This is supposedly the Chapter 1 or Prologue but I changed my mind, this is just a short clip:
" Ano? Waley ka nanaman?"
Kumusilap ako sa sa sinabi ng kaibigan ko. Anong pakialam nila? At saka, bakit ba alam na alam nila kung bigo ako kay Clay?
" Alam na alam niyo talaga kung hindi ako napansin ni Clay ano?-"
" Sino ba kasi yung kasama niya sa Auction? Ang dinig ko, asawa niya daw." Sambit ni Ryuu. Agad ko siyang sinamaan ng tingin, uminom naman ako ng beer.
Tumatawa naman at naiiling saakin ang mga kaibigan ko.
" Bakit ba kasi hindi ka nalang maghanap ng iba? May asawa na yung tao, nilalandi mo parin."
" Excuse me? Hindi malagkit ang tinginan nilang dalawa noong nasa Auction kami, kaya alam kong pagpapanggap lang yon." Napailing si Elletra sa akin. Nag ayos ako ng aking mukha, nilabas ko lahat ng aking make up, tinatamad na akong tumayo at pumunta sa banyo, kung pupunta naman ako doon, baka pagkaguluhan ako, kaya huwag nalang.
" Pero, ano yung nakita mo?" Agad akong nag isip sa sinabi ni Ryuu sa akin.
" And so? Kung hawak ni Clay ang hita nung babae na yon? Ano nga ulit ang pangalan? Lavinia? Mukha siyang bata." Tumawa kami sa sinabi ko.
Natahimik kami ng ilang minuto, busy sila uminom, ako naman ay busy mag ayos. Aba, syempre mag aayos ako ano, ang ganda ganda ko, para kapag mamaya, kapag lasing na ako, hindi pa hulas ang make up ko, maganda pa rin ako. Hindi ako gagaya sa Lavinia Uriah na iyon, halos walang kaayos ayos sa mukha. Mukha siyang Doktor na pasakabilang buhay na.
" Anyways ha? I have to go, hindi naman kasi ako nagpaalam kay Dad, baka hanapin ako, bye!" Paalam ni Elletra. Nagpaalam na kami sa kaniya. Nang makaalis siya ay nagtabi na kami ni Ryuu sa upuan, wala na din kasi siyang kaharap, kaya dalawa nalang kami, ayaw naman namin na pagkaguluhan kami ng mga lalaki dito sa bar at sila ang uupo sa mga bakanteng upuan na narito.
I miss, Clay. Bakit kasi hindi siya nakasama dito? At sino ba kasi iyong kasama niya? Doktor? Anong tulong non? Ni hindi niya nga ata alam kung gaano kahirap ang ginagawa ng asawa niya. Kung asawa niya talaga.
" Astrana, bakit hindi mo subukan ang ibang kasamahan ni Clay? I heard, Kylo is single, siya nalang ang available sa kanilang lima. Or maybe, try Ashton?" Tinignan ko si Ryuu sa mga mata niya. Hindi ba sila makaintindi? Hindi ba nila maintindihan na si Clay lang ang gusto at mahal ko?
Pinakita ko sa kaniya ang kamay ko, at saka ko iniharap sa mukha niya.
" You can't understand, Ryuu. I love Clay, si Clay lang. Anong gagawin ko doon sa ibang kasama niya? Ibang iba si Clay sa kanila, kaya siya lang ang nagugustuhan ko-"
" Kahit na gaano mo kagusto si Clay, hindi ka nga niya mahal, ang tingin niya lang sayo, kaibigan o nakababatang kapatid, so, lahat ng ginagawa mong pagpapapansin sa kaniya, hindi masusuklian, Astrana, believe me." Pangungumbinsi sa akin ni Ryuu. Nag isip isip ako, saka ako kumusilap sa kaniya.
Tinignan ko ang telepono ko, inaabangan ko ang text sa akin ni Clay. Inaaya ko kasi siya dito sa bar na ito, pero hindi naman siya nagrereply. Ayaw ko namang tawagan, baka mamaya ay iyong babae ang sumagot.
" Kahit na. Hindi din lang magtatagal, saakin din babagsak si Clay, ako ang hahanapin niya. Hindi din naman sila magtatagal nung Doktor, I promise." Nagkibit balikat si Ryuu sa akin.
Kumuha ako ng panibagong inumin ko, last na din ito, uuwi nalang ako.
" Anyways, iyong bakasyon niyo ng Family mo? Tuloy ba yon? Akala ko pupunta kayong states? Kailan ba yan?" Tanong ko kay Ryuu. Ibinaba niya ang kaniyang baso, at saka siya sumandal sa upuan niya.
" Yeah, I think, 3 days from now yon. Naka empake na din ako. May inaasikaso lang si Dad, kaya hindi pa kami makababyahe ngayon." Tumango ako.
Well, may private plane naman sila, kaya hindi nila problema yung passport and everything, lalo na ang expenses. Sabi ko na kasi kay Dad, kailangan na din naming bumili ng plane e. Hindi siya nakikinig sa akin. Anong silbi ng pera namin kung hindi kami bibili ng ganon?
" Bukas, may shooting kami, pinag aaral na ako ni Dad bumaril, and I bet, Clay is there, so, I'm a bit excited about that." Tumawa ako ng mahina sa sinabi ko. Napapailing naman si Ryuu sa sinabi ko.
Kinuha ko ang susi ng kotse. Although, I have my guards, ako parin ang nagmamaneho, nakasunod lang sila. I can handle myself naman, kaya bakit magpapa drive pa ako? Tumayo na din si Ryuu, kailangan na naming umuwi, pero ako, didiretso pa ako kay Clay.
" Bye! See you soon!"
" Ingat sa byahe, Ryuu. I love you!"
Nagmaneho ako papunta sa bahay ni Clay, namukhaan at nakilala ako ng mga tauhan niya kaya ipinatawag nila si Clay sa loob. Dito na ako sa labas, alam kong magagalit siya kapag nalaman niyang nag inom ako. He's so sweet, right?
YOU ARE READING
Distracted By Him
RomanceLosing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin niya. Ngunit, pagkakaibigan at kapatid lang ang turing sa kaniya ni Clay. Riddles. Puzzles. Clues. ...