" Anak, sumunod nalang kayo ni Kylo doon sa lugar kung saan mangngampanya ang Tito mo, ha?"
Tumango nalang ako. Hindi pa ako naka ayos, wala pa naman si Kylo, si Dad, nakahandang umalis, baka mahuhuli kaming dadating ni Kylo? At saka busy akong mag aral ng Tagalog words, hindi siya nagbibiro sa sinabi niya kahapon, that's my first kiss!
" Yes, Dad. Take care!"
" Bye!" Sigaw niya pabalik. Tumango nalang ako at saka ako nagtimpla ng tsaa, doon ako sa sala at nag aral ako ng Tagalog words bago pa makarating si Kylo dito sa bahay.
Nakahanda naman na ang mga gagamitin ko, nakaligo na ako, magbibihis nalang, kaya mamaya na kapag nandito na si Kylo.
" Magandang Umaga." Pagbabasa ko sa libro na nahanap ko sa library ni Dad. Nilalagyan ko pa ng tamang ekspresyon ang aking mukha. At saka ko naman inilalahad ang kamay ko para kunwari ay nakikipag shakehands ako.
Nilibot ko pa ang buong libro, at saka ako naghanap ng mga bagong salita na bago din sa aking pandinig.
" Marami akong ginagawa ngayon." Napapapalakpak pa ako tuwing tama ang pagkakabigkas ko ng mga salitang nakahanap ko.
Natigil ako nang may narinig akong palakpak sa likuran ko, nang lingunin ko ay si Kylo na pala iyon. Agad kong sinara ang libro at saka ako humarap sa kaniya.
" Are you ready?" Aba, talaga bang inaasar ako ng mokong na ito? Nag eenglish siya tapos ako Tagalog dapat? Hindi tama ito.
Sa isip ko, magaling ako magtagalog, pero sa bibig, hindi na. Patay ako nito.
Dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko, umiling nalang ako.
" Magpalit ka na, aalis na tayo."
Tumaas at umakyat ako sa kwarto ko ng walang paalam kay Kylo, hindi ko alam kung anong isasagot, hindi ko din naman alam kung anong word ba ang tama para doon. Kaya tumakbo nalang ako pataas sa kwarto. Kahihiyan ang ginagawa sa akin ni Kylo, nakakainis siya. Nang makapalit na ako, bumaba na ako. Kinakabahan pa nga ako, kaya lang, kailangan nating maging cool.
" Kylo, tara na." Sambit ko, tumingin naman siya sa akin.
Nangunot ang kaniyang noo sa sinabi ko.
" Magaling ka na ba magtagalog? Kailan ka pa nag aral?" Natatawang sambit niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin, at saka ko pinagsalikop ang aking dalawang braso.
" Kanina lang. Bakit ba kasi ayaw mo kong pagsalitain ng Ingles?" Galit na tanong ko dito.
Tumingin siya sa akin.
" Mahinahon ka kasi kapag nagsasalita ng tagalog, kung sa english, mukha kang mataray, pangit pakinggan." Halos umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Kung pwede lang na hampasin siya, ginawa ko na. Ganoon na ba ako kasama? Ganoon na ba ang tingin nila sa akin? Masyado na ba akong mean?
Hindi naman ako pinalaki ni Mom na ganoon, at kaya lang naman ako nagsusungit sungitan ay dahil ayaw kong masabihan na weak.
" Kylo, alam mo? Hindi ako sanay, kaya huwag na, please?" Pagmamakaawa ko sa kaniya. Umiling naman siya sa sinabi ko.
Nang makarating kami sa lugar kung saan naroon ang Papa niya at ang Dad ko, agad kaming kinumpol ng tao, hindi naman ako pinabayaan ni Kylo dahil nasa likod ko siya at sinisiguro niyang hindi ako mahahawakan o masasaktan ng mga reporter na nagsisiksikan dito saamin.
" Astrana, kailangan ako sa labas, dito ka muna, ayos lang?" Tanong niya sa akin, maiiwan nanaman akong magisa dito sa backstage.
" Sige lang." Hindi ako tumingin sa kaniya. Kailangan ata siya doon sa labas, baka magsasalita siya. O kaya naman ay kailangan niyang magpa cute sa mga tao para iboto ang Papa niya?
YOU ARE READING
Distracted By Him
RomanceLosing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin niya. Ngunit, pagkakaibigan at kapatid lang ang turing sa kaniya ni Clay. Riddles. Puzzles. Clues. ...