaroon siya ng ideya pero pilit niya iyong inalis sa kaniyang isip.
"Sino ka ba?" tanging tanong niya sa dalaga.
Bumaling ito sa kaniya at seryosong tumitig sa mga mata niya. "Ikaw, anong pangalan mo?" sa halip ay tanong din nito sa kaniya.
Napalunok siya sa paraan ng pagkakatingin nito sa kaniya pero nagpakilala pa rin siya sa dalaga. "I'm Gabriel Fernandez." Inilahad niya ang isang kamay sa dalaga.
Ngumiti ito bago inabot ang kamay niya. "Nice name, I'm Celine... Celine De Guzman."
Celine? She's Celine?
Nakaawang ang mga labing tinitigan niya ang babae. Wala siyang masyadong alam tungkol sa babae pero nasisiguro niyang ito ang ex ni Grey na siyang kinababaliwan nito noon at naging dahilan kung bakit nasaktan ang kaibigan niyang si Faye.
Hindi man niya nakilala ng personal ang dalaga pero sigurado siyang ito ang babaeng kinukuwento sa kaniya ni Faye. At base na rin sa nakikita niyang lungkot sa mga mata nito, alam niyang nasasaktan ang dalaga.
She's in pain with a broken heart like him.
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS MEET (Completed)
RomanceShe's a brokenhearted girl and he's a brokenhearted guy. He's in love with his best friend while she's a great pretender and a liar. But then one day, everything changed when she meet this brokenhearted guy, named Gabriel Fernandez. Gab and Celine S...