" Clay! Wait for me! Hindi ba sinabi ko naman sayo na mahal kita!"
Sigaw ko kay Clay. Agad naman siyang huminto maglakad. Kahit na masakit na ang paa ko dahil sa aking heels, hindi ko ininda. Kailangan kong habulin si Clay, kailangan naming magusap, kailangan ko siya.
" What do you need? I told you, I'm busy." Malamig ang salubong ng boses niya sa akin. Well, nagiba na nga si Clay simula noong makilala niya ang babae na iyon. Tumakbo ako, lumapit ako kay Clay, hinawakan ko ang kaniyang braso, kaya lang ay iniwas niya ito sa akin.
Yumuko ako, humarap naman siya sa akin.
" I just want to talk to you, Clay. Mahirap ba akong pagbigyan?" Halos sumigaw na ako sa kaniya. Kahit na magkalapit kami, pakiramdam ko, napakalayo ko sa kaniya, lalo na sa puso niya, malayong malayo.
Alam kong wala akong pag asa kay Clay dahil nasa kaniya na si Uriah, pero hindi ako titigil.
" Kanina ka pa. Hindi naman sa ayaw ko, may ginagawa ako, wala akong oras sayo-"
" Wala lang oras kasi na kay Uriah na yung oras mo? Sa walang kwentang Doktor na iyon? Ano ba ang naitutulong niya sayo, Clay?" Tanong ko sa kaniya. Umiling nalang siya sa sinabi ko, at saka siya nagpatuloy na naglakad papaalis sa akin, dumiretso na siya sa kaniyang sasakyan.
" I have to go."
" Clay!"
Hinabol ko ang kotse niya, pero hindi siya huminto, alam kong nakikita niya ako mula sa side mirror, pero wala siyang pakialam sa akin. Kinuha ko ang sapatos ko, at saka ko ibinato sa ere sa sobrang galit ko. Kanina pa masakit ang paa ko kakahabol kay Clay, pero wala akong napala. Umiyak ako. Iniyak ko lahat ng nararamdaman ko.
Bakit simula nang dumating ang babae na iyon, wala ng pakialam sa akin si Clay? Well, noon naman, lagi siyang nasa tabi ko, nasa akin siya tuwing kailangan ko siya, bakit ba ganito? Gusto ko lang magmahal!
" See? Anong nangyari?"
Tinatawanan ako ng mga kaibigan ko. Ano bang pakialam nila? Ni hindi nga nila alam ang totoong nangyari e.
" Don't ask me about that, Ryuu. Let's just shop. I'm so bored today." Kumusilap ako sa kaniya, at saka ako naunang naglakad, papunta sa isang shop. Nandoon ang mga paborito kong gamit, nauubusan na din ako ng stocks, kaya kailangan kong bumili ng mga iyon today.
Hinabol naman ako ni Ryuu, nahuhuli nanaman si Elletra, of course.
" Calm down, Ms. Vautier. Baka mamaya makabaril ka." Tumawa naman si Ryuu sa tabi ko.
" Don't call me by my surname, baka marinig ka ng ibang tao." Kumapit sa akin si Ryuu. Wala pa naman si Elletra, kaya maglalakad lakad muna kami, lagi namang late iyon, hindi ko alam kung anong ginagawa niya at late na late siya sa gala naming tatlo.
Pinabitbit ko ang aking mga pinamili sa tauhan ko. I'll try to tell it to Dad, para tatawagan niya si Clay, at doon kami mag uusap na dalawa. Hindi naman ako pwedeng madisappoint ni Dad. Alam niya kung paano ako magalit.
" Is that Elletra?" Nanlalaki ang mata ni Ryuu habang tinuturo ang isang shop kung saan naroon daw ang isa naming kaibigan. Tinignan ko din nang mataman ang babaeng naroon at naglalakad sa loob ng shop.
" Omygod, siya nga iyan!" Tumakbo kaming dalawa.
Kinalabit siya ni Ryuu, agad kaming nagulat nang may kasama pala siya. I think, panibagong boyfriend niya nanaman ang kasama niya. Elletra, ang babaeng uhaw sa lalaki, buwan buwan, may bago. At hindi ko malaman, bakit nandito sila, e may gala kaming tatlo?
Agad kong sinabunutan si Elletra, si Ryuu naman ay hawak ang tagiliran ni Elletra.
" Ouch! Bakit naman kayo nangsasabunot at nangungurot? May kasama ako-" Pinutol siya ni Ryuu.
YOU ARE READING
Distracted By Him
RomanceLosing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin niya. Ngunit, pagkakaibigan at kapatid lang ang turing sa kaniya ni Clay. Riddles. Puzzles. Clues. ...