"Ma tama na po nasasaktan na ako, masakit na po ma please po tama na. Magpapakabait na po ako ma please"
Pakikiusap ko sa akong ina habang patuloy parin sya sa pagpalo ng leather na belt sa iba't ibang parte ng aking katawan. Pero parang wala syang narinig. Maya-maya ay tumigil sya sa pag palo sakin, at ang kapatid ko namang babae ang pinalo. Pareho kaming iyak ng iyak, puro latay ang aming katawan. Ang gilid ng labi ko ay may masasaganang dugo galing sa pagkakasampal ni mama kanina.
Akala ko ay tapos na sya nung lumabas sya sa kwarto, pero mali ako. Maya-maya ay bumalik syang may bitbit na dalawang sako. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko ang mga iyon. Alam ko na ang mangyayari......
"Anong tinutunganga mo dyan!? Pumasok kna dito sa sako! Dapat lang to sa mga batang matitigas ang ulo!" Galit na galit nyang sigaw, parang hindi na sya ang mama ko.
Dahan-dahan akong pumasok sa sako, nanginginig ang katawan ko sa takot habang patuloy padin sa pag iyak. Ilang beses nya itong ginawa sa amin kahit alam nyang may hika kami ng kapatid ko.
Mainit at masikip sa loob ng sako. Hindi ako makakilos. Walong taong gulang pa lang ako pero bugbog sarado na ang aking katawan dahil sa pamamalo at kalupitan ni mama.
Kung sana nandito lang si papa may kakampi kami, may magtatanggol samin dahil ayaw nyang nasasaktan kami. Pero imposible nasa abroad sya at nag tatrabaho..
"Papa uwi na ikaw, wala na akong kakampi dito. Lagi kaming pinapalo ni mama. Konting mali lang palo na agad papa, miss na miss na kita. Balik ka na papa ha? Please papa, hindi na ako mahal ni mama....." Pagkausap ko sa aking ama kahit alam kong hindi nya ako maririnig masyado syang malayo sa akin.
Unti-unti akong hinihila ng antok, marahil dala ng pagiyak ko ngayon. Hanggang makatulog ako dito sa loob ng mainit at masikip na sako........
![](https://img.wattpad.com/cover/37802032-288-k475121.jpg)
BINABASA MO ANG
'Till I Found Myself
RomanceSabi nila "You must learn to love your self first before you can whole heartedly love someone" Hindi katulad ng mga love story na nababasa natin o napapanood na laging happy ending. Mahirap magmahal, masakit. Hindi basta basta, it's either ikaw an...