Chapter 4 - Verse 3

6 0 0
                                    

Bakit laging ganito?

Kailangan magka-ilangan

Ako ay nalilito

"Nagawa mo na work mo sa sub ni sir Phil? Patingin naman. Kuha lang ako idea."

Binigay ko kay Olivia 'yung kartolina. Madalas kaming ganito. Minsan ako naman ang nanghihiram sakaniya pag walang pumapasok sa isip ko. Ibang-iba nga lang ngayon kesa noong nasa highschool kami dahil literal na idea lang ang kinukuha namin ngayon at walang kopya.

Masaya ako na natututo ako. Masaya akong natututo kasama siya. Ramdam kong nababago ako dahil sakaniya.

Ibinalik naman saakin ni Olivia saakin kaagad yung gawa ko bago kami magpasahan. Mabilis niya ring natapos yung kaniya. Buti nga't magkaklase kami sa sem na 'to, kundi siguradong hindi tugma free time ko sakaniya.

"Stephen, samahan mo naman ako mamaya," sabi niya saakin. 

"Ha? Saan naman?" tanong ko sakaniya. Napanguso siya bago magsalita.

"May ipapakilala daw kasi yung kaibigan ko saakin. Hindi naman ako maka-hindi kasi sobrang bait niya saakin," pagpapatuloy niya. 

Ipapakilala? Sino naman kaya? Nirereto ba siya? 

Huminga ako ng malalim bago tumango.

Kelan din ba kita hinindian?

Kilala ko 'to. Hindi siya pupunta hangga't wala siyang kasama sa isang galaan. Kung 'di ang ate niya ang kasama niya, ako ang inaaya niya.

Nang mag-weekend ay pinuntahan na niya ako sa bahay. 

"Dalian mo. Tagal tagal mo naman magbihis," pagmamadali niya saakin. Agad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Aba't sino ba 'tong nagyaya? Ha?"

"Sino ba 'tong pumayag?" Hay... Ano bang aasahan ko sa babaeng 'to? Hindi naman 'to nagpapatalo eh. 

Binilisan ko ng magbihis para 'di na magalit 'tong amazonang 'to.

Bago kami umalis ay nagpaalam muna ako kay mama. Siya naman ay nauna ng lumabas ng doon na lang daw maghihintay saakin.

"Ma, alis na po kami," pagpapaalam ko kay mama.

"Mukhang magde-date kayo, ha? Ingat kayo, anak. Enjoy your date," panga-asar saakin ni mama. Umiling na lang ako bago lumabas ng bahay.

Napalingon saakin si Olivia na mukhang naiinip na nang lumabas ako. Hindi ko alam kung bakit pero parang nag-slomo yung paligid. Wala akong ibang makita kundi siya. Tinangay ng hangin ang buhok niyang nakalugay. Ang ganda niya sa blue dress na bumagay sa kaniyang sandals. Mas lalong hindi ko maalis ang mata ko sa mukha niya. Ang ganda.

"Tara na po, sir," pagsusungit niya saakin at nauna ng naglakad.

Habang nakasakay kami sa jeep ay kung ano-ano ang sinasabi niya saakin. 'Baka raw magustuhan siya nung ipapakilala sakaniya, sa ganda ba naman daw na 'yan? Tumatangotango na lang ako kahit deep inside, gusto kong sabihin na gusto ko siya at gusto ko siyang ipagdamot.

"Hi, Oliv! Si Jon nga pala. Jon, ito yung kaklase ko. Si Olivia. "

Nakipagkamay si Olivia sa kaharap namin ngayon. Masaya sigurong umalis muna. Pinakilala na rin muna ako ni Olivia bilang kasama niya, 'kaibigan' niya. 

Nakaupo na kami at naghihintay ng pagkain namin. Tama nga, lalaki nga ito. Jolly siya, pero yung pagka-jolly niya, may halong kayabangan. Ang lagkit pa ng tingin kay Olivia, sarap dukutin ng mata.

"So, anong course mo?" pagtatanong ni Olivia sa lalaki.

"Uhm, nag-Accountancy ako. Alam niyo naman, masarap makahawak ng pera," sabi ng asungot at tumawa ulit. Pansin ko rin na medyo uncomfortable na si Olivia.

Ilang minuto ang lumipas nang matapos kumain at makipagkwentuhan ay nagpaalam na kami ni Olivia. Napansin ko ng patipid ng patipid ang sagot ni Olivia sa mga tinatanong sakaniya. Inaaya pa nga kami na mag-bar, kaso nagpalusot na si Olivia na masama pakiramdam niya.

"Sorry ha? Next time na lang ulit. Nice meeting you, Jon. Una na kami fren," pagpapaalam niya sa kaibigan niya at dun sa lalaki. Agad akong hinila ni Olivia. Akala ko nga ay uuwi na kami, dinala pala ako sa malapit na park sa tabi ng mall.

"Naiisip mo ba iniisip ko dun sa lalaki?" tanong niya saakin. Tumango ako at tumawa. Nakisabay naman siyang tumawa saakin.

"'Diba?! Ang hangin niya! Akala mo naman kung artistang maka-pungay ng mata at humugot ng mga jokes niyang pumupuri sa sarili niya," pang-aasar niya dito.

"Type mo ba?" tanong ko sakaniya. Tinignan niya ako ng may natatawang mukha.

"Hoy ano ka! Hindi gano'n standards ko sa lalaki," agad niyang sagot. "Ang gusto ko sa lalaki yung may respeto sa babae, yung marunong magpakumbaba, at hindi masyadong mataas tingin sa sarili."

Tumigil kami sa paglalakad.

"Hmm Olivia, may itatanong ako."

Humarap siya saakin at tinaas ang kilay.

"Ano yun?"

"What if may umamin sa'yong pinaka-close mo, like friend, na gano'n ang traits?"

Sa loob-loob ko ay parang anytime may sasabog saakin.

"H-Huh? Siguro ano... Maiilang ako sobra. Hindi ko alam. Ano ba 'yang tanong mo, Stephen... Haha," sabi niya. Napakurap siya at umiwas ng tingin. Halatang naa-awkward-an siya sa tanong.

Mali ata natanong ko. Shet.

PAGTINGIN (LSAIBS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon