Dami pang gustong sabihin
Ngunit 'wag nalang muna
Hintayin nalang ang hangin
Tangayin ang salita
"Late ka nanaman, Mr. Guevarra."
Napakamot na lang ako ng ulo at humingi ng sorry.
Habang naglalakad papunta sa upuan ko ay narinig ang tawa ni Olivia. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ayan kasi. Puyat pa," sabi niya. Tumawa pa siya bago tumingin muli kay ma'am Sanchez na nagsusulat sa board.
Ilang minuto matapos ang discussion ay may pinasagutan saamin si ma'am Sanchez. As usual, kopyahan nanaman kami ni Olivia. Inaamin ko, tamad ako mag-aral. Ang hirap-hirap naman kasi ng mga tinuturo, lalo na sa subject ni ma'am Sanchez na umagang umaga eh history class agad.
"Sa susunod naman, Stephen, tulungan mo naman ako magsagot. Lahat na lang ata, ako ang sumagot,e," pagmamaktol ni Olivia saakin.
"Oo na, sorry na. Mag-aaral na akong mabuti."
"Hay nako, lagi na lang. Libre mo 'ko mamaya 'pag break time." Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang pagi-ikot ko sa panyo ko.
Mabilis natapos ang sumunod na subject namin, kaya't dumeretso agad kami ni Olivia sa canteen ng school.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko nang hawakan niya ang kamay ko habang tumatakbo papunta sa canteen. Hindi ito dahil sa tumatakbo kami, kundi dahil sa kilig na nararamdaman ko.
"Dalawa pong sopas," dinig kong sabi niya. Napasulyap siya sa'kin, kaya't nilabas ko na ang wallet ko. Sayang saya naman 'tong babaeng 'to nang kinuha ang sopas na libre ko sakaniya.
Umupo kami sa bench malapit sa school garden. Mahangin dito at may lilim mula sa puno.
"Stephen, anong pangarap mo sa buhay?"
Ikaw.
"Wala pa 'kong maisip. Basta gusto kong yumaman."
Pinalo niya ako sa braso dahil sa sagot ko sakaniya.
"Ano ba 'yan, di ka matinong kausap," sabi niya. Natawa ako sa reaksyon niya habang hawak ang braso kong pinalo niya.
Napatitig ako sakaniya. Nagsasalita siya tungkol sa pangarap niya sa buhay, ngunit parang nabibingi ako. Nakatutok lang ako sakaniya habang nagsasalita siya. Ang ganda niya. Ang ganda ganda niya.
"Huy! Ano ka ba!c Nakikinig ka ba?" sigaw niya saakin habang winawagayway ang kamay niya sa mukha ko. Napabalik ako sa huwisyo kaya tumango na lang ako.
Pabalik na kami ngayon sa room namin dahil malapit ng mag-umpisa ang susunod na klase namin. Habang naglalakad kami ay may nanggugulong tanong sa isip ko.
Amin na kaya ako?
Mula grade 7 kami ay gusto ko na siya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakaniya dahil baka ma-reject niya lang ako. Natatakot akong baka magbago ang pakikitungo niya sa'kin.
"Olivia," tawag ko sakaniya at lumingon siya.
"Oh?"
Baka magbago ang pagtingin niya saakin.
"Wala."
BINABASA MO ANG
PAGTINGIN (LSAIBS #1)
FanfictionHindi alam ni Stephen kung papaano aamin sa kaibigan nitong si Olivia. Matagal na itong may gusto sa kaibigan. Simula pa no'ng highschool sila ay crush na niya ito. Pero bago pa siya gumawa ng move, lagi na lang itong may what if's, tulad ng... 'wha...