'Wag mo akong sisihin
Mahirap ang tumaya
Dagat ay sisisirin
Kahit walang mapala
"Stephen, hawakan mo nga 'to, wait lang."
Inabot niya sa'kin yung water bottle niya habang may kinukuha sa bag.
"Tignan mo 'tong picture oh," sabi niya at pinakita yung picture na hawak niya. Picture ito ng T-square. Pamilyar ito saakin dahil isa ito sa pinaka-maganda, pero mahal.
"Kung bigyan ako ng pera sa birthday ko, 'yan bibilhin ko."
"Wow, sana all. Yung T-Square ko nga, binili ko lang sa online shop," natatawang sabi ko.
"Masisira na kasi yung akin. Need ko na ng bago... na mahal," sabi nito sabay tawa ng malakas na kala mo walang ibang estudyante sa hallway.
Papunta kami ngayon sa canteen. Lunch time na kasi at pareho kaming hindi nagbabaon. Hindi naman ganoon kamahal ang mga pagkain dito, kaya dito na lang kami bumibili ng lunch.
"Stephen, alam mo ba yung last time? Sabi nung kaibigan ko, may jowa na raw yung pinakilala niya saakin agad. Na-feel niya raw na 'di ko siya type," sabi ni Olivia sabay tawa habang ngumunguya. Kita mo nga naman 'tong babaeng 'to oh. "Obvious nga sigurong 'di ko sya type."
On the other hand, buti naman at hindi na siya pagi-interesan ng lalaki na 'yon. Kahit papaano ay nakampante ako.
"Hmm, Olivia, gusto mo ba sumama saakin mamaya?" tanong ko sakaniya. Maybe... just maybe... this is my chance.
"Saan?"
Saan ko siya dadalhin? Anong sasakyan namin? Pwede kaya sa mamahaling restaurant? Sa beach kaya? What if ayaw niya? Anong pwede naming kainin?
Eto nanaman ako, nago-overthink dahil hindi ko pinagplanuhan ang pag-aya ko sakaniya.
"Uhm, kahit saan!"..
Kumunot ang noo niya at nagtatakang tumingin saakin.
"Huh? Anong kahit saan ka diyan?" naguguluhan niyang tanong.
"Basta, sasama ka ba?" bahala na mamaya kung saan ko siya maisipang dalhin. Sana pumayag siya.
"Sige, basta libre mo 'ko!" masaya niyang sagot. Napangiti ako ng malaki at saka niya inakbayan at ginulo ang buhok niya. As usual, nagalit naman ito saakin.
-
Nakaupo ako ngayon sa may bench sa gym habang hinihintay si Olivia. Sabi niya kasi ay magc-cr daw muna siya bago kami umalis. Sana lang ay magustuhan niya yung pagdadalhan ko sakaniya mamaya.
Maya-maya ay dumating na siya.
"Wow, liptint," panga-asar ko sakaniya. Bagong lagay kasi siya ng liptint. 'Di naman siya palaayos, kaya madalang ko siyang makitang magmake-up.
"Dapat kahit maganda na, mas magpaganda pa," uto-utong sabi naman niya. Maganda ka naman na talaga kahit wala kang ayos.
Pagkasakay namin sa jeep ay mabubusog na ata ako sa buhok ng babaeng 'to.
"Akin na nga 'yang ipit mo, balahura ka talaga," sabi ko sabay kuha sa kamay niya ng ipit.
Inipitan ko siya habang nakahinto pa ang jeep dahil sa traffic. Aba'y halos mabusog na ako sa buhok niyang nakakain ko na ang kalahati. Pero masaya ako, naamoy ko ang buhok niyang sobrang bango. Nakakakilig.
"Tenks pu," sabi niya matapos ko siyang ipitan. Mukha naman itong satisfied sa ipit ko dahil hindi naman siya nagreklamo at hindi niya naman inulit.
"Sana all," dinig kong sabi ng katapat ko sa jeep. Opo, sana all talaga. Kala siguro nito mag-jowa kami.
Nagbayad na ako sa jeep dahil nga libre ko lahat.
Ready na ba ako? Hindi ko alam...
Nang makarating kami ay parang batang ngayon lang nakapasyal itong si Olivia. Patalong-talon pa habang naglalakad.
"OMG!!! Advance salamat sa libre! Tara na!" masayang sabi niya. Kung hindi lang siya totoong tao, iisipin kong may special effects na kumikinang ang mata niya.
Hinatak na niya ako para bumili ng tickets sa mga rides. Hay nako... mage-enjoy muna ako kasama siya. Paano kaya ako makakaamin nito?
BINABASA MO ANG
PAGTINGIN (LSAIBS #1)
FanfictionHindi alam ni Stephen kung papaano aamin sa kaibigan nitong si Olivia. Matagal na itong may gusto sa kaibigan. Simula pa no'ng highschool sila ay crush na niya ito. Pero bago pa siya gumawa ng move, lagi na lang itong may what if's, tulad ng... 'wha...