May nakapag sabi na bang isang malaking kapestehan ang maging transferee? Kundi lang talaga ako bitter sa panloloko sakin ng first love ko hindi ako lilipat e. Oo first love lang dahil hindi naging kami.
Pero... tama din sigurong lumipat ako ng school since masyado na akong naging bad girl sabi nga nung first love ko na si Kenneth Perez kaya hindi nya daw ako magustuhan dahil hindi ako mahinhin, maarte, malandi, war freak, laging nang aaway ng teacher at kaklase kahit wala namang ginagawang masama sakin. At gusto kong mabago yun, para maipamuka sa kanya na kung ano ang sinayang nya!!
Sa sobrang pagka desperada ko St. Peter Academy pa ang pinili ko, catholic school kaya siguradong madidisiplina ako dito. So ito na nga first day, ilang na ilang ako dahil lahat sila magkakakilala. May kakilala naman ako so di naman ako gaano nahirapan ang kaso lang yung mga di ko kakilala laging tumitingin . Gusto ko silang irapan.
"Ganto ba talaga mga students dito kapag may transferee?" tanong ko sa kaklase ko nung elementary na si Julia.
"Oo, syempre bagong muka tyaka haler maganda ka kaya. Wag mo na lang sila pansinin. Tyaka mamaya dadating nadin yung teacher natin, sya ang pinaka terror na techer dito kaya chill ka lang dyan." sagot ni Julia
"Weh? As in terror talaga?" parang bigla akong kinabahan. Adviser namin terror mukang maagang matatapyasan ang sungay ko.
"Oo, lahat ng estudyante nya yun yung sinasabi. At walang sumasagot sa kanya, mahilig din sya mang bara ng mga........." Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil biglang pumasok ang maliit na babae, mukang sya ang aming......
"Good Morning Class" Sabay sabay na nagsitayuan ang mga estudyante sa room na to. Nakisabay na lang ako pero di ako nakasabay ng sabihin nilang
"Good Morning Ma'am Smelee Peace and All Good" at nag siupo na sila. Ganun ba talaga ang pag greet dito?
Nakakainis ang dami kong di alam!
"Ok class I am Ma'am Angela Smelee your class adviser and obviously your english teacher. "
"Let's begin the introduction of the transferees since most of you kilala ko na."
Pusang gala naman talaga, so kami lang mga transferee ang magpapakilala. Nakakapeste naman talaga!!! -..-
At pag minamalas naman talaga. Lumapit sa akin yung teacher namin.
"Miss introduce yourself in front. What are your reasons of choosing St. Peter Academy, tell something about your life, what are your expectations to me."
Dahan dahan akong nagpunta sa harap at kinakabahang nakangiti sa kanila.
"Hello I'm......

BINABASA MO ANG
'Till I Found Myself
RomanceSabi nila "You must learn to love your self first before you can whole heartedly love someone" Hindi katulad ng mga love story na nababasa natin o napapanood na laging happy ending. Mahirap magmahal, masakit. Hindi basta basta, it's either ikaw an...