Nakatulog na pala ako dito sa sofa kakaisip sa nangyari kanina. Nag ready na ako ng dinner at maya maya pa ay naghain na rin ako ng hapag kainan.
"Saaam, kakain na sam'"
Walang sunasagot sa akin kaya umakyat na ako sa 2nd floor at dumiretso sa kwarto kung saan nag stay si sam. Kumatok muna ako pero wala pa ring sumasagot kaya binuksan ko na ito.
Only to find out na wala namang tao
(Saan nagpunta yun)
I tried searching for her sa balcony pero wala, wala rin namang tao sa cr. Lalabas na sana ako sa kwarto nang may mapansin ako na sticky note sa may side table malapit sa bed
Ly,
thank you for the help and everything. hayaan mo babawi na lang ako sayo soon. babayaran ko din yung ipinangbayad mo. Nauna na ako kasi may importante akong pupuntahan.
-sam
Bumaba ako sa sala at kinain yung inihanda ko. Wala rin naman akong kasama kasi may pinabili ako kay E sa Mall.
hay ly, ano nang balak mong gawin
••
Pumasok ako sa opisina na dala ang tanong kung okay lang ba kami ni sam. After ko kasi masabi yun sa kaniya parang ang awkward na, hindi rin siya nagpaalam personally kaya I assume na may nagawa akong mali or baka naoffend siya sa sinabi ko
Hindi na muna ako pumunta sa cafe and magdecide akong mag stay muna sa office para asikasuhin yung mga nakatambak na paperworks.
"Alam mo E, kung may sasabihin ka, sabihin mo na"
Napansin ko kasi na kanina pa patingin tingin sakin to si Eian. Humahanap ata ng tiyempo para sabihin kung ako man ang gusto mong sabihin
"Wala naman akong sasabihin e"
Binigyan ko siya ng "weh" look at maya maya pa ay bumuntong hininga siya
"Okay fine, hindi ka ba magpapasama dun sa cafe? Ngayon ka lang ata hindi pumunta doon?"
I see, itatanong niya talaga to sa akin eh
"Hindi na muna, busy masyado dito, madami akong nakatambak na gawain"
Tumatango tango na lang siya at bumalik sa ginagawa niya
Pilit kong dinistract ang sarili ko, nagpabili ako kay E ng starbucks coffee pero wala pa ring papantay sa kape niya. Nireview ko yung proposals ng investors pero walang pumapasok sa utak ko.
"Uhm, E"
"yep, may ipapagawa ka?"
"Ibili mo nga ako ng bouquet ng pink carnations"
Nagulat naman ako ng maibuga ni Eian ang iniinom niyang tubig
"Anyare sayo?"
"Pabibilhin mo ako ng pink carnations? What for?"
"Dami mong tanong, bilisan mo na. Pag ikaw napagsarhan, makikita mo talaga"
"Hay fine"
••
(Sa coffee shop)
Umagang umaga pa lang ay tila ba'y pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura ni Sam. Hindi ko ba alam sa babaeng yan, pabigla bigla na lang nagbabago mood. Matapos niyang maging AWOL nung isang araw biglang susulpot na parang kabute tapos nakabusangot pa
- "oh anyare sainyo bat ganyan kayo makatitig sa akin"
: "pano ba naman kasi kaaga aga para kang inutangan diyan hindi na namin maipinta mukha mo, problema mo teh?"
- "wala"
Dumiretso na siya sa room ng mga staff at nagpalit ng uniform. Maya maya pa ay pumasok si Ben may hawak hawak na bouquet
: "luh binata na ang Bentot may pa buoquet, sino na naman ba yang nabingwit mo teh"
/ "tigilan mo ako chienna chismosa ha, hindi naman sa akin to galing. Para kay sam to
: "sabi na nga ba eh crush mo si Sam"
/ "tanga, ayaw ko sa bayolente. Isa pa di ka ba nakikinig hindi nga sakin to galing eh
/ "Sam oh para sayo daw"
- "huh kanino galing?"
/ "ewan ko, wala bang note? May nag abot lang eh"
Sabay sabay naming sinilip yung buoquet pero bigo kami mahanap yung note
: "hindi kaya nalaglag mo ben, medyo may pagkatanga ka pa din naman"
/ "sam, pigilan mo ako malapit ko na ibitin patiwarik yang kaibigan mo"
- "manahimik nga kayong dalawa, hindi kayo nakakatulong eh. San mo ba to nakuha ben"
/ "sa labas, may lalaki na nag abot sakin tapos sabi bigay ko daw sayo
: "baka stalker teh hala"
Maya maya pa ay tumunog ang chimes ng pintuan sa shop, iniluwa nito ang isang poging magandang babae na may hawak hawak na isang tangkay ng flower na similar dun sa buoquet na hawak ni sam
"Sam"
(Extra scenario: ben and chie sa counter area)
: "hala teh bakit kaya may pa flowers noh, umuusad na ba ang barko natin?"
/ "hindi ko alam, pero pansin mo ba mga ilang araw din hindi nabisita dito yan si Ms. A, tsaka halos laging nakabusangot si Sam. Di kaya may LQ sila
: "LQ ka diyan, mag jowa ba"
"now, I get it bakit siya nagpabili ng pink carnations"
/: "s-sir E?"
"pinagchichismisan niyo sila noh"
: "h-hindi naman po"
"Alam niyo ba, nung isang araw pa yan aligaga si Ly. May time kasi na binisita niya si Sam pero may hindi kaaya ayang siyang naabutan, pinapalayas at sinasaktan na pala si Sam nung land lady, sa inis niya pinatuloy niya yan sa bahay niya, ginamot niya pa yung mga galos and all. Ang lagkit pa ng mga tinginan eh, sabi ko finally in love na tong kinakapatid ko. Pero bigla isang araw, hindi siya mapakali, hindi rin makafocus. Nagtataka nga ako di na dumadaan dito before work so sabi ko parang may hindi tama. Tapos gumagawa ako ng trabaho pinabili ako bigla ng bulaklak daw, di ko naman alam may sinusuyo pala"
/ "ginawa yun ni Ms. A para kay Sam? grabe ha"
"oo, hindi ko nga lang alam bakit may suyuan, umalis agad ako nung ginagamot niya si Sam eh"
: "hulog na hulog na talaga sila eh kaso for the kuhol naman ang mga fersons. Paano kaya natin ilalayag ang SAMLY?"
"S-SAMLY? what's that?"
/ "shipname namin kay Sam at Ms. A, sir. Sam plus Alyssa kaya SAMLY
"oh ang witty naman, sige president na ako niyan"
: "ay sir engk engk, ako president niyan eh"
"Okay then, ako na ang VP ng SAMLY"
YOU ARE READING
IN PARALLEL UNIVERSE
FanfictionSAMLY IN PARALLEL UNIVERSE || SAMLY AU This book will contain compilation of samly au oneshots. Purely fictional and kathang isip lamang ni author ang mga nakasulat dito:)