Sa una lang pala mahirap maging transferee. Syempre adjustment sa new environment, question and answer sa mga nakiki intriga sa buhay ko. Imagine ngayong 2nd year high school ko lang nalaman ang Our Father, Hail Mary, Glory Be at ibang mga dasal pa.
Dahil sa mahigpit nilang rules and regulation unti unti ng nawala ang pagiging war freak ko, naging mahinhin at masipag nadin ako sa pag aaral. Since nasa lower section kami naging candidate for honor ako at sobrang naging close kami ng adviser naming terror. Hindi man ako Class President pero ako ang mas pinagkakatiwalaan nya.
Masaya at tahimik ang naging buhay ko sa nakalipas na 3 months. Ang sarap sa pakiramdam na magbago for good pero hindi ko alam na may dadaan sa buhay ko na susubok sa katatagan ko.......
Ako lang ang sakay ng tricycle nang biglang huminto at tila magsasakay pa ng isa. Umusog ako para bigyan ng space yung bagong sasakay para makaupo.
Hindi ko sya pinapansin nakatingin lang ako sa salamin at nagsusuklay nang bigla syang tumingin sa salamin. Nagkagulatan kami hanggang sa nagkatitigan. Biglang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ako makahinga. Sabay kami nagbawi ng tingin at nagtawanan. Isa sya sa mga kaklase ko, hindi ko alam na malapit lang pala ang bahay nila sa amin. Ilang kanto lang layo namin sa kanila.
So sabay na kaming pumasok sa school hanggang sa room. Medyo nagkakailangan pa kasi pareho kaming nagkakahiyaan.
Doon nag simula ang lahat..
BINABASA MO ANG
'Till I Found Myself
RomanceSabi nila "You must learn to love your self first before you can whole heartedly love someone" Hindi katulad ng mga love story na nababasa natin o napapanood na laging happy ending. Mahirap magmahal, masakit. Hindi basta basta, it's either ikaw an...