Lumipas ang tatlong araw simula nung Saturday. Ok naman kami ni Lester hanggang kahapon kaso ngayon parang may nag bago. Ang cold nya na sa akin simula kaninang umaga. Ni wala ngang good morning message gaya nang lagi nyang ginagawa noon, tapos hindi din kami nag sabay umuwi. Naiistress ako :( pakiramdam ko may mangyayareng hindi maganda samin.
Buti na lang naging busy ako sa decoration ng room namin. Ginabi kami ng uwi ni Ma'am Smelee. Pagkauwi ko ang saya saya ko kasi may isa syang text sa akin. Excited kong binuksan yung message. Pero lahat ng iyon ay nawala...
From: MyLove
Brianna mag cool off muna tayo. Kailangan ko ng space at tyaka bawal tong relasyon natin. Magagalit si Ma'am Smelee pag nalaman nya kung anong meron sa atin. Sorry :(Tangina!!! ang sakit po. Gustong kong mag wala!!! Peste!! kung kailan ako nagtitino tyaka ako makakaranas ng ganito.. shit!
Nagtext ako sa kanya. Gusto ko malaman yung dahilan :'( may mali ba sakin? Anong problema?
To: MyLove
Anong problema? May mali ba sa akin? May nagawa ba akong kasalanan para humingi ka ng space? At ang duwag mo naman para isuko basta basta tong relasyon natin habang ako kumakapit pa.Parang binibiyak yung dibdib ko sa sakit. Hindi na ako makahinga naninikip yung dibdib ko, mahal na mahal ko sya pero bakit ganito naman? Shit!
From: MyLove
Wala. Wag ka ng magtext sa akin kalimutan mo na naging tayo.Di ko na napigilan pagpatak na luha ko. Tinext ko pa sya ng tinext. Pero di na sya nag rereply. So ganun lang pala yun? Pagkatapos ng mga nangyare biglang ganito, walang explanation kung bakit ititigil na yung putanginang relasyon namin.
Wala akong makausap sa bahay na 'to, iyak ako ng iyak. Hanggang sa naisip kong tawagan si Julia. Sinabi ko sa kanya lahat maliban dun sa mga nangyare sa bahay nila Lester.
Hindi naman nya ako pinagalitan hinayaan nya lang ako umiyak ng umiyak. Hanggang sa wala na akong maiyak, pero bakit ganun di man lang nabawasan sakit ng nararamdaman ko.
Mga lalake talaga, puro pabigat sa buhay ang alam gawin!! Binaba ko na yung tawag pagkatapos ko mag pasalamat kay Julia. Nakahiga lang ako at iniisip yung mga ngyare at dapat gawin.
Tama.. kailangan ko magmove on hindi lang sya ang lalake sa mundo.
Lumipas ang dalawang linggo, nagagawa ko namang maging maayos yung lahat kahit apektado parin ako sa break up namin ni Lester. Nagawa ko nading umamin kay Ma'am Smelee, hindi naman sya nagalit basta wag na daw mag balikan.
Pero mukang nananadya talaga ang tadhana...
BINABASA MO ANG
'Till I Found Myself
RomanceSabi nila "You must learn to love your self first before you can whole heartedly love someone" Hindi katulad ng mga love story na nababasa natin o napapanood na laging happy ending. Mahirap magmahal, masakit. Hindi basta basta, it's either ikaw an...