CHAPTER 9

115 4 0
                                    

HAPON na nang makauwi si Celine sa bahay ng kaniyang pinsan. Dapat kanina pa siya pero ayaw pa siyang pauwiin ni Gab pagkatapos nilang bumibisita sa bahay nina Grey.

Walang ginawa si Gab kundi ang kulitin siya ng kulitin na maging girlfriend nito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinasabi sa kaniyang ng binata. Seryoso ba talaga ito sa kaniya?

Sabi pa nito, baka sila talaga ang nakatadhana sa isa't isa dahil pareho silang brokenhearted. Mas naiintindihan daw nila ang isa't isa dahil pareho sila ng karanasan.

Kalokohan, ano naman kung pareho sila ng karanasan? Hindi iyon batayan para masabi nitong nakatadhana sila sa isa't isa. Hindi pa nila gaanong kilala ang isa't isa para sabihin nito 'yun.

Huminga siya ng malalim bago binuksan ang pinto ng bahay. Isang hakbang pa lang niya nang marinig niya ang boses ni Hope na parang may kausap sa sala.

Tumikhim siya para ipaalam dito ang presensya niya.

Lumingon naman ito at sinalubong siya ng mahigpit na yakap.

"Celine, kanina pa kita hinihintay, saan ka ba galing?" Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ni Hope, talagang nag-alala ito sa kaniya.

"I'm sorry." Paghingi niya ng tawad. Nakakahiya kasi pinag-alala niya ito. "Napasarap kasi ang kuwentahan namin."

"Nino? Saan ka ba talaga nagpunta?"

"Sa isang kaibigan." Wala siyang balak sabihin na nakilala niya si Gab. Hindi pa siya handang magkuwento tungkol dito.

Sa loob ng mahigit isang linggo, masasabi niyang kilala na niya ang pinsan. Naging mas malapit din sila sa isa't isa. Kaya lang hindi niya maiwasang makonsensya dahil sa mga sikreto niya. Hindi pa rin niya nasasabi ang tungkol kay Grey at sa ginawa niya.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Hope kapag nalaman nito ang ginawa niya sa pamilya ni Grey? Huhusgahan din ba siya nito?"

Napabuntong-hininga siya sa naisip.

Huminga ng malalim si Hope. "Okay, by the way. This is my friend, Jhena. Jhena, si Celine, pinsan ko."

Pagpapakilala nito sa kasamang babae na hindi niya napansing nakatingin sa kanila habang nag-uusap. Maganda, maputi, matangkad at higit sa lahat mukhang mabait ito.

"Hi!" Inabot nito ang isang kamay sa kaniya para makipag-shake hands. "My God! Hope, why didn't you tell me that you had a beautiful cousin."

"Thank you," sagot niya sa nahihiyang tono. Sa napakatagal na panahon, ngayon lang talaga siya tinatamaan ng hiya, siguro dahil sa mga nagawa niya dati. Kinahihiya talaga niya ang mga nagawa noon at kahit sino hindi magiging proud sa ginawa niya.

"Oo naman, wala namang pangit sa lahi namin," sagot ni Hope, feeling proud.

"Of course," sagot ni Jhena na kinainis ni Hope. "Kaya nga nakakagulat na niloko ka pa, sa ganda mong 'yan, niloko ka pa rin!"

Sumama ang mukha ni Hope sa sinabi ni Jhena. "Sige ulitin mo pa, sisiguraduhin kong mawawalan ka din ng lovelife."

"Ay, huwag! Isang buwan pa lang kami eh!" nakangusong sabi Jhena.

Magsasalita na sana si Celine nang makarinig sila ng boses mula sa kanilang likuran, sa may pintuan. Sabay-sabay silang napalingon at laking gulat niya nang makita ang lalaking kasama niya kanina lang.

"Anong ginagawa mo dito?" Nanlaki ang mga mata niya. Sinundan ba siya nito?

"At sino naman 'to? Pamilyar ka sa akin ah!" nagtatanong ang tingin ni Hope. Nagpa-palit-palit ang tingin nito sa kaniya at kay Gab. "Kilala mo ba siya, Celine?"

WHEN TWO BROKEN HEARTS MEET (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon