CHAPTER 15

120 6 0
                                    

KINABUKASAN maagang hinatid ni Gab si Celine sa condo nito. Tinukso pa sila ng magulang niya kung may nangyari sa kanila at kung may aabangan na daw ba silang apo sa susunod na siyam na buwan.

Napailing na lang si Gab sa mga ito. Nahihiya siya kay Celine dahil sa pinagsasasabi ng pamilya niya.

Nang maihatid niya ang dalaga, dumaan siya sa bahay ng kaibigan, si Faye. Gusto lang niya itong bisitahin dahil matagal-tagal na rin mula nang huli silang magkita.

Nag-doorbell siya at si Manang ang nagbukas ng gate sa kaniya.

"Oh! Ikaw pala Gab," nakangiting bungad sa kaniya ni Manang.

"Nandiyan po ba si Faye?"

"Oo, nasa taas nagpapahinga." Nilakihan nito ang bukas ng gate bago siya pinapasok.

"Bakit po Manang, may sakit po ba siya?"

"Wala naman, masama lang daw ang pakiramdam. Palagi kasing pagod 'yun."

Napatango-tango siya. Ano kayang pinaggagawa ng kaibigan niya? Nasa bahay na nga lang, napapagod pa. May mga katulong naman kasi ito sa bahay at sa pag-aalaga ng mga bata.

"Eh, si Grey po nandiyan ba?" Sana wala dahil hindi pa siya handa sa magiging reaksyon nito. Masyadong komplikado ang sitwasyon sa kanilang apat dahil sa mga nangyari sa nakaraan.

"Oo, nasa sala siya, nakikipaglaro sa mga bata." Nangingiti pa ito habang naglalakad sila papasok.

Naabutan nilang naglalaro ang kambal, kasama ni Grey. Naglululundagan ang mga ito sa likod ni Grey. May nakalatag na foam sa floor para siguro hindi masaktan ang mga bata if ever na magkadisgrasya.

"Maiwan na kita," paalam ni Manang. "Marami pa akong gagawin."

"Sige po, Manang."

Nilingon niya sina Grey. Hindi niya tuloy maiwasang matawa sa itsura ni Grey.

"Hey! Ouch!" Napangiwi si Grey sa ginawa ni Samuel, tumalon ito sa likod nito at lumambitin sa leeg ng ama.

Natawa siya dahil sa reaksyong iyon ni Grey. Ito ang matagal ng pangarap ni Faye. Ang magkasama ang mag-aama niya. Finally, nangyari na. Isa siya sa masayang tao para sa kaibigan.

"Daddy, buhatin mo ako." Minustra ni Samantha ang kamay sa ama, senyales na gusto nitong magpakarga.

"Baby, masyado ka ng malaki, ang bigat-bigat mo na, hindi na kita kaya." Reklamo agad ni Grey.

Sumimangot naman ang anak na babae. "Eh, bakit si Tito Ninong kaya niya ako."

"Fine, bububatin na kita, come here." Mukhang ayaw nitong nalalamangan bilang tatay kaya kahit ayaw ay napipilitang gawin ang gusto ng anak. Binuhat nga nito ang anak at hirap na hirap na ini-angat sa ere si Samantha. Masyado ng malalaki ang mga anak nina Grey. Malusog na malusog ang mga ito kaya naman talagang mahihirapan ang magbubuhat sa dalawa. "You're too heavy, baby!"

Tumawa lang ang bata at tuwang-tuwa na nahihirapan ang ama.

Napalingon si Grey sa gawi niya kaya nakita siya ng mga itong nakatingin sa kanila.

"Hi, babies!" Bati niya sa kambal.

Mabilis na bumaba si Samantha mula sa likod ni Grey at nagtatakbo sa kaniya, gano'n din si Samuel.

"Tito Ninong!" Sigaw ng kambal sabay yakap sa kaniya.

"Hello, na-miss niyo ba ako?" nakangiti niyang tanong sa dalawa.

"Opo, bakit hindi na po kayo dumadalaw dito?" nakangusong sabi ni Samatha.

"Busy si Ninong eh!" Iyon na lang ang sinabi niya para hindi na magtampo ang dalawa.

WHEN TWO BROKEN HEARTS MEET (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon