19th Blog- Fathom Out

77 2 9
                                        

Hi!! and i'm back :D this will be the second to the last blog of Sky Hernandez and i hope you will still join her til the end :) more revelations and surprises to come! sorry if my UD took so long... gusto ko kasing maging maganda ang ending ng storya :) ayun salamat sa mga nagpPM pa saken para lang mag-UD :) i love you :* so there!

__________ 

I intentionally didn’t end my blog last time because I  know… it should not be ended that way.

“You do bake good huh? San ka natuto? As I remember, wala kang ibang alam gawin. Lalo na yung nagdala ka ng food sa dorm na akala nila ikaw ang nagluto? Nakakatawa kaya yung gabing yun.” Napatingin ako sakanya habang kumakaen siya. OMG. What did he just say?? “Why?” tanong niya. Nagtataka siguro siya kung bakit ako nakatingin sa kanya.

“Naaalala mo na ko?” tanong ko. ‘Say no, please.’ I told myself while at the back of my heart… I wanted to say YES.

Napaisip siya sa sinabi niya.

“I’m sorry. Hindi ko alam kung anong mga lumalabas sa bibig ko.” Sabi niya.

“Ah?” pilit akong nagsmile kahit naiiyak na ko. “I see. Si…sige, labas muna ako.” Paalam ko.

I don’t know why pero naiyak ako after hearing those words from him. I don’t want him to remember me pero palagi akong umaasa na sana maalala pa niya ako.

Tsss. This damn heart!

I tried to calm myself as the day went on. The next day, we had the last day of our tour.

Paglabas ko ng kwarto, nakasalubong ko si Hongki. Actually, nagkagulatan kaming dalawa. Okay, OA na masyado kaya umiwas nalang ako. Pagdating sa bus, nauna akong umupo tas kasunod ko naman siya.

I wanted to look at him but to my surprise… he is the one looking… no! STARING at me.

“Problema?” tanong ko habang nakatingin sa kanya.

“Now I know why they love you…” sabi niya. Ano daw?

“Huh?”

“You’re beautiful.” He stated. My heart began to thump.

“Uhh… I know.” Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

I felt sudden closeness between us kaya napatingin ulit ako sa kanya at…

“What the hell are you doing? Umusog ka nga dun!” sabi ko sabay pilit siyang tinutulak palayo saken.

“Don’t push me away. The more you do that, the more I wanted to know you and… to like you.” He said euphoniously.

I stopped pushing him and just looked outside the window. The travel went on and he’s still staring at me. Nainis na ko kaya hinarap ko na siya kahit mukhang maghahalikan na kami sa posisyon namin.

“What do you want?”

“You.” He seriously said. Ano daw?

“Ako? Bakit ako? Ano bang trip mo?”

“Hindi ko pa naririnig na tinawag mo ko sa pangalan ko. Bakit? May naaalala ka ba sa pangalan ko?” tanong niya. Hindi ko pa ba siya tinatawag sa pangalan niya simula nung magkita kami ulit? Hmmm…

“Ano namang maaalala ko sa pangalan mo?” defend ko.

“Ano nga ba?” tanong ulit niya while smirking at me like he wants to trap me.

FANGIRL'S DIARYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon