" Bakit mo sinabi iyon?!"
Halos sigawan ko na si Kylo nang makapasok at makabalik kami sa loob ng backstage. Malamang ay kakalat iyon, may media e. Kaya malalaman lahat ng tao, kahit na si Ryuu, hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon, wala parin siya.
" Tinanong nila e." Tumayo ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kaniya.
" Ayaw ko ng gulo, Kylo. Kung dumugin ako ng mga tao na iyan, kasalanan mo!" Kinuha ko ang phone ko at saka ako lumabas, tiniis ko kahit na mainit. Gusto kong umalis, ayaw ko siyang makita.
Pwede namang ipinakilala niya ako bilang anak ni Dad, tutal ay naroon naman si Dad kanina. O kaya naman ay kaibigan niya ako, bakit kailangang sabihin na ganoon? Dahil ba girlfriend ang tanong, dapat girlfriend din ang sagot niya?
Nanatili ako sa mataong lugar, pero yung hindi ako makikita masyado. Nakisalamuha ako sa kanila. Nakahawak ako sa aking skirt dahil baka mahipuan ako ng kung sino lang. Nagsasalita pa sila Dad sa stage. Kaya matatagalan pa kami, at saka magpapakain pa sila at magbibigay sila ng posters, kaya matatagalan talaga.
Agad akong napabalikwas nang may humawak sa aking beywang.
" Got you, maikli ang suot mo, dito ka." Hinatak niya ako palapit sa kaniya. Agad kong binawi ang sarili ko.
" Huwag mo nga akong hawakan!" Pagalit na sambit ko dito. Hindi ko siya tinignan. Nakatingin ako sa mga tao, bumabati naman si Kylo sa mga nakakakita sa kaniya.
Agad akong nakakita ng isang matanda na nahihirapang mapanood sila Daddy, kaya naman lumapit ako, kaya lang, hinatak ako ni Kylo pabalik.
" Where are you going?"
" Somewhere far from you."
Agad akong lumapit sa Nanay, at saka ko siya hinawakan sa likod niya. Ngumiti siya sa akin, kaya ngumiti ako pabalik.
" Nanay, you want to, oh, I mean, gusto niyo po bang maupo? At ng maiinom?" Halos matampal ko ang sarili ko nang makabanggit ako ng English word. My Mom told me na, kapag alam kong hindi namin kapantay ang taong kausap ko, kailangan kong makipag usap ng pure tagalog, kaya pinipilit ko.
Tumango naman siya sa akin.
" Oo sana, Iha. Hindi ko din makita si Luciano, masyado akong malayo." Tumawag ako ng isang tauhan, at saka ako nagpalagay ng upuan doon sa harapan para kay Nanay.
Hinawakan niya ang kamay ko.
" Dito na po kayo umupo, I will, no, ito po, tubig at saka makakain, may ibibigay pa po sila mamaya, kapag natapos silang magsalita." Ngumiti sa akin ang Nanay.
" Salamat, Iha."
" Walang anuman po." Nang nakapaalam na ako, bumuntong hininga ako kaagad. Nakakaya ko naman palang makipag usap ng tagalog e. At saka may galang pala ako, ngayon ko lang alam, kidding. Kahit na labag sa loob, bumalik ako sa kung saan nakatayo si Kylo.
Nagpunas ako ng aking pawis. Hindi naman siguro ako hihimatayin dito, ano? Pawis na pawis na ang likod ko, at saka ang noo ko. Mabuti nalang hindi ako masyadong nag make up, baka maghulas ako dito.
" Nagtatagalog ka naman pala e." Sambit ni Kylo sa akin. Tumingin ako sa kaniya.
" Yeah, I know how to speak in Tagalog. Why?" Tanong ko. Umiling naman siya.
Agad akong nakakita ng Doktor. Nag init agad ang ulo ko. Kaya nagtago ako sa likod ni Kylo, ayaw kong makakita ng Doktor. Naiiyak ako. Agad naman nagtaka si Kylo, kaya naman nilingon niya ako na nasa likuran niya.
" Why are you hiding?" Tinuro ko ng pasimple ang Doktor na may kalayuan ng kaunti sa amin.
" I hate Doctors." Tumango siya.
YOU ARE READING
Distracted By Him
RomanceLosing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin niya. Ngunit, pagkakaibigan at kapatid lang ang turing sa kaniya ni Clay. Riddles. Puzzles. Clues. ...