EPILOGUE

275 11 0
                                    

SAMPUNG taon na ang lumipas mula ng mag-propose si Gab kay Celine. Hanggang ngayon sariwa pa rin 'yun sa ala-ala niya. Napapangiti na lang siya kapag naaalala niya 'yun. Ang sarap lang sa pakiramdam na alalahanin ang nakaraan. Na kahit maraming sakit at hirap ang pinagdaanan niya binigyan pa rin siya ng Diyos para manatiling nakatayo at matatag.

Ngayon, isa na siyang Fernandez. Hindi siya makapaniwalang makakatagpo pa siya ng katulad ni Gab. Ang bait talaga ni God.

Nangingiti pa siya habang nag-aayos sa loob ng kuwarto nila ni Gab nang pumasok ito.

"Hon!" Tawag sa kaniya ni Gab. Ang lalaking nagpatunay sa kaniya na may taong tatanggap at magmamahal sa kaniya sa kabila ng mga pinagdadaan niya.

Nilingon niya ito. "Yes, hon."

"Alis na ako, ingat kayo dito." Hinalikan siya nito sa noo saka nakangiting hinalikan siya sa mga labi. "I'll call you later, okay?"

"Yeah, bye. Take care, hon."

"I will." Nakangiting paalam nito.

Napangiti na lang si Celine habang tinatanaw ang papalayong likod ni Gab. Papasok na ito ngayon sa trabaho nito. Kaya naman, bilang maybahay nito kailangan niyang suklian lahat ng ginagawa nito para sa kaniya. Though, ayaw ni Gab na napapagod siya sa mga gawaing bahay. Kaya naman kumuha ito ng kasambahay na makakasama niya. Mahigit sampung taon na rin mula ng lumipat sa bahay nila ngayon at nakasanayan na niyang siya ang gumagawa sa lahat kahit may katulong na sila. Ayaw niya kasing i-asa sa mga kasambahay ang mga bagay na kaya naman niya.

"Mom! Mom!"

Agad na napalingon si Celine nang marinig niya ang sigaw ng kaniyang anak na si Gareth. "Yes, anak?"

"Mom, Where's Dad?"

"Umalis na, bakit?"

"Sayang!" Napahampas ito sa hangin saka nakasimangot na tumingin sa kaniya. "Mommy, pwede ba ikaw na lang?"

"Bakit ano ba 'yun?" tanong niya habang inaayos ang higaan nila ng asawa.

"Magpapasama po sana akong bumili ng bulaklak," nakangiwing sabi ni Gareth.

"Bulaklak?" Nagulat siya. May nililigawan na ba ang anak niya? Pero ang bata pa nito. He's just nine years old. Goodness.

"Opo, ibibigay ko lang po sana sa kaklase ko."

"Hmm pero bakit hindi na lang ikaw ang bumili?"

"Nahihiya ako Mommy eh! Sige na po please! Samahan niyo na po ako."

"Sige, pero later na lang kasi may gagawin pa si Mommy, okay lang ba? Lalabas din naman ako mamaya dahil may lakad kami ng Tita Faye mo."

"Okay po, Mommy!" Gareth cheerfully said as he leave their room.

Napailing na lang si Celine sa anak niya.

"Pambihirang bata, kung anong kinaduwag ng ama, siya namang kabaligtaran ng anak."

Kanino kaya nagmana ng lakas ng loob ang batang 'yun. Napaisip siya. Sa kaniya kaya?

Natawa siya sa naisip.

Sa kanilang dalawa ni Gab, siya ang may lakas ng loob na akitin noon si Grey kaya malamang sa kaniya nagmana ng tapang ang anak nila.

Maya-maya pa ay naisipan niyang tawagan si Gab. Lunch time na kaya sigurado siyang free na ito ngayon.

"Hi, hon!" Bungad ni Gab sa asawa nang sagutin nito ang tawag.

"Gab, alam mo bang itong anak mo ay may nililigawan na?" agad na tanong niya.

WHEN TWO BROKEN HEARTS MEET (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon