12:51

243 12 12
                                    

ALY'S POV

Naalimpungatan ako sa katok na narinig ko kaya naman bumangon ako at sumilip sa pinto. May bumungad sa akin na delivery man na may bitbit na buoquet ng bulaklak.

Good afternoon maam, delivery for Ms. Samantha Bernardo po?

Kinuha ko yung delivery at pumirma sa forms saka binitbit papasok sa condo yung buoquet. Ako na muna nag receive dahil mukhang busy pa si Sam sa kwarto niya

"Samanthaaaaaa"

Agad agad namang bumaba si Sam, may twalya pa sa ulo at nakatapis lang din ng twalya sa katawan niya kaya agad kong tinakpan ang mata ko

"Ano ka ba?? Bakit nakaganyan ka di ka man lang magbihis?"

"Sizzy parang tanga to, pareho naman tayong babae tsaka isa pa, kung makasigaw ka ba naman parang wala nang bukas, nakakapanic ka kaya"

"Sorry naman. anw, may delivery ka na naman oh"

Nakita niya yung bouquet na nakapatong sa kitchen table tapos binasa yung note. Luh kinikilig kilig pa parang ewan naman to

"May balak ba yang si Scott na gawing flower shop ang condo unit mo?"

Natawa naman si Sam at lumapit sa akin

"Sizzy naman eh, hayaan mo mahahanap mo rin si Mr. Right. Kung gusto mo pa nga eh hanapan kita ng 6'1, blue eyez, 6 pack abs na papi eh"

"Siraulo. Magbihis ka na nga doon, diba may date pa kayo ni baby blue eyes mamaya? Ako na bahala dito sa flowers mo, sa dalas ba naman ng flower deliveries mo ay naging flower arranger na ata tong sizzy mo"

"Puro ka kalokohan, makabihis na nga. Iwan muna kita diyan sizzy ah"

"Yah sure, kung may kailangan ka katukin mo na lang ako sa guest room mamaya"

Tumango naman siya sa akin at sumenyas na babalik na siya sa taas. Matapos kong ayusin ang flowers sa vase ay dumiretso na ako sa guest room sa condo ni sam. Nahiga ako sa kama at katitig sa ceiling and wala akong mafeel kundi labis na kasiyahan para sa kaniya. Ever since bata pa kami ngayon ko lang ulit nakita yung ganitong awra niya. Yung kasiyahan na nagraradiate sa buong paligid, parang ganun. I am so happy and confident na nasa mabuting kamay si Sam ngayon.

Naalala ko na naman hung high school kami...

Flashback

(High school era)

"Sizzy, kilala mo ba yung maputi na matangkad kanina? Ang pogi nun"

"Tigil tigilan mo ako diyan sizzy, sino ba yang minimean mo? Madaming maputi at matangkad dito ah?"

Confused na tanong ko sa kaniya, napansin ko naman na napatingin siya sa bandang likod ko. Paglingon ko may nakita akong maputi at matangkad. Siguro isang student din dito, halatang may lahi and no wonder naman since international school tong school namin

"Ayun sizzy oh, kasama mo nga lumabas sa room kanina eh"

Jusko naman samantha mae basta pogi talaga matic lumilinaw mata eh. Yung pogi kasi na minimean niya is si Scott. Canadian ata and tama naman si Sam, maputi, matangkad, may pagkamatipuno ang katawan, malinis tignan at may blue eyes. Classmate ko siya and pareho kaming sumali sa sports club

"Ay yan ba? Ikaw ha, crush mo noh?"

"Pag sinabi kong oo, angal ka?"

"Hindi, wala naman akong crush diyan noh, may iba na akong crush"

IN PARALLEL UNIVERSEWhere stories live. Discover now