Chapter 7 - Bridge

2 0 0
                                    

Iibig lang kapag handa na

Hindi na lang kung trip trip lang naman

Iibig lang kapag handa na

Hindi na lang kung trip trip lang naman

Bumaba ako ng stage nang matapos ko ang kanta. Hindi ko inakalang andaming manonood saakin. Nagpalakpakan pa sila nang matapos akong kumanta.

"Galing mo, lodi!" sabi saakin ni Olivia habang papalapit ako. Nag-thumbs up pa nga siya saakin.

Umalis na kami ng theme park at dumeretso sa isang coffee shop. Dahil nga engineering student kami, napahilig na kami sa pagkakape.

"...Kita ko pa yung isang babae habang nakapikit ka sabi niya 'Ampogi niya! Kyah akin ka na lang', like ang sarap niya buhusan ng malamig na tubig amp," pagpapatuloy niya sa kinekwento niya.

"Yung isa pa nga kinukuhan ka ng picture ata or video eh, artista yarn?"

Tinatawanan ko lang siya habang nagkwekwento. Halata nga sa mga kwento niyang bilib saakin yung mga tao, ewan kung sa boses o sa mukha. Halo-halo na ata. Pero mas naka-focus pa rin ako sakaniya habang nagkwekwento siya. Lumalamig na nga ata ang kape niya sa kakakwento niya eh.

"Gano'n talaga siguro 'pag gwapo," sabi ko sakaniya na ikinatawa niya ng sarkastiko.

"Hangin mo tol," pailing niyang sagot. "Pero seryoso na, thank you. Kahit papaano, naalala kong may oras pa pala para magsaya," dagdag niya at ngumiti. "Haaaaay... Buhay Engineering student talaga..."


Ngumiti ako bago sumagot. "Wala 'yon. Anytime."

Gabi na nang makalabas kami sa coffee shop. 8 minutes bago mag-7 pm. Dumeretso muna kami sa malapit na park dito. Mas maganda nga dahil may mga ilaw-ilaw na nakasabit.

"Stephen, picture-an mo nga ako," sabi niya sabay abot ng cellphone.

Agad naman itong nag-pose. Para siyang model, matangkad siya na may kahabaan ang buhok. Sakto lang din ang katawan niya at maganda ang mukha. 

"Tayo naman, picture tayo!"

Agad niya akong hinila sa tabi niya at halos magkadikit na ang mukha namin. Ngumiti lang ako ng tipid dahil hindi ako makapag-focus sa sobrang lapit niya saakin. Napalunok ako nang mapatitig sa pula niyang labi. Literal na pula dahil nabura na ang lip tint niya kanina nung naghilamos siya sa cr.

"Cute."

Nakatayo ako ngayon sa harap niya habang tinitignan ang mga pictures sa cellphone niya.

"Olivia..."

Napaharap siya saakin. "Hmm?"

Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. Ito na siguro ang tamang panahon, tamang araw, tamang oras, tamang lugar, tamang pagkakataon para... para umamin ako.

"Masaya akong kasama kita ngayon. Salamat."

Ngumiti ako sakaniya na sinagot niya rin ng ngiti.

"Masaya rin akong kasama kitang naging masaya," sabi niya. Mas lalo akong kinakabahan.

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig sa narealize ko. Sa mga nagdaang araw, mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Mas lalo ko siyang gustong kasama sa bawat oras. Mas lalo ko siyang nagugustuhan.

Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko, ang kabang nararamdaman ko, at ang mga iniisip ko. Itutuloy ko ba 'to? Itutuloy ko na ba 'to?

Itong nararamdaman ko... Hindi na lang 'to trip trip lang.

"Olivia..."

Handa na akong umibig.

PAGTINGIN (LSAIBS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon