CHAPTER 18

143 3 0
                                    

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Celine bago muling hinarap ang lalaking ito sa harap niya.

"Tell me the truth," matigas at matapang niyang tanong sa dating kasintahan na si Grey. "Why are you here, Grey?"

Nakangising bumaling ito sa kaniya. "Kilala mo pa pala ako, nice."

Mapakla siyang natawa. "At sino naman ang makakalimot sa 'yo?"

Kung kanina ay natatakot siyang harapin ito, ngayon ay hindi na. Kung kinakailangan niyang ilabas ang lahat ng saloobin niya, gagawin niya.

"Kung gano'n, hindi mo pa nakakalimutan ang lahat ng ginawa mo. Bakit, Celine? Binabagabag ka pa rin ba ng konsensiya mo?"

Doon na nabuhay ang inis sa loob niya. Matagal na niyang pinagsisihan ang lahat at araw-araw niyang pinagbabayaran ang lahat ng kasalanan niya. Siguro naman ay sapat na ang lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan niya para mapatawad siya nito.

"Siguro nga tama ka," panimula niya at matabang ang mukhang tinitigan ang mukha nito. "Pero pinagsisihan ko na 'yun. Ngayon kung hindi mo ako kayang patawarin, okay lang."

"Ano sa tingin mo ang dahilan ng pagparito ko." Bigla ay sabi nito, hindi niya inaasahan. Umawang ang labi niya sa sobrang titig nito sa kaniya, iyong titig na kaya kang patigilan sa paghinga. Hindi siya agad nakapagsalita. "Nandito lang ako dahil iyon ang gusto ng asawa ko."

Natigilan siya at napatingin dito.

"Hindi ako pupunta dito kung hindi dahil sa kaniya," seryoso at ma-awtoridad nitong sabi. "You see, sobrang bait ng asawa ko, to the point na hinayaan niya akong puntahan ang ex ko na siyang sumira sa amin."

Mas lalo siyang natigilan pero kailangan ng matapos ang lahat sa pagitan nila. Kasama sa pagtangap niya kay Gab ang pagtanggap niya sa mga sasabihin ni Grey.

"Kung gano'n, anong sadya mo dito?"

"My wife," tumingin ito sa kaniya ng seryoso. "Gusto niyang magka-ayos tayo at kalimutan ang nakaraan kaya pinapatawad na kita."

Napalunok siya. "Sinabi niya 'yun?"

Walang duda na mabait si Faye. Nakikita niya 'yun at hindi niya lubos akalain na mapapasunod nito ng ganito si Grey sa gusto nito.

"You're so lucky to have her."

Tumango lang ito saka may inabot sa kaniya. "Here, make sure na a-atend ka. Don't worry, si Gab ang kasama mo. Alam na niya 'yan. Sige, aalis na ako."

Napatanga siya dito. "Iyon lang ba sasabihin mo?"

"Yeah, we're okay now. So why?"

Napailing siya. "Well, you've changed very well."

Tumango-tango ito. "All thanks to my wife. So, bye. I need to see my wife."

"Sige," iyon na lang ang nasabi niya.

Palabas na sana ito nang tila may nakalimutang sabihin at muling bumaling sa kaniya.

"Wait..." Baling nito sa kaniya. Nagugulat naman niya itong tiningnan. "May sinabi ba si Gab sa 'yo?"

"Huh? Wala naman."

Ano namang sasabihin no'n?

"So hindi niya sinabi sa 'yo ang nangyari kahapon?" Umiling lang siya habang nagtataka. "He's protecting you, huh?"

"Ano ba kasi 'yun?" Kating-kati na siyang malaman kung ano bang dapat niyang malaman.

"Na-ospital si Faye dahil sa pagtatalo namin dahil sa 'yo."

Nanlaki ang mata niya, hindi sa gulat, kundi sa pag-aalala kay Faye. Hindi niya gustong masaktan si Faye. After what had happened before. Hindi na niya gugustuhing mangyari ulit 'yun kay Faye.

WHEN TWO BROKEN HEARTS MEET (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon