16th Blog- A Thing That Will Change Everything

91 4 0
                                        

Annyeong ^________________^v !

Welcome to my 16th blog! Have you enjoyed the last blog? Yeah, I know you do and I hope you’ll also enjoy this next blog of mine.

Sa blog na ito… masusurprise kayo! Kasi… kasi maraming magbabago! At kung ano yun? ABANGAN!!

Ayoko na magintroduce kasi baka maikwento ko na bigla haha! Enjoy!

*blog for the month of June to… FOREVER?*

Bumalik na ko sa school at nakahabol naman ako kahit papano sa mga lessons. Yung nga lang, hindi ako kasama sa top 5. Sobrang dami kasing nangyari kaya ayan… well, bawi bawi din next time ^___^!

Miss ko na si Hongki kahit na nagkakatext kaming dalawa. Bakit ba? Eh sa miss ko siya eh! Haha! Pati nga sila Seunghyun, Minhwan, Jaejin At Jonghoon miss ko na eh. Busy kasi sila masyado at napapansin kong, hindi rin masyadong nagpapakita si Yujin. Bakit kaya? Baka bumalik na sa Japan. Aish! Pakelam ko ba sa bruha na yun!

Now playing>> Severely by FT Island (play niyo ah!)

*brrrrrrrrrrrrt*

May nagtext!

From: Hongki <3

“Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Kahit anong mangyari. Kahit anong sabihin nila. Hangga’t hindi ko sinasabing hindi na kita mahal… wag ka maniniwala, okay? Mahal kita, Sky Hernandez. Mag-iingat ka.”

AY? Ang keessssoooo ^__________^!! Hihi mareplyan nga.

To: Hongki <3

“Mahal din kita :)”

Sent!

After ng class ko mga 1 PM, while I’m on my way to the central library (it’s far from our building, though), napansin kong maraming tao sa grand stadium.

“Bakit kaya madaming tao dun?” at dahil sa tsismosa ako… lumapit ako doon.

*silip silip* *talon talon* *silip* *sigh*

“Aish! Ang hirap maging maliit! Makaalis na nga.” Aalis na sana ako nang bigla akong tawagin ni Eunrae (Unrey), yung classmate kong cute. Haha!

“Sky!” lingon. Smile.

“Yes?”

“Alam mo ba kung bakit nagkakagulo yung mga studyante?” GLARE!

“Kung alam ko sinabi ko na sayo.” Smirk. Talikod. Hmp!

“I mean, sasabihin ko nga sayo kung bakit eh.” Stop. Lingon.

“Sabihin mo nalang kasi. Nagtatanong pa. Ano bang malay ko dyan?!” kainis kasi!

“Masyado ka namang highblood. Anyway, nagkakagulo sila sa isang celebrity daw na dating studyante dito.” Bakit kaya?

dugdugdugdugdugdug

“Oh b…bakit? A…anong meron sa kanya?” bakit bumilis yung tibok ng puso ko?

“Naaksidente.” dugdugdugdugdugdug

“Pardon?” lalo akong kinabahan.

“Sabi ko, kanina siguro mga 15 minutes ago na ata yung balita… naaksidente daw yung isang celebrity na dating studyante dito. Ayun oh, tinitignan nga nila sa internet yung nangyari.” Bakit lalong bumilis yung tibok ng puso ko? “Uhm… pwede ba kita yayai—“

FANGIRL'S DIARYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon