"Olivia... Gusto kita."
'Pag nilahad ang damdamin
Ang gulat sa mukha niya ang nagpakaba saakin. Gayunpaman, tinuloy ko ang mga nais kong sabihin.
"Nakakatawa... na sa tinagal-tagal nating naging magkaibigan, sa'yo lang pala babagsak ang puso ko."
Patuloy siyang nakikinig saakin. Walang ibang reaksyon kundi gulat, kasabay ng biglaang katahimikan ng paligid.
"Hindi ko... Hindi ko sukat akalain na... Ganito ang mararamdaman ko, na ito ang atake mo sa'kin."
Sana di magbago ang pagtingin
"Ang tagal ko 'tong tiniis at pinag-isipan. Natatakot ako na baka... baka mag-iba ang ihip ng hangin kung sakaling umamin ako."
Hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ngayon ang lakas ng loob kong sabihin ang mga 'to. Basta alam ko, nababawasan ang mga lihim ko.
Aminin ang mga lihim
"Gusto kong sabihin na salamat sa pagiging isang mabuting kaibigan. Salamat sa pagiging kaibigan, at sa pagmamahal mo bilang kaibigan. Ngayon, naglalakas loob ako, dahil kung sakaling hindi ako makakauwing may magaang nararamdaman, atleast ngayon, nailalabas ko yung matagal ko ng nararamdaman. "
Sana di magbago ang pagtingin
"Ngayon... Buong puso kong inaamin na may pagtingin ako sa'yo. Hindi ako naghahangad ng kapalit, pero kung hindi naging maganda ang kalalabasan ng mga ginagawa't sinasabi ko ngayon, sana... 'di magbago ang pagtingin mo sa'kin."
Subukan ang manalangin
Sa sinasabi ko ngayon, para akong ibang tao. Ganito nga ata ang epekto ng pagmamahal.
"Okay lang na hindi mo suklian ang nararamdaman ko. Masaya akong nailalabas ko na 'to ngayon. "
Wala pa rin akong makitang ibang emosyon sa kaniya. Pinapanalangin kong maayos siya't naiintindihan ang bawat sinasabi ko.
Sana di magbago pagtingin
Nakatitig ako sa mga mata niyang kumikinang dahil sa repleksyon ng mga ilaw sa paligid. May mga iilang tao, pero pakiramdam ko kami lang dalawa ang naririto.
Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Kaba, takot, saya, ginhawa.
Baka bukas ika'y akin
Lumapit ako sakaniya habang magkatinginan kami. Huminga ako ng malalim bago hawakan ang kamay niya.
"Sorry. Pasensya ka na kung nakikita mo itong pwedeng maging dahilan para magbago ang pagtingin mo saakin, o pagtingin ko sa'yo, o sa kung anong meron tayo."
Napayuko ako dahil sa pakiramdam ko hindi niya yun tanggap.
"Masaya akong nailalabas ko na 'to... Sa tinagal tagal kitang hinahangaan ng palihim... "
Andami dami ko nanamang naiisip ng what if's, pero heto ako... sumusugal na.
Masaya ako para sa sarili ko.
Sana di magbago ang pagtingin
Mas lalo akong kinabahan nang makita ko siyang lumunok. Masaya ba siya? Disappointed? Takot?
Pahiwatig
Sana 'di magbago ang pagtingin
"Stephen..."
Pakiramdam ko bagong bago ko pa lang narinig ang boses niya. Parang noong una naming magkakilala...
Pahiwatig
"Olivia... Mahal kita.
Higit pa bilang kakilala, higit pa bilang kaibigan.
Mahal kita."
Napangiti siya.
Bahala na. Desidido na ako. Handa na ako.
Isusugal ko na 'to.
Sana 'di magbago ang pagtingin
BINABASA MO ANG
PAGTINGIN (LSAIBS #1)
FanfictionHindi alam ni Stephen kung papaano aamin sa kaibigan nitong si Olivia. Matagal na itong may gusto sa kaibigan. Simula pa no'ng highschool sila ay crush na niya ito. Pero bago pa siya gumawa ng move, lagi na lang itong may what if's, tulad ng... 'wha...