CHAPTER 7

128 4 0
                                    

MAGDAMAG na umiinom sina Celine at Gab sa condo nito. Lasing na lasing na silang pareho pero wala pa ring magpaawat sa kanila.

Pero aaminim niyang masarap kasama ang binata. Nakakagaan ng pakiramdam na may napagsasabihan siya ng problema. Sa sobrang kalasingan ay nasabi na yata niya halos lahat ng tungkol sa kaniya, maliban sa isa.

Hindi niya alam kung bakit nakaya niyang sabihin dito ang lahat na hindi niya magawang sabihin sa iba. Kahit sa pinsan niyang si Hope, hindi niya magawang sabihin ang lahat. May alam ito pero hindi lahat ay alam ni Hope.

"Grabe, talagang iniwan ka ng parents mo?" tanong ni Gab habang ngumunguya ng chips. Umiiling at hindi talaga makapaniwala.

"Yeah," walang kagana-ganang sagot niya. "Pero at least, nakalaya na ako sa kanila. Wala nang mag-uutos sa akin ng dapat kong gawin."

"Kahit na," tila galit na sambit nito. Nagulat si Celine sa pagtaas ng boses nito. "Anak ka pa rin nila, pagkatapos ka nilang amponin, iiwan ka na lang nila basta dahil hindi ka na nila kailangan. Hindi tama 'yun."

"Hayaan mo na, nangyari na eh!" Tinunggan na lang niya ang isang bote ng alak.

"Grabe, hindi talaga tama ang ginawa nila," lihim siyang napangiti. Hindi talaga ito maka-move on sa nalaman. Ang kulit. Paulit-ulit. "Eh bakit ako, may pinsan akong ampon din, pero mahal na mahal siya ng magulang niya."

"Eh gano'n talaga, iba-iba tayo ng ugali. Lalo na kung tungkol sa pera na ang pag-uusapan." Naalala na naman niya ang nangyari limang taon na ang nakakaraan. Masakit pa rin pala. Pero sa kabila ng tampo niya, mahal pa rin niya ang magulang niya at kapatid. Hindi naman nawala 'yun. Wala na rin siyang kahit na anong galit sa magulang. Bagkus ay nagpapasamat dahil inampon siya ng mga ito. Kung hindi dahil sa kanila hindi niya mararanasan ang mga naranasan niya.

Tumango-tango ang binata. "Pero, hindi mo ba sila nami-miss?"

Ngumuso siya. "Nami-miss, lalo na ang kapatid ko."

"Hmm," ungot nito. "Pero si Jake, hindi mo nami-miss?"

Tinaliman niya ito ng tingin. "Huwag mo ngang mabanggit-banggit ang gagong 'yun."

"Okay, okay, relax ka lang. Hindi ako kalaban."

Natawa siya sa tinuran ng binata. Bakit gano'n? Parang ang cute nito. Ang sarap nitong titigan. Alam mo 'yun, na kapag tiningnan mo ito, parang lahat ng mga iniisip niya bigla na lang maglalaho.

"Patawa ka," aniya sabay bato ng unan na nahawakan niya galing sa sofa. Pigil na pigil niya ang mapangiti.

"Ouch!" angal nito.

"Ang arte mo!"

Uminom na lang ulit siya at pinakinggan ang mga sinasabi ni Gab. In fairness may sense of humor ang loko.

Hindi niya akalain na magkakausap sila ng ganito ni Gab na kaibigan ni Faye. Ano kayang magiging reaksyon ni Faye kapag nalaman nitong magkasama sila ngayon sa condo ng binata. Baka kung anong isipin no'n. Ayaw na niyang dagdagan ang kasalanan niya.

"Hey! Natahimik ka yata?" pukaw ni Gab sa kaniya.

Nag-iwas siya dito ng tingin. "Wala, may naisip lang ako."

Bigla naman ang pagngiti ni Gab sa sinabi niya.

"Kasama ba ako sa iniisip mo?" tumataas-baba ang kilay na tanong nito.

"Hindi," nakasimangot niyang tugon. "At bakit naman kita iisipin." Pagtataray niya.

"Ang sungit," angil nito. "Pero gusto ko 'yan," nakangiting dugtong nito.

Shit. Huwag kang ngumiti. Para siyang matutunaw sa ngiti ni Gab. Nakakapanlambot ng tubod.

"Tsk. Lasing ka lang kaya nasasabi mo 'yan." Kontra niya sabay irap.

WHEN TWO BROKEN HEARTS MEET (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon