" Of course, wala akong ibang magagawa, Ryuu."
Pasungit na sambit ko kay Ryuu nang magkita kami. As usual, wala si Elletra. Busy na siya sa boyfriend niya, official na sila, kaya wala na kaming time sa kaniya. Sa lalaki na lahat ang atensiyon niya.
" Paano na iyan? Lagi ka ng kasama ni Kylo sa lakad nila. Edi ako ang maiiwan? Wala na kayong time saakin ni Elletra." Nagtatampo niyang sambit sa akin, tumawa naman ako sa sinabi niya.
" Ryuu, makakahanap ka din."
Naghiwalay kaming dalawa ni Ryuu nang matapos kaming magusap. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Wala din naman akong ibang kaibigan na mapupuntahan. Tumigil na din akong mangulit kay Clay, nakakasawa kasi, at saka masaya siya kay Uriah, kaya hahayaan ko nalang siguro sila. Sumakay nalang muna ako sa aking kotse, at saka ako nagmuni muni sa loob.
Anong kayang feeling na may kaibigan? Iyong marami? Hindi naman sa ayaw ko sa mga kaibigan ko, gusto kong maranasan yung madami kang kaibigan, na kung walang time yung isa sayo, doon ka sa isa, tapos sa isa pa, tapos sa isa pa. Kasi saaming tatlo, kung walang oras yung isa, ganon din yung isa, kaya kapag may problema ako, hindi ko masabi, sinosolo ko nalang. Kaya din siguro mainom ako this past few weeks, dahil hindi na kami nagkikita ng mga kaibigan ko, kaya iinom nalang ako magisa.
Si Kylo, hindi ko alam kung nasaan siya. Nahihiya din akong tumawag o mag text, dahil hindi naman ako ang priority niya. At saka ayaw kong mangulit, baka may ginagawa siyang iba. Kung doon naman ako sa bahay, wala din lang akong kausap, mag isa ko doon, tapos si Dad wala din sa bahay, kaya walang saysay ang buhay ko doon.
Naghanap ako ng malapit na park, at saka ako bumaba sa kotse para maupo sa isang bench. Nasa ilalim ako ng malaking puno.
Dati rati, okay na okay ako kapag naiiwan sa bahay, kasi nandoon si Mom. Lalo na nung buntis siya sa kapatid ko, lagi siya sa bahay at hindi siya hinahayaan ni Dad na pumasok at magtrabaho, kaya may nakakausap ako sa bahay kahit na wala akong kalarong iba. Ngayon, wala na. Wala na yung katakbuhan ko sa bahay, sa loob ng bahay, wala na yung kasama kong manuod ng barbie noon, o kaya naman kasamang lumangoy sa malaking pool na ipinagawa ni Dad noon.
Pinagmamasdan ko lang ang bawat taong makikita ng mata ko, ang saya nilang tignan. Bakit nga ba nageemote ako dito sa park? Dapat ay masaya ako.
" I saw you from afar." Agad na may cotton candy sa harapan ko. Nang tignan ko kung sino ang may hawak, nakita ko si Kylo. Umusog ako para makaupo siya sa tabi ko.
Kinuha ko ang cotton candy na dala ni Kylo, at saka ako ngumiti.
" Bakit mo ako nahanap dito? Saan ka galing?" Sunod sunod na tanong ko dito. Tumawa naman siya.
" I know you're not okay. Kanina pa ako nakasunod sayo." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin, agad kong hinampas ang dibdib nito, kaya lang ay tumawa lang siya, kaya nahawa ako.
Tinignan ko si Kylo sa mga mata niya. Kapag masyado akong nakatingin ng matagal sa kaniya, kumakalma ako, hindi ko alam, pero kumportable ako sa kaniya, kapag nasa tabi ko siya. Sana totoo yung sinabi niya, na dito lang siya sa tabi ko, kasi sinabi iyan saakin ni Mom noon e, hindi ko lang alam kung matutupad this time.
" Hindi ko din alam kung ayos ba ako, Kylo. Gusto kong umalis sa kung nasaan ako ngayon, gusto kong magpakasaya, gusto kong makalimot." Huminga ako ng malalim, at ninamnam ang sarap ng hangin, ngumiti ako ng matapos.
Tumingin ako kay Kylo na nakatingin sa akin, kumain naman ako ng cotton candy na ibinili niya para sa akin.
" May resthouse kami, if you want-"
" Kylo, why are you doing this?" Nahinto siya sa sinabi ko.
" Alam kong mahirap, Astrana. Kahit na hindi ko naranasan ang naranasan mo noon, nararamdaman ko yung hirap sa puso mo. Nararamdaman kong hindi ka masaya, na pinipilit mo lang ang sarili mo, pinipilit mong maging masaya kahit na hindi." Tumawa ako sa sinabi niya. Siya naman ay nakatingin lang sa akin, nang narealize kong hindi siya natutuwa sa ginagawa ko ay agad akong huminto.
YOU ARE READING
Distracted By Him
RomanceLosing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin niya. Ngunit, pagkakaibigan at kapatid lang ang turing sa kaniya ni Clay. Riddles. Puzzles. Clues. ...