'Pag nilahad ang damdamin
Sana di magbago ang pagtingin
Aminin ang mga lihim
Sana di magbago ang pagtingin
"Yay! Congrats saatin, Stephen!"
Graduate na kami. Hindi ako makapaniwala.
Sobrang saya rin ni Olivia ngayon. Sa wakas daw ay worth-it lahat ng pagod namin.
Mas lalong hindi ako makapaniwala na nakaabot ako sa with honors. Saktong 90 ang general average ko. Kaya pala gano'n na lamang ang tuwa ng mga teachers ko saakin bago ang graduation. Si Olivia naman ay nag with high honors. Talagang matalino ito.
Nagpunta muna siya sa mama niya upang makapag-picture sila. Ako naman ay nilapitan din sina mama at papa.
"Congrats, anak! Mana ka talaga saakin!" tuwang-tuwang sabi ni papa. Proud na proud p siyang nagsabit ng medal ko kanina. Inakbayan niya ako atsaka tumawa.
"Ang galing galing talaga ng baby ko!" sigaw naman ni mama at kinurot ang pisngi ko. Napangiwi naman ako sa sakit.
"Ma, magco-college na ako, bina-baby mo pa rin ako," sabi ko at napatawa.
Nang magbakasyon ay ganoon pa rin, hindi man madalas pero nagkikita pa rin kami ni Olivia. Isang kanto lang naman ang layo ng bahay nila sa amin. Minsan napagpa-pasyahan naming mag-meryenda sa kung saan saan. May isang beses pang sinama niya ako sa outing nilang magpapamilya. Mabuti na lamang at kilala ako ng pamilya niya bilang kaibigan niya.
Haha kaibigan. Awit. Joke.
Ngayon naman ay nandito kami sa may tapsilogan malapit sa pinag-enroll-an naming school. Sabay na kaming nagpa-enroll dahil parehas din lang ang kukunin naming course. Mabuti na lamang at may kakilala siyang engineering student na kaibigan ng ate niya, kaya 'di na kami nahirapang maghanap sa kung ano mang requirements ang kailangan.
"Oh, ito na order mo. Tanghali na, dito mo pa naisipan kumain."
Nilapag niya ang order kong tapsilog, sakaniya naman ay longsilog.
"Bakit? Bawal bang kumain ng tapsilog sa tanghali? Parehas din namang pagkain 'to sa kahit anong nakakain," sabi ko sakaniya. Inikutan niya lang ako ng mata sabay subo sa pagkain niya.
"Mas applicable ang mga ganitong pagkain tuwing almusal, engot," pagsusungit niya saakin.
Kahit ang sungit niya, ewan ko pa rin pero nakakaturn-on. Nakakatawa nga na kahit sa sungit niyang iyan, gustong gusto ko pa. Feeling ko nga nag-level up na nararamdaman ko sakaniya e. Kung dati gusto ko lang siya, ngayon mas lalo na akong nahuhulog sakaniya.
Kinuha ko ang tissue sa tabi ko at pinunasan ang gilid ng labi niya. Napatigil naman siya sa pagnguya.
"Dumi mong kumain."
"Sweet mo ngayon ha," natatawa niyang sabi.
"Tsk, matagal na akong sweet, ngayon mo lang napansin?" Inikutan niya akong muli ng mata na ikinatawa ko.
Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa school para kumuha ng uniform namin na kasama na sa binayaran naming fees kanina.
"May medium kaya sila? Baka di kasya saakin yung small," dinig kong sabi niya.
"Kasya 'yon. Maliit ka naman eh," pang-aasar ko sakaniya.
"Edi wow."
Nang matapos naming kumuha ng uniform ay lumibot-libot muna kami para tignan ang mga lugar sa school.
"Hala, Stephen! Tignan mo oh, may museum pala sila dito?" sabi niya saakin at tinuro yung building na may glass wall. Kita nga ang mga iba't-ibang gamit dun.
Hinila niya ako papunta roon. Buti na lang at pwedeng pumasok dito. Kakaunti nga lang ang mga tao.
Pagtingin ko kay Olivia ay kita ko kung paano siya magandahan sa mga naka-display.
Sa lahat ng maganda dito, siya yung pinakamaganda.
Huminto kami sa isang display ng parang libro.
"El diario de mi amor..." basa niya sa nakasulat. Base sa kwento, ito yung diary ng nobya ng founder ng school. Nakasulat sa libro ang storya nilang dalawa dito mismo sa kinatatayuan ng school na ito na lupain pala ng pamilya ng founder. Nakasulat ang mga bagay na pinagsaluhan nilang dalawa, ang pag-amin nito, mga masasaya at 'di malilimutang alaala. Ayaw ng founder na idisplay ito, ngunit ito ang huling hiling ng nobya niya bago ito mamayapa.
Gusto nitong ibahagi sa lahat kung bakit napaka-espesyal ng lugar na ito para sa kaniya.
"Sabi ng lola ko saakin, nakasulat daw sa diary yung mga bagay na ayaw mong makalimutan sa bawat araw ng buhay mo. Kahit sino siguro, ipagdadamot sa lahat ang diary ng minamahal mo," sabi ni Olivia habang nakatitig sa diary.
"Ikaw, Stephen? Kung may gusto kang isulat sa diary mo, ano yun?" tanong nito saakin.
Kung may gusto man akong isulat, siguro yun ay yung lihim kong nararamdaman sa'yo na hindi ko maamin-amin. Sa diary ko na lang mailalahad ang damdamin ko.
"Secret."
At dahil dun, sinungitan nanaman ako.
BINABASA MO ANG
PAGTINGIN (LSAIBS #1)
FanfictionHindi alam ni Stephen kung papaano aamin sa kaibigan nitong si Olivia. Matagal na itong may gusto sa kaibigan. Simula pa no'ng highschool sila ay crush na niya ito. Pero bago pa siya gumawa ng move, lagi na lang itong may what if's, tulad ng... 'wha...