ISANG linggo na ang nakakalipas at hanggang sa mga sandaling 'yun ay hindi pa rin makalimutan ni Gab ang mga naganap sa kanila ni Celine. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang labi. Namamalayan na lang niyang tumatawa siya ng mag-isa sa loob ng kaniyang opisina.
"Ganda ng ngiti natin ah!"
Napaayos siya ng tayo nang makita niya si Faye na papasok.
"Faye, anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya. Hindi kasi ito pumupunta sa opisina niya ng walang dahilan. Bukod do'n, masyadong seloso ang asawa nito kapag nakikita silang magkasama.
Sumimangot ito. "Eh paano itong si Grey, inutusan akong ibigay sa 'yo 'to." Kitang-kita niya ang inis sa mukha ng kaibigan. Inabot nito ang isang envelope.
"Ano 'to?" Binuksan at binasa niya ang alam niyon. "A party?"
"Yeah," walang buhay na tugon ni Faye. "Make sure na dadalo ka."
"Tsk. Bakit ikaw ang nagdala nito dito? Himala na hinayaan ka ng asawa mong puntahan ako." Gustong tumawa ni Gab sa isiping hinayaan nito ang asawa na puntahan siya. That's new.
"Tss. Ang loko, magbabago na daw siya." Natawa silang pareho sa sinabing iyon ni Faye.
Saglit silang natahimik nang maalala niya si Celine. Okay lang kaya na sabihin niya kay Faye ang tungkol kay Celine.
"Faye," pagtawag niya sa kaibigan. "Paano kung sabihin ko sa 'yong may nagugustuhan na akong babae."
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Faye. Mukhang hindi makapaniwala sa ibinalita niya. "Eh di mabuti, so who's the lucky girl?" nakangiting tanong nito.
"Uhm," hindi niya masabi. "Saka ko na lang pala sasabihin kung sino siya."
Nalukot ang mukha ni Faye. "Alam mo, pabitin ka."
"Sorry, baka kasi hindi pa siya handa."
Baka layuan siya ni Celine kapag nalaman nitong alam na ni Faye na magkakilala na sila. Baka magkagulo pa. Lalo na at hindi siya sigurado kung talagang ayos na ang lahat sa pagitan nilang tatlo.
Mas lalong nalukot ang mukha ni Faye. "Bakit naman siya hindi magiging handa? Sino ba siya? Kilala ko ba?"
Yes, kilala mo siya Faye. Kilalang-kilala. 'yan ang gusto niyang sabihin sa kaibigan pero hindi niya muna sasabihin 'yun.
"Basta."
"Fine," nakabusangot na tumayo ito at iniwan siya. "Mauna na ako."
Nang makalabas si Faye, muling sumilay ang munting ngiti sa labi niya. Halos mapunit ang kaniyang labi sa sobrang pag-ngiti.
Hindi siya makapaniwalang magkakaganito siya sa isang babaeng isang beses pa lang niyang nakikita. Ito ba 'yung tinatawag nilang love at first sight?
Pagkatapos nang gabing nagkasama sila, hindi na sila muling nagkita ni Celine. Umalis agad ito kinabukasan. Pero madalas ay magka-text sila. Napilit din niya itong ibigay ang number nito sa kaniya.
Ngayon nga ay ti-next niya ito na magkita sila dito sa opisina niya, at hanggang ngayon ay wala pang sagot. Naka-ilang text na siya dito pero ni isang reply walang siyang natanggap. Naiinip na siya sa kakahintay ng reply nito. Ngayon lang siya nainis na hindi makatanggap ng reply sa text niya. Dati naman ay okay lang.
Tsk. Masisiraan na siya ng ulo sa kakahintay.
Bigla siyang nakaramdam ng inis para sa dalaga. Tsk. Humanda ka talaga, Celine. Hindi mo kilala ang isang Gabriel Fernandez. Makikita nito, mapapasunod din niya ito sa gusto niya.
KUMAKAIN sina Celine at Hope ng almusal nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Gab. Kanina pa ito text nang text sa kaniya pero ni isa sa mga 'yun ay wala siyang reply.
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS MEET (Completed)
RomansaShe's a brokenhearted girl and he's a brokenhearted guy. He's in love with his best friend while she's a great pretender and a liar. But then one day, everything changed when she meet this brokenhearted guy, named Gabriel Fernandez. Gab and Celine S...