'Pag nilahad ang damdamin
Sana di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana di magbago ang pagtingin
Pahiwatig
Sana di magbago ang pagtingin
Pahiwatig
Sana di magbago ang pagtingin
"Sandali lang. Masusuka na ata ako..."
Dumeretso si Olivia sa cr. Tinatawanan ko siya hanggang sa makababa kami ng ride na sinakyan namin. Pangalawa pa lang namin, ganiyan na siya. Lakas niyang manghatak, mahina naman pala.
"Oh ano? Kaya pa, Engineer?" pang-aasar ko sakaniya. Sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko.
"Mag easy rides lang muna tayo, please lang, maawa ka sa sarili mo," sabi ko sabay tawa ulit sa kaniya.
Naupo muna kami sa harap ng isang stall dito sa theme park. Bumili na rin ako ng tubig para mapainom sakaniya. Nang makapagpahinga ay inaya ko siya sa isang dart game. 'Pag nakaputok ka ng tatlong balloon ay makakakuha ka ng isang plastic ng cotton candy na may design.
"Ikaw na muna, kaya mo na 'yan," sabi niya saakin. Tumango naman ako. Halatang nahihilo pa ang babaeng 'to.
Binigyan ako ng nagbabantay ng 7 darts. Sa unang try ko ay iisa lang naputok kong balloon.
"Ano ba 'yan, laos mo naman."
Binelatan ko lang siya at nagtry pa. Swerte namang sa ikalawang try ko ay nakaapat ako. Agad na inabot saakin ng nagbabantay yung isang cotton candy. May tatlo itong kulay at pa-flower ang design niya.
"Oh eto, laos pala ha," sabi ko sabay abot ka Olivia ng cotton candy. Tuwang-tuwa naman niya itong tinanggap. Makaasar siya, parang hindi nakikinabang kapag nananalo ako e.
Napagpasyahan naming maglakad lakad muna.
"Sa lahat ata ng nilibre mo saakin, ito ang pinakamasayang pinagdalhan mo saakin," sabi niya habang kumakain ito ng cotton candy.
Masaya akong masaya siya. Kahit papaan ay alam kong may napaglalagyan yung mga efforts ko para sakaniya. Pero paano naman niya makikilala yun?
"Deserve mo 'yan," sabi ko habang nakangiti.
"Thank you, Stephen. Ang bait mo talagang kaibigan ever."
May nadaanan kaming videoke stall. Saa pala ay hindi kami dumaan dito dahil hinatak niya ako bigla para kumanta.
"Ililibre kita dito, kumanta ka lang. Kuya magkano?" tanong niya agad dun sa nagbabantay. Napakamot na lang ako ng ulo.
Sa huli ay napakanta ako ng babaeng ito. Siya pa talaga ang pumili ng kakantahin ko. Ang saya-saya naman niyang sumasabay sa kinakanta ko. Akala ko ay tama na ang isa, ngunit nag-abot ito ulit ng panibagong bente pesos. Nako po.
"Pagtingin kuya, by Ben&Ben," sabi niya.
Tumugtog agad yung kantang sinabi niya. Tinignan ko siya habang hinihintay ang lyrics. Mukha naman siyang masaya, kaya sige, kaya ko 'to...
"Dami pang gustong sabihin, ngunit 'wag nalang muna," nakikinig siya saakin habang kinakain pa rin yung cotton candy kanina. "Hintayin na lang ang hangin tangayin ang salita..."
Napatitig ako sa kaniya habang kinakanta ko ang Pagtingin. Ramdam kong ginawa ang kantang 'to para saakin.
Napapikit ako habang kinakanta ang pangalawang chorus ng kanta.
"'Pag nilahad ang damdamin... Sana di magbago ang pagtingin. Aminin ang mga lihim... Sana di magbago ang pagtingin..."
Napakahirap umamin dahil andaming pwedeng masayang, pero mas masasayang ang pwedeng mangyari kung 'di ako aamin.
"Pahiwatig... Sana di magbago ang pagtingin... Pahiwatig... Sana di magbago ang pagtingin."
Handa na akong umamin... na hindi pa.
BINABASA MO ANG
PAGTINGIN (LSAIBS #1)
FanfictionHindi alam ni Stephen kung papaano aamin sa kaibigan nitong si Olivia. Matagal na itong may gusto sa kaibigan. Simula pa no'ng highschool sila ay crush na niya ito. Pero bago pa siya gumawa ng move, lagi na lang itong may what if's, tulad ng... 'wha...