who's in front?

167 11 0
                                    

warning: multiple personalities.

LY'S POV

Monday ngayon and nandito ako sa condo ni Sam. Dito kasi muna ako nag sstay since nandito sa Manila yung trabaho ko, magastos if hahanap pa ako ng apartment kaya nagpledge na rin si Sam na dito na ako magstay since wala rin naman daw siya kasama. Sa mahigit ilang taon na pamamalagi ko rito ay nasaksihan ko na rin ang paulit-ulit na mga ganap sa buhay ng bestfriend ko.

"Where is my fucking flashdrive?!"

Jusko naman kaaga aga galit na naman ang leon, charot. Katunayan, hindi naman talaga madaling magalit ang babaeng to, it's just that may certain conditions lang kung bakit nagkakaganyan siya minsan

"Sinubukan mo na bang hanapin sa drawer mo? Madalas diba doon mo siya nilalagay?"

Nagulat ata siya sa bigla kong pagsalita dahil napatitig pa siya sa akin pero tumungo din naman siya sa drawer na sinasabi ko and luckily nahanap niya na.

"After mo magready diyan baba ka na, ready na ang breakfast. Kain muna tayo before mag work"

Sinara ko na ang pinto at inihanda ang hapag kainan. Nakita ko namang umupo siya, binigyan ko rin siya ng kape.

"Sam..."

Tumingin siya sa akin

"Who's that?"

O my, I forgot. Nag dissosciate na naman pala siya kanina that's why iba ang personality na kaharap ko ngayon. Kaya pala maangas and very boss madam ang awrahan niya.

"Leonora.. gusto mo bang sunduin kita after work mo? Wala naman kasi akong gagawin eh"

"It's up to you. If busy ka, wag na. I'm fine naman"

Inubos na namin ang pagkain namin at maya maya pa ay hinatid ko na siya papuntang work. Naging tahimik lang ang biyahe namin, hindi kasi talaga siya palasalita. Very professional and seryoso ng katauhan niya today, yung tipo bang wag kang loloko loko kung ayaw mo makahanap ng katapat mo ganun. Leonora ang pinangalan ko sa isang personality niya galing sa term na "leon" hahaha charot.

Nang makabalik ako sa unit namin ay naglinis linis muna ako bago umattend ng isang zoom meeting sa company na pinagtatrabahuhan ko. Mamaya pa naman si "Leonora" uuwi kaya umidlip muna ako. Sakto naman at nagising ako mga 1 hour before 5 pm kaya nag ayos na din ako.

Pagpunta ko sa building kung saan siya nagtatrabaho ay may nakita akong isang babae. Sobrang iba ang awra niya kaysa sa babaeng kasama ko kanina. Bumaba ako ng sasakyan at kumaway sa kaniya. Lumapit naman siya at niyakap ako, sumakay na rin kami sa kotse.

"UHM, Who's in front?"

Tumingin muna siya sa akin saka ngumiti

"Therese..."

Tumango naman ako. Ito ang ikalawa niyang personality. Usually kapag ito yung front character niya ay kalmado lang ang awra. Tanda ko mahilig to sa museum eh, kumbaga yung character na ito is appreciative sa arts kaya naman may naisip akong idea.

"Therese, may gagawin ka pa ba after nito?"

"Hmmm wala naman, siguro kaunting papers lang naman, bakit mo natanong?"

Ngumiti lang ako sa kaniya at imbis sagutin ang tanong niya ay pinaandar ko ang sasakyan

"Sandali ly, hindi ito ang daan papuntang condo ah, saan ba tayo?"

Nginitian ko lang siya at maya maya pa ay nakarating na kami dito sa isang establishment.

MUSEO DE INTRAMUROS
(a/n eme eme lang to na place hehe)

IN PARALLEL UNIVERSEWhere stories live. Discover now