an art gallery could never be as unique as you

128 9 1
                                    

It's Saturday and wala naman akong prior commitments. Bored din ako dito sa bahay kaya naisipan kong yayain ang mga kaibigan ko pero halos lahat sila may pinagkakaabalahan at may pupuntahan din kaya wala akong maaya sa kanila.

Naisipan ko na lang mag netflix and chill nang biglang nag pop ang notifications sa phone ko. Agad ko namang chineck kung ano yun at napatingin ako sa text messages.

I received a message from Sam.

"Hi sizzy, anong ganap mo? Nabasa ko sa gc na nagyayaya ka gumala? Are you free tonight? May art exhibit kasi malapit diyan sa area mo so I thought na baka gusto mo sumama? But if not, it's okay din naman"

Napangiti ako saka agad na nag reply kay Sam

Sure sizzy, sama ako. What time ba para makapag ready din ako

*ting*

"7 pm pa naman sizzy pero siguro kita tayo sa may 7-11 before mag 7? Is that okay with you?"

Yes of course, see you Sam

"See you, Ly ☺"

Hindi na rin ako makapaghintay na sumapit ang ika-7 ng gabi. Bukod sa kating kati na ang paa ko gumala ay makakasama ko ang isa sa mga taong pinaka special sa akin. Pumunta ako sa kwarto ko at naghanap ng masusuot.

Hinintay ko na lang din sumapit ang 6 pm para pupunta na ako sa meet up place namin. Actually hindi naman siya kalayuan, ayaw ko lang na nalalate ako talaga. Nag order muna ako ng maiinom saka naghintay kay Sam

Maya maya pa ay natanaw ko na siya sa hindi kalayuan. Palingon lingon ito probably ay hinahanap kung nasan ako kaya agad ko siyang tinawag.

Samanthaaa!

Tumingin naman siya sa gawi ko at agad akong kinawayan. Inaya ko muna siyang magkape bago pumunta sa art exhibit kasi baka matagalan kami doon, atleast ay may laman ang mga sikmura namin diba.

"Sorry kanina ka pa ba naghihintay?"

Uh hindi naman, actually kararating ko lang din nga eh. Upo ka na muna, maaga pa naman e. Maya maya na tayo pumunta doon sa exhibit

Ngumiti lang siya at humigop ng kape. Nagkaroon ng konting kwentuhan at napansin ko na malapit na mag 7pm kaya niyaya ko na siyang umalis, baka mamaya niyan ay marami nang taong pumunta doon.

Pagkapasok sa art gallery ay agad akong namangha sa mga artworks na nakikita ko. Sinulit namin ni Sam ang mga oras na nandun kami sa art gallery. May ibang station na pinapaliwanag nung facilitators kung ano ang mga meaning sa likod nung artworks.

Maya maya pa ay hinila ako ni Sam papunta sa part kung saan madaming paintings

Nakatingin lang siya dun sa mga artworks nang bigla siyang bumulong

Ano kayang feeling na maging subject sa isang artwork noh?

Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti, napansin niya ata yun kaya agad rin siyang tumingin sa akin

Ano ka ba ly, kaya nga kita niyaya dito para mag appreciate ng arts eh kanina ka pa nakatingin diyan sa phone mo, nakakatampo ka naman eh

Natawa naman ako sa kaniya kasi nag asal bata pa siya eh little did she know ay nagcacapture lang naman ako ng mga magagandang artworks na nakikita ko kasi gusto ko ng idea para sa gagawin ko next time.

Tinago ko na lang ang phone ko kasi baka maya maya ay magtampo na talaga to

Nang matapos kami maglibot libot ay inaya niya akong kumain

IN PARALLEL UNIVERSEWhere stories live. Discover now