Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naiiyak ako na gusto kong magsaya at.. nasasaktan. Ang gulo nya! sh*t! Ang sakit sa dibdib ang dami kong sama ng loob at galit sa kanya na gusto kong ilabas pero walang tinig lumalabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa mata ko.
Hindi ko na napigilan pa, sunod-sunod ang naging pag patak ng mga luha ko. Bakit ganto? Nasasaktan padin ako, is there any possible way to get rid of this pain so I won't get hurt anymore?
Marahan nyang pinunasan ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko.
"Hey Brianna, please don't cry? It's tearing me a part every time you're doing that and the fact that I'm the reason behind this tears, mas nasasaktan ako kasi mahal kita Brianna mahal na mahal."
Naguguluhan ako, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Tumayo ako at nagpunta sa white board nagsulat ng kung ano-ano, na parang wala syang sinabi, na parang di ako apektado sa mga sinabi nya.
Tuloy ako sa ginagawa ko, wala akong balak na kausapin o tignan sya. Umiiyak padin ako, peste! ang sakit e!
Binubura ko na ang mga pinagsususulat ko sa white ng biglang may humatak sakin at...Hinalikan ako!?
Hinahalikan ako ni Lester 0-0!! Dito!? Sa loob ng class room namin, sa school mismo. Tinulak ko sya at
PAK! Isang malakas na sampal! Galit ako, galit na galit.
"Ano ba!? Pati ba naman dito sa school ganyan ka!? Paano kung may makakita sa atin!? Sa ginawa mo!? Sh*t naman Lester matatanggal tayo nito e"
"Wala naman ibang tao dito sa school natin kung hindi tayo lang. Nakakalimutan mo bang weekend ngayon?" hinihimas himas nya ang kaliwang pisnging sinampal ko.
"Kahit na!" tinalikuran ko sya at niligpit na ang mga gamit na dala ko. Uuwi na ako bago pa ako magkasala dito.
"Brianna saan ka pupunta? Nag uusap pa tayo!" may galit sa mga boses nya. Aba sya pa may ganang magalit ngayon, mukang di pa sapat yung sampal ko sa kanya kanina.
"T*nga ka ba talaga? Hindi ba halatang uuwi na ako dahil ayaw kitang kasama. Ikaw ang pang pamalas sa buhay ko!!!! Kung ikaw lang din ang mamahalin ko ng seryoso? Hindi bale na lang dahil hindi ka dapat minamahal!" Nakaharang sya sa dadaanan ko kaya tinulak ko sya para makadaan ako. Nalagpasan ko na sya ng bigla nya akong hinatak NANAMAN
At hinalikan ulit. Sh*t mababagito kami nito e, ayaw ko mag trending sa internet world ng dahil dito. Pero naramdaman kong may bumabasa sa pisngi ko, umiiyak ba sya?! Si Lester umiiyak?
"Brianna sorry, patawarin mo ko. Mahal na mahal kita, sobra" He said in between our kiss. Naiyak nadin ako at buong pusong tinugon ang mga halik nya. Ramdam ko sa bawat kilos ng labi nya ang pagmamahal nya sa akin at unti unti na akong nadadala sa halik nya.
Umiiyak padin sya. Alam kong mali ang ginagawa namin, ano mang oras maaaring dumating si Ma'am at makita ang ginagawa namin. Kumalas na ako sa halik namin, habol ko ang hininga ko.
"Lester wag dito baka dumating na si Ma'am mag usap na lang tayo sa bahay nyo. Natatakot ako dito ayaw kong matulad doon sa bagito scandal na kumakalat sa internet" mahinahon ko ng pakiusap sa kanya.
Pero hindi sya nakinig sa akin. Kinabig nya ang batok ko at sinimulang halikan ulit ako. Wala na akong nagawa kundi tumugon na lang, mahigpit nyang hawak ang batok ko kaya di ako makakalas sa ginagawa namin. Maya maya pa ay naramdam ko ng marahan nyang hinihimas ang dibdib ko.
Nakakadala, pero alam kong mali. Itutulak ko na sana sya ng makarinig kami ng parang isang metal na bagay ang bumagsak. Agad kaming tumigil at sabay na nilingon ang pinanggalingan ng tunog.
Hindi.. hindi pwedeng mangyari to. Hindi totooo yung nakita ko, namamalik mata lang ako.

BINABASA MO ANG
'Till I Found Myself
RomansaSabi nila "You must learn to love your self first before you can whole heartedly love someone" Hindi katulad ng mga love story na nababasa natin o napapanood na laging happy ending. Mahirap magmahal, masakit. Hindi basta basta, it's either ikaw an...