" Dad, I'm fine."
Kumukusilap ako sa hangin habang ginagamot ni Dad ang sugat ko, sina Kylo at Papa niya naman ay naroon sa isang sulok at nakatingin sa amin. May hawak akong gatas na mainit at saka ko ito paunti unting iniinom. Si Dad na mismo ang gumamot sa akin dahil ayaw kong magpadala sa Ospital para dito.
" Anak, dapat kasi hindi na muna kayo umalis nina Kylo. Alam mo namang delikado, hindi ba?" Tanong saakin ni Dad. Tumango ako. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at saka ko ininom ang gatas na nasa isang kamay ko.
Tumingin ako kay Kylo, namataan ko ang tingin niya sa akin.
" Dad, sandaling sandali lang iyon kanina, kung bakit nasundan kami kaagad. Dapat ay iyong mga tauhan ang sisihin ninyo." Masungit na sambit ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman si Dad at saka niya ibinalik ang mga ginamit niya sa akin, tumayo na siya at saka niya tinignan ang kalagayan ko, hirap tuloy akong igalaw ang isa kong kamay.
Bwisit na mga kalaban iyan.
" Kahit sandaling sandali lang, kung alam mong delikado-"
" I'm sorry, Mr. Vautier pero ako po ang pumayag na lumabas kaming dalawa kahit na delikado, I know how much she misses her Mom, kaya pumayag ako, I'm very sorry." Paghingi ng paumanhin ni Kylo kay Dad, tumingin silang dalawa sa akin, tinapik ni Dad ang balikat ni Kylo.
" Sa susunod, huwag mong pagbibigyan, Kylo. Masyadong delikado paano kung mas dumami pa sila kanina at nakuha siya?" Yumuko si Kylo.
" I'm sorry po."
Naguusap na si Dad at ang Papa ni Kylo sa kusina. Naiwan kaming dalawa ni Kylo dito sa sala. Patuloy lang ako sa pag inom ng gatas ko, habang si Kylo naman ay nakatingin sa aking braso na may benda.
" Are you okay?" Tanong niya sa akin, tumango naman ako. Tinignan ko ang braso kong benda.
" Medyo." Sagot ko lang.
Hindi na ako nagpaalam kina Dad, dumiretso na ako sa kwarto ko, sinusundan naman ako ni Kylo, kaya lang, hindi ko siya pinapansin.
" Kylo, look, I'm okay, and sorry for bringing you in trouble. I want to rest, leave me alone." Hindi siya nakinig, umupo siya sa gilid ng kama ko at saka niya ako tinignan sa mga mata ko. Umusog ako ng kaunti para hindi kami magkatabi.
Hinawakan ni Kylo ang kamay ko.
" I won't leave you, Astrana. You're hurt. This is all my fault, okay? Hindi ikaw. Matulog ka na, babantayan kita." Tumango ako. Humiga ako, diretso lang ang higa ko, dahil masakit kapag nakagilid ako, ramdam ko ding tumitibok ang sugat ko, ilang araw lang ay hihilom din ito, sanay na ako.
Nakatulala ako sa ceiling ng kwarto, napapa buntong hininga kung minsan.
" I don't get it. Bakit kailangan nila ako? Bakit gusto nilang sumama sa akin? Bakit hindi nila ako tinitigilan? Anong mayroon sa akin?" Sunod sunod na tanong ko. Ramdam ko ang titig sa akin ni Kylo. Tumagilid siya at saka siya lumingon sa pwesto ko.
" Maybe they need something. They want to know something. Baka may pag aari ka na gusto nilang makuha. Hindi natin alam, pero mas mabuting magiingat tayo." Tumingin ako sa kaniya. Ngayon ko lang napagtanto na may sugat pala ang pisngi niya, naka benda din ito, kanina pa kasi ako hindi makatingin sa kaniya kaya hindi ko napansin.
Tumingin ako sa kamay ni Kylo, naroon parin ang singsing na mayroon din ako.
" Kapag ba sumama ako sa kanila malalaman natin kung ano ang kailangan nila? Kapag ba sumama ako titigil na sila?" Nagkibit balikat siya. Hindi ko din mawari kung ano ang kailangan nila, pero ang importante ngayon ay maging maingat kami sa kahit anong oras at panahon.
![](https://img.wattpad.com/cover/308584452-288-k13885.jpg)
YOU ARE READING
Distracted By Him
RomanceLosing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin niya. Ngunit, pagkakaibigan at kapatid lang ang turing sa kaniya ni Clay. Riddles. Puzzles. Clues. ...