" Ms. Vautier, nakahanap po kami ng lead kay Alecio."
Napatayo ako sa sinabi ng mga tauhan ko. Lumapit ako sa kanila at saka ko sila tinignan.
" Nasaan sila? Bakit hindi na kayo pumunta doon? Dapat ay pinasunod niyo kami." Hesterikang sambit ko sa kanila, nagkatinginan si Mr. Mores at si Kylo, agad akong nagtaka sa ginawa nila.
Dapat ay tinawagan nalang nila kami, para hindi na sila umuwi, pwede naman sila itrack, baka mamaya ay makaalis na siya doon, hindi ako makakapayag.
" May mga tauhan po tayong nasawi, Ms. Vautier, nakatunog po sila, kinakailangan po naming bumalik dito para paalalahanan kayo na mag ingat, baka po susugod sila dito anumang oras." Kinabahan ako, si Daddy, kailangan ko siyang alisin sa opisina niya, ngayon na.
Alam kong nakatunog na sila, alam kong alam na nila na nailabas ko na ang mga kayamanan ko, kaya nagpaparamdam na si Alecio. Binuksan ko ang relo ko, maayos pa si Daddy, pero wala akong tiwala, baka mamaya ay nariyan na sila kay Daddy.
Kinuha ko ang susi ng sasakyan at saka ako kumuha ng baril ko.
" Kylo, susunduin ko si Daddy, sumunod ka nalang sa isang kotse." Tumango siya. Sumakay ako sa sasakyan at saka ko ito mabilisang pinaandar, wala akong panahon na tawagan si Daddy, basta ay iaalis ko na siya sa opisina niya, ngayon din, kailangang nasa loob lang kami ng bahay namin hanggang mamaya, hindi ligtas sa labas.
Naiwan sina Mr. Mores at mga tauhan sa bahay, naroon ang mga kaibigan ko, kaya kailangan nila ng bantay. Mabilis ang pagpapatakbo ko, mabuti nalang at walang traffic.
" Hi! Ms. Vautier!" Bati nila saakin, ngumingiti lang ako sa kanila.
Hindi na ako kumatok pa sa pintuan ng opisina ni Daddy, agad akong lumapit sa kaniya at saka ko siya pinatayo.
" Dad, Alecio is coming. We have to go home." Utos ko dito. Nagtataka siya sa sinabi ko.
" How did you know?" Aniya. Hinila ko na si Dad at saka ko kinuha ang mga gamit niya.
" Ms. Barbara! Ikaw muna ang bahala dito hanggang bukas, ako ang magbibigay ng sweldo mo!" Sigaw ko sa sekretarya ni Dad at saka ko na pinasakay si Daddy sa sasakyan ko, umuwi na kami kasama si Kylo na nakasunod lang saaming dalawa ni Daddy.
Nang makauwi kami ay pinaupo ko si Dad sa sofa. May tinawagan ako sa aking telepono.
" Andres, magpapakabit ako ng bulletproof pads sa buong bahay, pumunta ka dito, ngayon na." Utos ko.
" Noted, Ms. Vautier. I'm coming." Umalis ako sa harapan nila Dad at saka ako pumunta sa headquarters. Kinuha ko ang box at saka ko ito inilagay sa harapan nina Dad, inilapag ko sa lamesa sa sala.
Binuksan ko iyon, kita ko ang gulat sa mukha ni Daddy, hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.
" Dad, ito ang hinahabol saakin ni Alecio, right? Trillions, properties, cars, mansions, and this is all mine." Kita ko ang gulat sa mukha ng mga kaibigan ko. Nakahawak si Ryuu sa kaniyang bibig, si Elletra naman ay nanlalaki ang mga mata. Wala akong nakitang reaksiyon kay Dad, alam kong alam niya ito, kaya hindi ako magtataka kung hindi siya sasagot saakin.
Pinakita ko din ang papel na naglalaman ng mga impormasyon ni Alecio.
" Alecio Anuevo Buentiempo, maraming warrant, drug trafficking, murder, violence, drugs, theft, embezzlement, rape at iba pa." Tinaasan ko ng kilay si Daddy, hindi siya nagsasalita, alam kong kapag sasagot siya ay baka manganib ang buhay niya.
Itinago ko ulit ang mga bagay na iyon.
" Iyong code nalang ang hindi ko pa alam kung saan magagamit, hahanapin nalang si Alecio, matatapos na ito, Dad, maliligtas na kita, kaunting hintay pa, Dad." Sumandal ako sa aking upuan.
YOU ARE READING
Distracted By Him
RomanceLosing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin niya. Ngunit, pagkakaibigan at kapatid lang ang turing sa kaniya ni Clay. Riddles. Puzzles. Clues. ...