au wherein bigating business owner and CEO si Ly and worker sa isang sikat na coffee shop si Sam
got this idea sa isang part ng isa pang fanfic au na nabasa ko :) Au lang ha, imagination lang, sana mag enjoy kayo!!
••
LY'S POV
Hay.. I kinda miss this feeling. After few years na pag stay ko sa California para asikasuhin yung company dun ay makakauwi na ulit ako sa Pilipinas. This also means na mas madami akong bagay na aasikasuhin pero hindi bale, as long as it's work related hindi ako pwedeng mapagod. Marami ring staff na umaasa sa kumpanya ko and once magpabaya ako, hindi lang ako ang babagsak kundi sila rin. Kaya after mamatay ng dad ko, I promised him at nangako ako sa sarili ko na I will be in charge at hindi mapupunta sa wala ang mga pinaghirapan niya.
After several hours ng pagtravel ay finally nakarating na kami sa airport.
"Eian, do we have meetings or such?"
Tinanong ko ang personal assistant and secretary ko na si Eian. Actually he's my "adopted brother" pero in terms of work we keep it professional. Ms. A ang tawag niya sa akin pero kapag sa bahay or hindi related sa work ay Ly rin naman ang tawag niya sa akin. Noong bata pa kasi ako ay may inampon si Dad na bata and simula noon ay inalagaan, pinakain, pinaaral at binihisan ni Dad si Eian. At kasama nung pangako ko kay Dad na hindi papabayaan ang kumpanya ay siya ring pangako ko na hindi ko pababayan si Eian
"Uhm, Ms. A so far wala naman po since naayos na po natin kanina habang nasa flight tayo. May pupuntahan po ba kayo?"
"Hmm sige, let's go dun sa Coffee Clutch Cafe, yung cafe na pinupuntahan ko noon? Namiss ko lang mag coffee dun e."
"Sige po maam"
Pumasok na rin kami sa car and tumungo sa cafe na sinasabi ko. Tahimik lang kami sa buong biyahe nang tawagin ako ni Eian.
"Uh, miss A"
"Yes?"
"Nag message po sa viber si Ms. Shanaia, nabalitaan niya po kasi na nakauwi na kayo and she's asking if it's possible to meet you daw po for a catch-up?"
"Yah sure, namiss ko rin si Naia, sabihan mo siya magkita kami sa Cafe na lang. For sure alam niya yun since she's the one who introduced me sa cafe na yun"
"Yes po, noted."
After few minutes ay narating na namin yung cafe. Buti na lang at walang gaanong tao. Past 2pm pa lang kasi and probably nasa office pa ang mga regular customers dito. Pumili kami ng medyo private na part para makapag usap kami ni Naia mamaya. Nagpaalam naman si Eian na may pupunfhan muna siya sahlit kaya hinayaan ko na lang siya.
"Ate Alyssa? OMG is that you na ba?"
Iniangat ko naman ang tingin ko at nakita ko ang isang babae. Wala pa ring pinagkaiba, she's still cute and petite hehe
"OMG! Hello Naia! So nice to meet you! How are you ba? Ay teka tara maupo ka"
"Actually I'm fine ate, currently taking up Bachelor of Science in Business Administration. Just like the old days diba, I always tell you na I'm a fan of yours kaya yun yung kinuha ko. Actually graduating na ako and I'm hoping na makaattend ka if hindi ka busy, you know"
My heart flatters upon hearing those statements from Naia. Actually matagal ko na siyang kakilala kasi nag part time siya as student assistant sa company namin and maganda naman service niya kaya natuwa ako sa kaniya. Inask ko naman siya if when ang graduation niya so that mapa schedule ko kay Eian.
YOU ARE READING
IN PARALLEL UNIVERSE
FanfictionSAMLY IN PARALLEL UNIVERSE || SAMLY AU This book will contain compilation of samly au oneshots. Purely fictional and kathang isip lamang ni author ang mga nakasulat dito:)