sam...
Agad kaming lumingon sa pinto at nakita ko si Ly na nakasuot ng white v-neck shirt and ripped jeans tapos white shoes, ang simple lang ng supt niya pero ang lakas ng awra niya talaga. Kahit ajong suotin niya pogi na maganda pa din siya
Sam, nagtatampo ka pa, nawawala ka sa character mo eh
- "napadaan ka ata miss A"
"Hala, miss A na lang ngayon?"
- "oorder ka ba ng kape? sandali igagawa kita"
"Okay na sam, nag sabi na ako kay Ben"
Akma na akong aalis nang hawakan niya ang kamay ko
"Sam, pls kausapin mo naman ako, halos mabaliw na ako kakaisip kung anong nagawa kong mali"
- "wala ka namang ginawa Ly"
"Kung wala akong ginawa bakit ka ganyan? Bakit parang iniiwasan mo ako?"
Huminga muna ako ng malalim, buti na lang talaga wala pang masyadong tao dito sa cafe kasi kung meron man nakakahiya
- "pwede ba Ly, hindi lahat ng bagay umiikot sayo. Tsaka ano naman sayo kung ganito ang ginagalaw ko, magkaibigan lang naman tayo diba?"
Pagkatapos ko yun sabihin ay napansin ko ang gulat niyang mukha
"S-sorry"
- "yan ang nakakainis eh, sa sobrang bait mo hindi ko akalain na unti unti na pala akong nahuhulog sayo. Akala ko lahat ng mga ginagawa mo noon may meaning pero hahaha eto naman ako si tanga todo asa, akala mo ba madali para sa akin na iwasan ka? Ly ginawa ko lang yun kasi---"
"Kasi gusto mong protektahan ang puso mo. Natatakot ka na maulit yung nangyari sa past mo kaya iniisip mo na magiging ganun ulit ang sasapitin mo?"
This time ako naman ang nagulat, pano niya nalaman ang mga to. Kung kinwento man sa kanya ni Chienna, isusumpa ko talaga ang babaeng yun, gripuhan ko pa siya sa magkabilaang tagiliran eh
"Sorry if naduwag ako Sam, it's just that ayaw ko pumasok sa bagay na hindi pa ako sigurado. Ayaw ko na dahil sa uncertainties ko ay masaktan kita kaya hindi pa ako nagkaroon ng courage na umamin sayo."
Habang sinasabi niya yun ramdam ko ang sincerity niya. Yung mga mata niyang nangungusap. Hinawakan niya rin ang kamay ko.
"Pero Sam, yung mga pinapakita ko sayo noon, hindi yun basta basta. I truly care for you and I am sorry if ever nafeel mo na mauulit sayo yung nangyari sayo noon. I'll be here for you, okay?"
Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. Hindi naman sobrang higpit, enough for my heart to melt.
••
Pagkatapos ng heart to heart talk namin ni Ly ay napagdesisyunan na namin bumalik sa loob ng cafe. Laking gulat naman namin nang muntik nang matumba sina Chienna, Ben at Sir E paghila ko ng pinto
- "anong nangyari sainyo"
Pagkatanong ko non ay nag maang maangan lamang sila. Si Eian dinukot phone niya sa bulsa niya at akmang may tinatawagan, si Ben nagkunwaring nagbabasa ng menu at si Chienna nagpanggap na naglilinis ng mesa
"Kunwari pa sila mga lahing chismosa naman mga yan"
Maya maya pa ay nagpaalam na sina Eian at Ly na aalis na raw. Ngumiti muna ito sa akin bago tumalikod. Pagkaalis niya ay bumalik ako sa trabaho ko. Naglilinis ako nang biglang may kumurot sa tagiliran ko
- "aray, inaano ka ba?"
: "inaano? beh, naglilinis ka lang diyan ngiting ngiti ka naman?"
/ "oo nga sam, ilang taon na ako dito, ni hindi ko naman naranasan ngumiti habang naglilinis, sama ng loob oo pa
- "bakit ba masama ba ngumiti? tsaka pansin ko lang halos lagi niyong bantay mga galaw ko
: "heh, siguro jowa mo na si miss A no ises ises"
- "hindi pa ah, grabe ka"
Nagulat ako nang napahawak si Chie sa bibig niya
: "pa, so meaning... may chance. harurut ka teh haba ng hair mo ah"
- "ewan ko sainyong dalawa talaga"
: "eh anong status niyo ngayon?"
- "friends"
/ "check the label mommies, tara sam inom tayo nido"
: "HAHAHAHHAHAHAHAH bunganga mo teh
- "magtrabaho na nga kayo"
nag change topic na lang ako kasi panigurado hindi talaga ako titigilan ng dalawang 'to
Hindi naman kailangan madaliin eh, for sure makakarating din tayo sa exciting part
Extra scene: sa isang group chat
person 1: oh ano, may nasagap ba kayo?
person 2: malihim ang ferson eh, friends lang daw status nila
person 3: friends na may malagkit na tinginan to be exact
person 2: psh mga kuhol nga naman
person 3: anong plano natin boss?
person 1: bakit naman boss haha pero what if mag arrange tayo ng surprise para sa kanilang dalawa?
person 2 and 3: game!
person 3: pero paano?
person 1: tara kape tayo bukas 4pm sa SB, ako taya. dun tayo magplano
Person 3: bakit sa SB pa, pwede naman dito. libre na
person 2: hindi ba talaga nagana utak mo Ben? pag dito may chance na malaman yan ni sam edi di na siya surprise duh
Person 1: oo nga ben, tama si Chie. sa SB na lang. mabilis lang tayo kasi baka makahalata din si Ly
Person 2 and 3: copy boss
a/n. thank you sa 1.5k reads! hehe hindi pa dito nagtatapos ang special cafe latte, kung anong plano man yan, abangan sa mga susunod na kabanata. Tandaan na ang kwentong ito ay guni-guni lamang, maraming salamat. take care everyone
Next chapter brewing soon...
YOU ARE READING
IN PARALLEL UNIVERSE
FanfictionSAMLY IN PARALLEL UNIVERSE || SAMLY AU This book will contain compilation of samly au oneshots. Purely fictional and kathang isip lamang ni author ang mga nakasulat dito:)