"Sizzy, alam mo kung pagod ka na pwede ka na maunang----"
Napailing na lang ako nang makita kong nakatulog na si Ly dito sa sofa malapit sa study table ko. Kasalukuyan kasi akong nagrereview para sa board exams namin tapos etong sizzy ko ayaw patalo, yabang pa eh sabi niya hindi pa raw siya inaantok kaya sasamahan niya na lang daw ako.
Nag insist ako na gabi na at kailangan niya na magpahinga pero ayaw niya talaga kaya hinayaan ko na lang siya. Tumayo muna ako saka inayos ang pwesto niya para makahiga siya ng maayos. Kumuha rin ako ng unan at kumot para mas maging komportable pa siya. Hinawi ko rin ang buhok na nakatakip sa mukha niya at isinabit ko yun sa tenga niya.
Sobrang swerte ko naman sayo ly, kahit kelan hindi ka napagod sa akin. Simula nung araw na nagtanong kung pwede siya manligaw, hindi niya talaga ako pinabayaan. Lagi siyang nandyan para sumuporta sa akin, para samahan ako sa lowest points ng buhay ko and all.
Balang araw, balang araw talaga Ly. Magpapay off din lahat ng yan.
Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Nagtimpla din muna ako at nagdecide rin ako na bumalik na sa pagrereview
TIME SKIP: BOARD EXAM DAY
"Saaaaam, Sizzzyy?"
Naalimpungatan naman ako sa malakas na sigaw na nagmumula sa labas ng kwarto ko, nasundan pa ito ng magkakasunod na katok
"Ungggh ly" (a/n: morning sound yan, lam niyo yun? Yung paramg groan, di yan ungol wag kayong ano emz)
Ayaw ko pa bumangon pero ang ingay talaga ng tao dun sa baba. Naramdaman ko naman na pumasok siya dahil bumukas ang pinto. Matapos nun ay nakaramdam ako ng pagyugyog sa katawan
"Saaam, bangon na jusko anong oras na oh"
"Lyy, kaaga aga ang ingay mo, ano bang problema mo?"
"Ughh sam ano baaa, ngayon yung board exam mo right"
Agad ko naman tiningnan ang orasan at natawa kasi ang oa netong kasama ko.
"Sizzy, anong oras pa lang oh"
Sabay naman kaming napatingin sa orasan. Alas singko pa lang at alas nwebe pa ang exam ko, hindi rin naman kalayuan yung testing center pero kung makapa panic naman to akala mo tatawid kami ng walong bundok eh
"kahit na, so pupunta ka dun kapag oras na? Bangon na diyan, nagluto ako, lalamig na yung pagkain tsaka kape mo, bilisan mo na"
Magsasalita pa sana ako nang lumabas na siya sa kwarto at tumungo sa kusina
Lowkey kinilig naman ako kasi nag effort talaga siya na gumising ng maaga para maghanda para sakin. Isa pa naghanda din siya ng breakfast. Ewan ko ba kung ako mag eexam o siya
Sumunod na rin ako sa kusina at naamoy yung mga nakalatag na pagkain sa mesa. May pancakes, bacon at eggs at may coffee.
"Kumain ka na diyan at baka mahuli ka na sa board exam mo"
"Opo mommy"
Natawa naman kami pareho sa banat ko at sinaluhan na din ako ni Ly. Nag prepare na din ako at after ilang minutes ay good to go na ako, bigla namang nawala si Sizzy sa paningin ko baka kaso pumasok sa work nang biglang...
"Sam, lezzgo"
Nakita ko siya sa parking ng apartment, nakasakay sa big bike niya and naka suot ng simple attire pero umaapaw ang aura niya
"Baka may work ka pa ly..."
"Sakay na sizzy, baka matraffic ka pa, ihatid na kita"
Hindi na ako umangal kasi alam kong hindi rin naman siya papatalo. Kumapit na ako kasi baka mahulog ako sa kaniya.. este sa daan pala.
YOU ARE READING
IN PARALLEL UNIVERSE
FanfictionSAMLY IN PARALLEL UNIVERSE || SAMLY AU This book will contain compilation of samly au oneshots. Purely fictional and kathang isip lamang ni author ang mga nakasulat dito:)