Chapter 2 - Pre-Chorus

11 1 2
                                    

'Wag mo akong sisihin

Mahirap ang tumaya

Dagat ay sisisirin

Kahit walang mapala

"Paano ba 'yan? gragraduate na tayo ng Highschool sa wakas! Himala at makakagraduate ka pa?" pabirong sabi saakin ni Olivia.

Next week ay graduation na naming mga senior high. Tama nga si Olivia, himala't makaka-graduate ako. Kahit pa minsan ay halos wala na akong makuha sa mga tests eh nakakapasa pa rin ako. Laking tulong din ni Olivia dahil may mga pagkakataong sinisipag ako dahil sa pagmo-motivate niya saakin.

Nandito kami ngayon sa tapat ng bintana sa room namin. Nagkwekwentuhan. Ang iba kong kaklase ay tulog, ang iba naman ay nasa labas ng room. Halos wala na rin kasi kaming ginagawa ngayon dahil busy na ang mga teachers, either nagco-compute ng grades o di kaya'y naghahanda para sa nalalapit na graduation.

"Sigurado ka na ba sa kukunin mong course sa college?" hinarap ko si Olivia para magtanong.

Napakunot naman ang noo niyang lumingon saakin. "Ha? Oo naman. Sigurado na akong mag-engineering," sabi niya.

"Sige, 'yon na rin kunin ko."

Napalaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Sira ka ba? Kunin mo yung gusto mo. Para ka namang ewan,"pailing-iling niyang sabi saakin.

Hindi naman sa ayaw wala akong gusto, pero wala pa rin naman akong naiisip na talagang kukunin ko. Tsaka isa pa, parang gusto ko rin mag-engineering. Hindi ko gustong-gusto, pero pagsisikapan kong matutunan.

Para na rin makasama ko siya...

"Nasa isip ko rin naman na pwedeng engineering ang kunin ko," nginitian ko siya. Mukha namang nakumbinsi ko siya kaya't hinayaan niya na lang ako.

"Sana sa college, magka-jowa na ako," she said out of the blue. Siyempre sa gulat ay tinawanan ko siya. Sumama naman ang tingin niya saakin. "Bakit?! Masama ba mag-jowa?!" galit niyang sabi saakin?

"Bata ka pa hoy!" sabi ko sabay tawa pa rin, pero sa loob loob ko, iniisip na kung magkaka-jowa man siya, sana ako na lang 'yon.

Pero papaanong magiging ako yun kung maging sa pag-amin eh natotorpe pa rin ako?

Ang hirap-hirap naman kasing umamin. Gano'n ba kahirap sabihin na 'Gusto kita'? Hay nako... Hindi ko masisisi ang sarili ko. 

I'm honestly stuck between hope and rejection. Pag-asa na baka mapagbigyan ako, at rejection na baka magbago lahat. Sobrang hirap tumaya.

Pero kahit gano'n pa man, alam kong may araw din na makakaamin ako sa nararamdaman ko. Not now, but soon.

"Kung magkaka-jowa man ako, sana yun yung lalaking handang akyatin ang bundok, handang dumaan sa gilid ng bulkan, at handang sisirin ang dagat, 'wag lang akong mawala," sabi niya. Tinawanan ko lang siya at walang sinabi.

Handang-handa kong gawin lahat iyon, wala man akong mapala.

"Tara na nga. Labas tayo, libre kita palamig. Ang init dito sa loob," pag-aya ko sakaniya.









PAGTINGIN (LSAIBS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon