DUMAAN ang mga araw, linggo at buwan na mas naging close sila ni Gab. Madalas na silang lumabas na magkasama. Hindi na din siya nakatira sa bahay ni Hope. Hiniling niyang lumipat siya sa isang apartment dahil sa magulang niya. Kung aalis kasi siya sa poder nito baka sakaling tigilan na din siya ng ina niya pero hindi pumayag si Hope na umalis siya kaya ang ginawa nito ay ibinili siya nito ng condo na kinagulat niya.
Ayaw pa sana niyang tanggapin kaya lang ay nabili na nito iyon at walang ibang gagamit kaya tinanggap na lang niya dahil hindi rin naman ito papayag na umalis siya kung hindi niya tatanggapin iyon.
Nagpapasalamat naman siya dahil mayroon siyang pinsan na katulad nito. Mapagmahal at sobra kung magbigay. Minsan naisip niya itong kamustahin dahil feeling niya ay may pinagdadaanan ito. Nahihiya lang siya ditong magtanong pero gustong-gusto niyang tulungan ang pinsan kahit sa maliit na paraan lang. Sa dami nang naitulong nito sa kaniya, gusto naman niyang ibalik ang lahat ng naitulong nito sa kaniya.
"Anong iniisip mo?" Bulong ni Gab sa tainga niya. Nasa condo sila ni Gab dahil ayaw niya itong dalhin sa condo niya, bilang respeto na lang din kay Hope.
"Marami," tugon niya. "Sa sobrang dami nga, hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko."
"Care to share with me."
Tiningnan niya ito. Ngiting-ngiti ang loko. Ano naman kayang nakakatawa.
"Ganda ng ngiti mo ah!" Nakanguso niyang tinuro ang labi nitong hindi maampat ang ngiti.
"Masaya lang ako dahil kasama kita. Alam mo, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng saya. Iyon bang pakiramdam na parang mapupunit na lang 'yung labi ko sa sobrang pag-ngiti. Hindi ko alam pero gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag nakikita at nakakasama kita."
Napangiti siya dahil katulad nito, gano'n din ang nararamdam niya.
"Gab, natatakot ako!" Huminga siya nang malalim bago sabihin ang gusto niyang sabihin. "Paano kung ayaw sa akin ng pamilya mo, itutuloy mo pa ba ang panliligaw sa akin?"
Lumayo ng kaunti si Gab sa kaniya bago seryosong tumitig sa mga mata niya.
"Magugustuhan ka nila, nakita mo naman ang reaksyon ng kapatid ko, 'di ba? She likes you! Siguradong magugustuhan ka din ng parents ko."
"Paano nga kung hindi?" nakasimangot niyang tanong. "I'm not a good a person, I did a lot of mistakes."
"Ayan ka naman, dina-down mo na naman ang sarili mo," pagalit nitong sabi. "Wala akong pakialam. Ipaglalaban pa rin kita."
Hindi na lang siya sumagot.
"Teka nga muna..." Tiningnan siya nito nang may ngisi sa labi. "Bakit ganyan ang mga tanong mo? Gusto mo na din ako 'no?"
Umawang ang labi niya. "What?"
Ngumisi ito. "Gusto mo na ako 'no? Kasi nag-aalala ka sa iisipin ng parents ko."
"Syempre ayokong isipin nila na ginagamit lang kita," medyo nalungkot siya sa isiping iyon. Paano nga kung isipin ng mga itong gano'n nga ang intensyon niya sa binata. "Ayokong isipin nila na sasaktan lang kita."
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yun ay inaasahan niyang siseryosohin nito ang sinabi niya pero ngumiti lang ito na naging ngisi.
Sumama ang mukha ni Celine dahil sa naging reaksyon nito.
"Gab! Seryoso ako!" Sabay hampas sa balikat nito.
"Seryoso din naman ako."
"Gab!" Saway niya. Pakiramdam niya ay namumula na ang buong pisngi niya.
"Celine, answer me honestly, gusto mo na din ba ako?"
Natahimik siya. Sorry Gab, pero wala pa siyang balak aminin kung ano na ba talaga ang nararamdaman niya.
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS MEET (Completed)
RomansaShe's a brokenhearted girl and he's a brokenhearted guy. He's in love with his best friend while she's a great pretender and a liar. But then one day, everything changed when she meet this brokenhearted guy, named Gabriel Fernandez. Gab and Celine S...