CHAPTER 13

106 4 0
                                    

UMIYAK nang umiyak si Celine habang inaalo naman siya ni Gab. Hindi niya maintindihan ang sakit na nararamdaman niya.

"Tama na," ani Gab bago tumingin sa magulang. "Mom, please huwag naman ganito. Mahal ko si Celine kahit ano pang nagawa niya. Wala akong pakialam kahit hindi ako ang una niya. Tanggap ko siya bilang siya. Please hayaan niyo na kami."

Mas lalo siyang naluha sa sinabi ni Gab. Ngayon niya na-realized kung gaano na kahalaga sa kaniya ang binata.

"Mom..." Muling tawag ni Gab sa ina dahil hindi na ito muling nagsalita. Napatingin na rin siya dito dahil ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ito nagsasalita, maging ang ama ni Gab ay tahimik pa rin.

"Hahahaha!" Bigla naman ang pagtawa ni Gabriella na siyang pinagtaka nilang dalawa ni Gab.

"Anong nakakatawa, Gabriella?" naiinis na tanong ni Gab sa kapatid. "Seryosong usapan 'to!"

"Kayo!" Sabay turo sa kanila ni Gab.

"What?" Magkasabay na sambit nina Gab at Celine.

"Your face is priceless, Kuya. Nakakatawa ka, hahaha!"

"Mom, tingnan niyo ang kapatid ko, ginagawa niyang biro ang dapat ay seryosong usapan-" natigilan si Gab nang makita ang nangingiting mukha ng ina at ama nito. "Mom? Dad?"

Hindi sumagot ang dalawa bagkus ay tumayo ang ina ni Gab at dahan-dahang lumapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap saka bumulong.

"Welcome to the family, hija!" Bulong nito sa tainga niya. Nag-angat siya ng tingin sa ginang, naguguluhan.

"Po?" Kung kanina ay umiiyak siya sa sakit ngayon ay gusto niyang maiyak sa sobrang pagkalito.

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kaniya saka biglang sumigaw ng malakas.

"It's a prank!" Masayang sigaw ng ginang na sinabayan ng malakas na tawa ni Gabriella at ama nito.

Sila naman ni Gab ay hindi makapaniwalang nakatingin sa tatlong panay ang tawa. Nakahawak pa sa tiyan ang mag-asawa sa sobrang tuwa.

Napanganga siya sa gulat. Speechless. A prank?

Muli niyang tiningnan ang ginang at naroon na ang magandang ngiti sa labi nito.

"I'm sorry, Celine. I didn't mean to hurt your feelings. Sana huwag kang magalit sa akin. It was Gabriella's fault, it's her plan. Nakisakay lang kami ng Daddy niya because we want proof na talagang mahal mo ang anak namin. At nakita ko naman kung gaano kahalaga sa 'yo ang anak ko. And I'm so sorry for making you cry, but your tears is a great sign that you're in love with my son. Hindi mo man sabihin, nakikita kong may pagtingin ka sa kaniya."

Napahagulhol na siya ng iyak. Kaagad naman siyang niyakap ng ginang at hinagod ang kaniyang likod.

Hindi niya akalain na mapa-prank siya ng ina ni Gab. Hindi naman siya na-informed na prankters pala ang pamilya ng lalaking nagustuhan niya.

Shit! Nakakahiya talaga.

"I'm sorry, hija." Hinalikan nito ang ulo niya bago binalingan si Gab na tulala pa rin hanggang ngayon. "Ikaw naman, Gab? Naniwala ka talagang ayaw ko sa kaniya? Hindi ba't alam mong gusto kong magkatuluyan kayo dahil gusto ko na ng apo."

"Para kasing totoo eh!" Nagkakamot sa ulong sabi ni Gab. Natutuliro pa.

"Hahahaha!" Tawa ni Gabriella, hindi maka-move on sa nangyari. "It's a success!" Sigaw nito saka nagpipindot sa cellphone nito. "Pati si Kuya napaniwala. The best actress ka talaga, Mom."

"At dahil diyan, sa akin lahat ng kita mo sa vlog na 'to."

Vlog? May video? Shit! Nakakahiya!

"What? Mom naman! Hati tayo syempre." Angal ni Gabriella.

WHEN TWO BROKEN HEARTS MEET (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon