3rd Blog- The Meet-up

245 8 0
                                    

Hi again! Welcome to my third blog for the year 2010 ^_^

This month has been my most scared month. I don’t know pero kinakabahan ako and I feel strange. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon lang ako nagkaganito.

March na!!! There’s nothing to rejoice about. Si Rain lang ata yung masaya >_<

*First day meet-up*

March 3, Wednesday, Sa bahay natulog si Rain. Hanggang Saturday na daw siya samen. Sakto naman at wala na kaming pasok nun.

At 10 PM, while I was still on my back sleeping, this KPOP fan girl and was actually a good friend of mine, woke me up for the reason… I don’t know and I don’t care.

“Twin, you have to wake up na! Come on!” instead of waking up, I checked my clock first and it’s 10 PM! OMG! Kakakuha ko palang ng tulog ko noh! Ano na naman kayang problema nito?

“Twin, I know sa March 5 pa yung Showtime. It’s too late na oh? Can I just sleep for a while? Parang kakatulog ko palang eh.” sagot ko then nagtakip ako ng unan.

“I know na sa 5 pa yung Showtime but hello? Don’t you block the date today?” bumangon ako at umupo.

“What’s with the date? Walang nakascedule sa atin for this day, god! Where are your senses Rain Crisostomo?” humiga ulit ako pero hinila niya ako patayo.

“Ano ka ba? You have to wake up kasi…” hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. “We’re going to see them at the airport!” nanlaki mata ko sa sinabi niya. ANO DAW????

“WHAT?!” I said then she gave me a ‘DARE-ME-NOT-LOOKS.’ “AYYE! Fine! Fine!”

“Thank you, twin. Go, hurry up and I’ll wait you outside, okay?”

I have no choice but to prepare myself up. She’s such a meany. Why does she need to give me that looks all the time? Augh!

Nagpahatid kami sa driver ni daddy and we arrived to the airport as late as 11:15 PM. Jeez, 12 AM pa dadating yung FT Island pero kung makahatak siya saken ganun ganun nalang. Akala mo naman papansinin kami nun sa airport, eh hindi naman. Sana natulog nalang kami.

While waiting, hindi ko namalayang nakatulog ako. Nagising nalang ako sa sigawan ng mga Primadonnas. Grabe ah! Ang daming nag-abang sa pagdating nila kahit dis oras na ng gabi.

Habang sitting-pretty ako sa kinauupuan ko, yung mga fans (kasama na si Rain) ay nagkakandarapa at nagkakandamaos na kakasigaw sa FT Island. Naku bahala nga sila basta ako, uupo lang dito.

Nung mapansin kong pabalik na si Rain, bigla akong tumayo para hindi halata na umupo lang ako hehe ^_^

“Ano twin? Nakita mo ba sila?” tanong niya. She looks sweaty. EW~

“Hindi masyado. Nakita mo naman tong mga fans sa harap ko eh.”

“Bale, ok lang yun. Tara na!” aya niya. Yes! Uuwi na kami!

“Sure. I’m sleepy na rin kasi.” Nauna ako maglakad.

“Wait! Anong sleepy?” hinawakan niya yung right wrist ko with her weaty hand.

“What the? You’re sweating! Don’t touch me. I can walk. You don’t have to hold my hand.” Hindi niya binitawan at lalo pa niyang hinigpitan yung pagkakahawak niya saken.

FANGIRL'S DIARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon