" Why so sudden, Iho?"
Dinig ko ang usapan nina Dad at Kylo sa gilid ko. Hawak ko naman ang bag ko, at saka ako nakayuko. Hindi ako tumitingin sa kanilang dalawa.
" She badly wants to go home, Tito. And besides, may problema ata siya saakin kaya ayaw niya doon sa bahay." Tumawa naman si Dad sa sinabi ni Kylo.
Isa isa na nilang pinapasok ang mga gamit ko sa bahay.
" Baka kailangan niya lang magrounded ng ilang linggo bago niya marealize ang ginawa niya, Iho."
" No, Tito. Hindi naman na bata si Astrana para igrounded pa, pero kung gusto niyo po, kayo ang bahala." Tumawa silang dalawa. Gusto kong umiyak, parang pinagkakaisahan nila akong dalawa habang nasa harapan nila ako, dito bumabawi saakin si Kylo, I think.
Lahat ng sinabi ko kanina sa kaniya ay nasabi niya din dito, sa harap ko mismo, masakit. Alam ko na ang naramdaman ni Kylo nang sabihan ko siya nang ganoon kanina doon sa bahay nila.
" Salamat sa paghatid kay Astrana, Kylo, mag iingat ka pabalik." Ngumiti si Kylo.
Tinignan ako nang masama ni Dad at saka siya bumulong saakin.
" Magpaalam ka kay Kylo bago ka pumasok."
Napalunok naman ako nang dalawa nalang kami ni Kylo na nandito sa labas. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, gusto ko pa sanang lumapit, pero naiilang ako.
" Kylo-"
" Bye."
Nakayuko ako nang sinabi niya iyon. Hinintay ko lang siya na makapasok sa sasakyan niya bago ako pumasok na din sa bahay, iyon lang ang usapan namin. Nang pumasok ako sa bahay, hindi din ako kinakausap ni Dad, ni hindi niya ako tinitignan sa aking mga mata, kahit tapunan ng tingin ay hindi niya magawa. Mukha akong tanga dito sa bahay.
Umakyat ako ng kwarto ko, at saka ko inayos ang sugat ko. Tinanggal ko na ang benda, kaya ko naman na siyang maigalaw, lilinisan ko lang at saka ko ito babalutin muli.
" Hindi ka na kinausap after ka niyang putulin kanina? As in? Kahit text? O tawag? Wala?" Tanong saakin ni Elletra through video call, mabuti at kasama na siya sa call namin, mas matino itong kausap kaysa kay Ryuu kanina.
Tumango ako, pinakita ko ang phone ko, na walang natatanggap na kahit na anong message sa kaniya.
" Wala e, I don't care anyways, hindi siya kawalan." Kumusilap ako sa ere. Inayos ko ang pagkakabalot ko sa sugat ko, bago ako umayos ng higa. Mamaya na ako kakain kapag wala na si Dad doon sa ibaba.
" Ginalit mo e. Hinampas hampas mo pa. Nasampal mo. Minura mo. Wala na, baka mamaya ay tuluyan ka na niyang hindi kausapin, aagawin sayo ni Ryuu iyan." Naiiling na kwento saakin ni Elletra, napabusangot naman si Ryuu na nakikinig lang dahil may ginagawa daw siya tungkol sa business nila.
" Mabuti at nakauwi na ako. Kahit hindi ko na siya makita at makausap, basta nandito ako sa bahay ko, ayos na ayos ako." Makabuluhan naman akong tinignan nang dalawa kong kaibigan sa screen, hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga sila o hindi e.
" Alam mo, hindi ka matitiis niyang si Kylo, nako, kunwari lang galit iyan, ganiyan na ganiyan si Atlas saakin." I remembered something. He kissed me, a while ago. Hinalikan niya ako. Unang beses, at sa kalagitnaan pa ng away naming dalawa, may ibang kahulugan ba iyon? O wala?
Huwag ko munang isipin, saka na. Kapag malinaw na ang lahat.
" Hindi ko alam kung makakasama ako sa outing. Baka nga hindi na talaga. Magaadvance sorry na ako kaagad. Enjoy nalang kayo, video call nalang, baka sakaling sumaya ako." Lumungkot naman ang itsura ng mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
Distracted By Him
RomanceLosing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin niya. Ngunit, pagkakaibigan at kapatid lang ang turing sa kaniya ni Clay. Riddles. Puzzles. Clues. ...