12th Blog- Coping Up

129 4 0
                                    

Hi again. This will be my last blog for this year and my first blog for the year 2013.

Sinubukan talaga ako ni Angel. Binenta niya yung bahay ko sa Seoul tas pinadrop niya ako sa KHU. Saan na ko titira ngayon? Si yaya pano ko papasahurin? Hindi ko na alam.

Dahli wala na akong matirahan sa Korea at wala ako kahit barya, nagdecide ako na pabalikin nalang si yaya Siony sa Pilipinas.

“Yaya, hindi na kita mapapasahod ngayon. Wala na akong pera saka wala na akong bahay. Bumalik ka nalang po sa Pilipinas tutal binigyan ka naman ni Angel ng retirement fee mo eh. Pasenya ka na.”

“Anak ano bang sinasabi mo dyan? Hindi kita kayang iwan dito lalo na’t alam kong hindi ka marunong mabuhay mag-isa. Kilala kita, hindi mo to kakayanin. Yung perang binigay ni Angel, yun yung gagamitin natin para mabuhay dito saka magtatrabaho ako para sayo.”

“Yaya, you don’t have to do that! Kaya ko to. Kakayanin ko to para kay daddy. Hindi ko kaya na pati ikaw madamay sa kasamaan ng Angel na yun. Kaya please, bumalik ka na po sa Pilipinas. Mas mabubuhay ka ng maayos doon.”

“Hindi kita mapipilit. Kung anong gusto mo alam kong yun ang susundin mo basta mag-ingat ka dito ha?”

“Of course yaya. I love you. Take care on your way back home. Mamimiss kita.”

“Mamimiss din kita. Mag-iingat ka din dito. Tandaan mo, mahal na mahal ka din ni yaya Siony mo.”

Kinabukasan, umuwi na pabalik sa Pilipinas si yaya. Naiwan ako sa Korea at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nag-apply ako sa isang restaurant bilang isang… dishwasher (yeah I know hindi ako marunong maghugas ng plato). Tinanong ako kung marunong daw ba ako maghugas, sabi ko hindi kasi yun yung totoo pero sabi ko din na gagawin ko ang lahat para matutunan yun at para hindi makabasag ng pinggan kaya gagawin ko ang best ko. Tinanggap naman ako kasi kakilala ko yung may-ari. Binalaan niya lang ako na wag akong magbabasag ng pinggan hehe XD.

Grabe, hindi pala madali to. Masakit sa likod at nakakapagod. Hindi na ako pumapasok sa KHU pero yung mga classmates ko, hindi nila ako tinitigilan ng kakatext sa akin. Ganun din yung theatre arts students saka yung buong banda kasi naging malapit na rin ako sa kanila. Hindi ko naman sila mareplyan kasi naputol na din yung line ng cell phone ko saka hindi ko na rin sinasagot mga tawag nila.

Winter na kaya sobra na yung lamig lalo na kapag nabababad ako sa tubig. Isang araw, habang naghuhugas ako, biglang may lumapit sa akin at hinila ako papalayo sa mga hinuhugasan ko.

“Yah! Why are you pulling me?”

“You don’t belong here! Let’s go.” Nagulat ako sa nakita ko tas huminto ako.

“Hongki? What are you doing here? How did you find me?”

“I doesn’t matter anymore! Come with me and you will live with us in our dorm!”

“What? Are you crazy? You know what? You don’t have to do this. I’m living in peace right now! So please, stop following me.”

“But I know you can’t do these things!”

“I can. I can do it now. I’m sorry but I can’t go with you.”

“What?!  I just want to help you.”

“I didn’t ask anyone to help me and besides, you’re not my boyfriend. You may now go.” Tumalikod ako.

“But Sky!” hindi ko na siya pinakinggan at bumalik na ako sa ginagawa ko.

Totoo naman eh, hindi ako humihingi ng tulong sa kahit kanino at hindi ko kailangan ng tulong nila. Kaya ko to! Alam ko kaya ko to! Saka hindi ko siya boyfriend kaya wala siyang karapatan na makelam sa buhay ko.

FANGIRL'S DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon