" Maawa ka saakin! Hindi naman talaga ako ang may gawa niyon! Maawa ka!"
Sigaw niya saakin. Umiling ako. Mas lalo kong binaon sa kaniya ang baril, wala akong pakialam.
" Hindi ikaw? Ano ang nakita ko sa video at camera? Kaluluwa mo? Ginagago mo ba ako?!" Sigaw ko sa kaniya. Yumuko siya, ibinaba ko ang baril at saka ko siya sinuntok sa mukha niya. Agad na nagdugo iyon, hindi siya lumalaban saakin.
Pinagsusuntok ko ang kaniyang mukha hanggang sa mapagod ako at mawala ang init ng ulo ko. Nakayuko nalang siya saakin, at nangingiwi ang kaniyang mukha sa sakit.
" Pasensiya na. Nagawa ko iyon dahil gusto kong makaganti sa Papa mo, at saka mahal ko ang Mama mo noon, kaya ko nagawa iyon, saktan mo ako kung kailan mo gusto, huwag mo lang akong papatayin, maawa ka saakin." Kinuha ko ang baril ko at saka ko ito tinutok sa kaniya.
" Hindi ako maawa sa iyo, tatandaan mo iyan, hindi ka naawa kay Mommy, hindi ka muna nag isip bago mo gawin sa kaniya iyon, hindi mo ba naisip na baka malaman ko ang bagay na iyon at ako mismo ang papatay sayo?!" Kalmado akong nakikipag usap sa kaniya, nanatili siyang nakayuko, dinadama ang mga sugat sa kaniyang mukha.
" Maawa ka, parang awa mo-" Pinaputukan ko siya sa kaniyang braso.
" Sana noong nagmamakaawa din ang Mommy ko sa iyo, pinakinggan mo din siya, pero hindi diba? Kaya huwag mo akong asahan na makikinig ako sa mga pakiusap mo!" Ani ko.
Lumayo ako, this is it, Mom, unang tao palang ito, handa akong pumatay ng tao para sa iyo, Mom. Sana matahimik ka na.
" Sorry, sorry, sorry.." Paulit ulit na paghingi niya ng tawad saakin.
Umiling ako.
" Kay Mommy ka humingi ng tawad kapag naka akyat ka doon, o baka sa ibaba ang bagsak mo."
Tinutok ko ang baril sa kaniya at saka ko siya pinaputukan, sunod sunod, walang tigil, tumulo ang luha ko nang nakita kong tumutulo na ang dugo niya, naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Lahat na ata ng parte ng katawan niya may tama. Natigil lang ako sa pagbabaril nang maubusan ng bala ang baril ko.
Bumagsak ang mga kamay ko sa lamesa niya, nakaharap ako sa walang buhay na Salazar.
" Mabubulok ka sa impyerno! Doon mo isipin ang ginawa mo sa Mommy ko! Hayop!"
Kita ko ang kaunting talsik ng mga dugo niya sa aking katawan. Nang nagsawa na akong titigan siya ay saka ko na binuksan ang pintuan ng opisina niya. Namataan ko ang mga tauhan niya sa labas na wala na ding buhay, nakahandusay na sila sa sahig at saka panay dugo na ang sahig.
" Astrana.." Kinuha ni Kylo ang aking kamay, muli akong tumingin sa opisina ni Salazar at saka ako nagpaubaya sa paghila niya saakin.
Natigil ako sa paglalakad nang nasa labas na kami ng lugar na ito, tinitigan ako ni Kylo, maging ang katawan ko ay sinuri niya.
" I killed him, Kylo, I killed that bastard." Malamig na sambit ko sa kaniya. Hinawakan ni Kylo ang aking mukha at saka niya ako tinitigan.
" I know, I know, baby, let's go home." Hinila niya ako.
Nang makasakay ako sa kotse niya ay nag ayos ako ng sarili ko, nagpunas ako ng mga dugo sa aking katawan, mabuti nalang at walang nasaktan sa team namin kaya wala kaming problema. Sumandal ako sa upuan ko, at saka ko ipinikit ang aking mata.
" Pakiramdam ko, isa doon sa mga cameras at audios na iyon nakalagay kung sino din ang humabol saatin noon, may hinala na ako." Nakapikit ako habang sinasambit iyon.
Gusto kong uminom, gusto kong magpahinga, nagsisimula palang kami pero hindi ko na kinakaya ang mga nalalaman ko.
" Alam ko, Astrana. Kaya kailangan ay malaman na natin sa lalong madaling panahon." Aniya.
YOU ARE READING
Distracted By Him
RomanceLosing a Mother is Astrana Zielle Vautier's biggest fear. Nang mawala ang Mama niya, may isang tao siyang kinapitan, at hini niya alam na mamahalin niya. Ngunit, pagkakaibigan at kapatid lang ang turing sa kaniya ni Clay. Riddles. Puzzles. Clues. ...